Chapter 41: Death

2.1K 67 1
                                    

"Hindi kami gumagamot ng tao" aniya Jenan habang nililigpit ang gamit niya at handa mg umalis.

"Gawin niyo nakiki usap ako" halos mangiyak na ako sa kaka pursigi ko sa kanila

Hindi sila pwedeng umalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung walang tutulong sakanila.

"Hindi nga pwede!" Pasigaw na sabi ng isang Flonen.

Nilalabas ko kung ano mang binabalik niya sa mala make up kit na lalagyan ng mga gamit pang gamot nila.

"Hahayaan niyo nalang bang mamatay ang pasiyente ninyo?!!" Sigaw ni John na alam kung kanina pa naiinis sa mga Flonen

"Wala kaming kakayahang gumamot ng tao. Orleana lang ang ginagamot namin. " sumbat ni Jenan.

"At isa pa. Wala kaming alam sa katawang tao. Kung ililigtas man namin tong isang Orleana ay wala ring kwenta dahil mamamatay din yan kalaunan" Dagdag pa ng isa pang Flonen

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Mga Flonen ba talaga kayo!!" Halos pasigaw ko ng sabi sakanila dahil sa galit.

"Isa itong kasalanan. Hindi ako makapaniwalang may nakapasok na tao dito. Kailangan tong malanan ni Reyna Vedette" Aniya Jenan habang tumatayo at handa ng umalis.

Hinila ko siya dahilan para mapa upo siya. Wala na akong pakialam kung nasaktan siya sa paghila ko.

"Hindi ka ba naaawa. Kahit papaano may buhay sila, may buhay sila na kailangan niyong iligtas." pagmamakaawa ko.

"Anong nangyayari dito!" Isang tinig ang narinig naming sumulpot.

Si Reyna Vedette.

Napatakip siya ng bibig nang makita ang duguan kong mga kasama.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Tulungan mo ang mga kaibigan ko Reyna Vedette, nakikiusap ako" sabay luhod ko. Desperada na talaga ako.

Hindi ko na naatim na tingnan sila na nagaagaw buhay.

Kung sana hindi nalang ako pumayag sa gusto ni Maddox na magdala ng tao, hindi na sana nangyari to

"Wag kayong makinig sakanya Reyna Vedette.  Tao ang isa . At itong isang Orleana, hindi ko na siya maililigtas pa" aniya Floren

Sabay sabay na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa mga sugatan. Hindi sila pwedeng mawala.

"Anong karapatan mong tanggihan ang pakiusap niya!" Sabay sampal ni Reyna Vedette sa Floren habang ako ay nakatulala sa kawalan na hindi na alam ang gagawin. Pakiramdam ko mababaliw ako.

Ang sakit sa pakiramdam na nakikita ko silang wala nang buhay. Pakiramdam ko ano mang oras ay sasabog na ako sa dami ng emosyong meron ako ngayon. Hindi ko na kaya.

"Kung mararapatin niyo po Reyna Vedette, ngunit isa ring tao ang babaeng yan. Hindi kami ospital ng mga tao, Reyna Vedette. May paninindigan kami" isang malutong na sampal ang ibinigay niya sa Floren.

"Bawiin mo ang sinabi mo!! Wala kang karapatang sumbatan ako, lalong lalo na si Alethea!" Katahimikan ang bumalot sa amin

Hindi makapagsalita ang Flonen sa mga narinig niya. At dahan dahan kong nakikita ang mga mata nila Maddox nakapikit na. Ayokong isipin na wala na sila. Kung bakit ba naman kasi biglaan silang sumugod.
"A - anong ibig n- niyong sabihin?" Utal na bigkas niya

"Humingi kayo ng tawad" utos ng Reyna at sabay naman silang lumuhod

"Patawarin niyo po sana kami. Hindi po namin, hindi po namin alam. Wala - hindi namin kayo nakilala. Na - Pa - hin - patawarin niyo po sana kami" aniya nila na hindi alam ang sasabihin

"Mapapalitan ba ng patawad niyo ang buhay ng mga kaibigan ko?"

Katahimikan. Sandaling katahimikan habang tinatapik nila John at Reyna Vedette ang balikat ko.

Alam kong ang mas nahihirapan ngayon ay si John. Mas marami ang pinagsamahan nila kaysa sa akin.

Napatingin ako sakanya.

"John," sambit ko
"Patawarin mo ako. Kasalanan ko to. Hindi ko na dapat sila dinala dito"

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi makakatulong ang iyak mo sa sitwasyon natin ngayon"

Napatingin ako sakanya.
Nakikita ko ang lungkot sa mga niya pero hindi na siya umiiyak. Pinapatatag niya lang sarili niya at kagaya niya, dapat lang akong magpakatatag, pero hindi ako siya.

Mahina ako.

"Merong isang paraan na makakatulong sakanila." Agad akong napatingin sa Floren na nagsalita.

"Anong sinabi mo?"

➖➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Where stories live. Discover now