Chapter 21: Overslept and Left

3.1K 117 2
                                    

Isang buntong hininga ang lumabas sa mga bibig ko. Tiningnan ko siya.

"Ako si Keilah. Taga Frando. Ako yung tinulungan mo nung mawalan ako ng malay."

"Okay. . ." patango niyang sabi pero halatang naguguluhan parin.

"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong niya.

"Galing akong Alethea."

Biglang nagbago ang expression niya, na hindi ko alam, hindi ko siya mabasa.

"Anong sinabi mo?" I suddenly got scared. Did I offend him?

"Galing kang Alethea? Impossible! Wala pang nakakalabas ng Alethea" he said unamused.

"Eh bakit ikaw nakalabas?" I responded.

"Ako ang mandirigma ni Alethea, kaya kailangan kasama niya ako. Ikaw paano ka nakalabas?"

How am I supposed to know that. Of course I don't know.

"Ang sino mang makakapasok ay siya ring makakalabas, hindi ba?" sabi ko.

Hindi makapaniwalang tingin niya sa akin sabay palingo lingo.

"Impossible! Wag mo nga akong lokohin. At isa pa, paano mo nalaman ang mundo ng Alethea? Eh tao ka naman."

"Hindi kita niloloko Maddox. At oo tao ako. Alam kong impossible pero nakapasok ako, maski ako hindi alam panong nangyari."

Hindi siya naniniwala. Naiintindihan ko siya, ganyan na ganyan din ang reaksyon ni Dawn at ni Reyna Vedette kaya medyo sanay na ako.

"At nandito ako para ipaalam sayo na nabuksan ang lagusan at nanganganib na pasukin ng mga Quebec ang Alethea . . . . dahil . . . dahil . . . akin."

Naguguilty ako. Kasalanan ko to alam ko.

"Anong sinabi mo?" Galit na tanong niya

"Pinapabalik ka na ni Reyna Vedette. Kailangan ka nila. Kailangan nilang mailigtas ang Alethea."

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang nakuyuko at nagiisip.

"Bumalik ka na ng Alethea. Ako ang nakapagbukas ng lagusan kaya ako lang rin ang makakalabas kaya ako ang pinadala nila para hanapin at sunduin ka . . . nakikiusap ako sayo, iligtas mo ang mga Orleana."

Hindi ko kayang makita ang mga Orleana na nanganganib dahil sa akin. Sobrang naguguilty ako. Kung sana ay may pananaw ako gaya ng mga Orleana na kapag alam nilang may kasalanan sila ay sinasaktan nila ang sarili nila, edi sana matagal ko nang pinatay and sarili ko.

"Babalik αko. MAG-ISA!"

Nagulat ako sa biglang pagsalita niya, pero ang mas ikinagulat ang sinabi niya.

Hindi niya ako isasama sa pagbalik patungong Alethea? I get that he's angry. But how can he do this? I know I am never welcome but what am I supposed to do?

He can't be left like this.

➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Where stories live. Discover now