Chapter 17: School Event Review

1.5K 40 0
                                    

Meg's P.O.V

Hella NOOOOOOO ..

Nalingat lang ako ng konti na wala na agad si Nathalie. Kasalanan toh ng kabuteng kausap ko. Pati si Kenzhie at Marxha wala din silang idea. Gooosh, nakakapag init ng ulo , nakakasakit sya sa bangs. Baka mamaya mawalan pa kame ng representative ng group namin.

"Panget ka! Ayan tuloy nawala si Nathalie" pag mamaktol ni Kean, grabe, daig nya pa ang babae kung tumalak.

Ayon busangot ang mukha ni Kean. Problema nito =____= sya naman ang may kasalanan kung bakit hindi namin na pansin si Nathalie na umalis baka may kung anong nangyari dun, lapitin pa naman yun ng kamalasan at ang kanyang kamalasan ay bunsod lahat ni Sandra. Oo, alam ko yung nangyari dun sa pool pano ba naman kase---

Flash Back

Nandito ako sa storage room, malapit sa may pool area. Bwisit na stalker yun, lagi nalang akong kinuhanan ng stolen picture. Maganda sana kung maganda yung angle ihh, hindi naman maganda -__-, nakakamanyak pa nga.. tss

"If I know girls, patay na yun ngayon"

Kilala ko yung boses nay un, psh. Galamay yun ni Sandra, hindi muna ako lumabas sa storage room

"Hahaha . I just enjoy pushing her to the pool, Do you see her face asking for help she just freaki~"Sandra

Huh? Sino naman kayang itinulak ni Sandra sa pool?! What a desperate girl.

"So it's You after all"

Huh? Boses yun ni Niel, bakit sino ba talaga ang napahamak? Sino ba talaga ang ginawan ng bruhang yan nang katar*ntad*han.

"N-Nathaniel, so how are you Babes" Sandra

Tss, umandar na naman ang kalandian ng Bruha

"Ikaw ang tumulak sa kanya?!" boses ni Niel na sumisigaw

"So ? ano kung ako nga babes? problem??" Si Sandra, nag tataasan na sila ng boses almost masamid sya sa evil laugh nya. Buti nga.. psh

"Bakit mo yun ginawa?" Niel

"A-ano ba kasing problema mo babes?" Sandra

"Bakit mo yun ginawa huh ?!" ngayon yung boses ni Niel, mas may intensity na.

"P-paki mo ba?!" Sandra

"Alam mo ba muntik na syang malunod!!" Si Niel, ngayon alam ko gigil na gigil na sya sa mga oras nay un. Kung ako ang nakabangga ni Niel, panigurado akong suko na ako sa talim palang nang titig nya

"I don't care"

Pag kasabi nun ni Sandra, umalis na sila malapit sa storage room, medyo humina yung mga boses kaya napag desisyunan kong sumilip nakitang kong kinakaladkad ni Niel si Sandra, at nag pupumiglas naman ang bruha, yung mga alipores nya pinipigilan si Niel.

"Where you think ~"

"I'll take you to the Dean's Office!"

"What the he~"

"Shut up!"

Hmpft, dali nya. Si Niel pa kinalaban nya.

~ Prince Charming Academy ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon