Chapter 6: Keilah's First Greeting

5.5K 173 4
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa mundong hindi ko inakala, ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Naka loose shirt at shorts lang ako, kaya ang lamig talaga.

Naisip kong buksan ang maleta ko at kunin ang naempake kong sweater pero I don't really want to be bothered. Gusto kung mag explore muna, and that's what I did.

Ganun parin, walang nagbago nung huli akong naligaw dito. Puno parin ng naglalakihang mga halaman at bulaklak. Nakaka overwhelm. This place is magnificent. Is this magic? I wonder kung may magic ang mga resident dito. That would be so cool. Pero at the same time nakakakaba parin.

Ang pinagkaiba nung una akong nakapunta dito ay ang takbo ng oras. Dahil madilim dito, ibig sabihin gabi na. Feel ko tuloy I invaded this place illegally. You know bad intentions usually happen during the night.

Masasabi ko ibang-iba ito sa mundong nakasanayan ko, I mean of course. Ang langit ay puno ng iba't ibang kulay na bituin, at parang ang lapit lapit lang nila. Natawa ako, the sky is weid here, I'm seeing them like three dimensional, nakakatuwa. Nakikita ko ang curvature.

Nakatayo parin ako dito, inikot ikot ko pa ang paningin ko bago ako tuluyang naglakad.

Papunta ako sa lugar kung saan ko huling nakita ang mga tao, o dapat ko pa ba sila tawagin tao? They are not from my world so definitely not humans.

Nahihirapan pa nga ako dahil ang hihigante ng mga bulaklak, minsan nga eh napapasuong pa ako at napapa-akyat makadaan lang. Pero that's what makes it even more fun and interesting. I get to work with my strength and flexibility with which I don't have but still this is nice. I get to realize I needed this kind of adventure at least once in my life and now I am having it. I'm never going to leave.

Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong mga kaluskus kaya kinabahan ako bigla. It's night time, could this be something dangerous?

Pangalawang beses palang akong nakapunta dito at yung una ay aksidente pa nga. Kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito. I don't really know what to expect. Hindi ko ma point out ang mga possibilities sa akin dito other than envisioning happiness here.

Napalunok ako nang sa paglingon ko nakita ko ang bulaklak na nagalaw bigla na parang takot itong magpakita o di kaya ay tinatakot ako gamit ng pagpapa-aware niya sa akin sa kanyang presensya.

Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan na niyang ipakita ang sarili niya.

Napasinghap ako sa nakita ko and choked on my breath.

This creature sure is not normal. Isang leon ata na kulay itim at labas labas ang pangil na parang sa mammoth. A mixture of both.

Of course, getting here is not normal already what more the living things that lives in here. I should be aware.

At nang tuluyan ng lumabas ang halimaw at isa isa nang naglalabasan ang iba pang kagaya niya na pinapibutan ako.

Siguro mga 50 meters ang layo namin and getting closer. Napaka-intimidating nila. Definitely not safe.

Hinawakan ko ng mahigpit ang maleta ko para pang depensa ko, pero di ko man lang mai-angat to. Somehow I couldn't find any strength in me. I haven't really rested today, I realized my body is weak.

Anong gagawin ko. Will the first thing I do here is die already? Can I stay a little longer before I die atleast? Come on this world, give me a chance.

Ayoko pang mamatay. Pumunta nga ako dito para makatakas, pero mas malala pa pala dito.

Bigla bigla ay may narinig akong mabilis na takbo, pabilis ng pabilis sa likod ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpa-panic na ako.

Palapit na ng palapit. Hanggang dito nalang ba talaga ako. Napaluha ako. I don't think may time pa ako para umiyak. Adik namang buhay to eh.

Ilang metro nalang at tumalon na yung halimaw at handa ng dambahin ako.

I closed my eyes and screamed.
So hard that I couldn't hear myself and somehow did something unexpected.

I did something.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko sa tabi na umuungol na sa sakit ang halimaw na dadambahin na sana ako pero naunahan ko.

Inihampas ko lang naman ng buong pwersa kong natira ang maleta.
Hindi ko alam kong paano ko nagawa yun, dahil kanina lang nahibirapan pa nga akong buhatin to, maybe dahil na to sa adrenaline rush.

Dahil dito, ang mga nakapalibot sa akin ay tila gulat at naguluhan. I guess I'm kinda capable. Good to know.

Napansin kong nasugatan ako sa braso at nakita ko itong umaagos ng dugo. Umabot parin siya sa akin dahil nakalmutan ako. Ang lalim ng sugat na ngayon ko lang nainda ang sakit.

Sa lakas na pagkakahampas ko ay nanghina ang braso ko at sugatan pa. Nahilo ako at napaluhod.

I leaned to the ground pero di ko parin nakayanan kaya napahiga ako, at tuluyan ng napabitaw sa maleta.

Di ko na maisara ang kamay ko, umiikot pa ang paningin ko. I moaned in pain. I feel like fainting.

Pero bago pa ako nawalan ng malay ay biglang nagkaroon agad ng confidence ang mga halimaw nato at nakita ko pang nag-uunahan sila patungo sa akin.

They're probably going to feast on my body. Yeah guess what, I'm doomed in the both worlds I'm in.

I was right. Ito na talaga ang buhay ko. Wala na akong takas. Akala ko may hope pa ako. Lagi akong naghahanap ng hope sa kabila ng nangyayari sa akin pero this time. I think not. Hope is not going to save me from this monsters.

Kahit hindi ko maisip ang worst case scenario dito, the thing that I was expecting was atleast experience getting rejected or even getting hated at and then just go back. Or be punished hard and go back.

Not die. With these monsters.

I guess there's really no going back.

➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Where stories live. Discover now