Transfer Student

292 15 0
                                    

KATIE'S POV

Nakatangap ang aming house cabin ng isang envelop para sa akin nakapaloob dito na pinapatawag ako sa section ng III-ALMON dahil ako ang napiling ipalit sa nagdrop na estudyante galing ito sa Pricipal's Office.

6am palang pero gising na kaming magkakapatid para sa aming ritwal sa umaga naligo na ko at nagbihis ng pampasok bago bumaba para kumain.

As usual solo nanaman ako kakain ng breakfast kase sila ate college na iba schedule nila sakin pero dahil mababait sila ate sakin nakahanda na breakfast ko pagbaba isa itong spagetti at may timpla pang milo ^______^

Pagkatapos kong kainin ang aking napakasarap na breakfast ay naghugas na ko ng pingan at nagtoothbrush

7am palang kaya naglakad nalang ako para kilalanin din ang mga daan papunta sa bago kong homeroom parehas lang naman na nasa third year building kaya yung room nalang hahanapin ko ayon sa letter ay room 305 yun, third floor buti nalang maaga pa hehehe pag nagkataon anlayo ng aakyatin ko kapag late.

Habang naglalakad sa hagdanan ay may nakita akong teacher nakalagay sa name plate niya ay Furia Melendes ayos eto yung bago kong adviser magpapakilala ko para naman maganda ang first impression sakin ni ma'am hihihi

"Ma'am Furia, Ako po si Katie Dela Torre ako po yung pinadalahan ng letter galing sa Principal's Ofice" Ako

"Ahh oo iha nasabihan na ako tungkol diyan tutal dun na din naman ako papunta samahan mo na ako paakyat" Ma'am Furia

Naunang pumasok si Ma'am Furia kesa sakin at nag announce siya ng pagdating ko

"Good Morning class magsitahimik kayo at meron akong announcement may bago kayong kaklase nagdrop ang isa niyong kaklase na si carl avonueva kaya nagkaroon ng slot para sa kanya, Class meet Ms. Katie Dela Torre galing siya sa section na III-Antipolo " Ma'am Furia

"Ms. Dela Torre wala pa kaming seating arrangement kaya maari kang mamili kung saan mo gustong umupo" Ma'am Furia

"Ok po Ma'am" Saad ko

"Katie dito kana umupo" saad ng mga kaklase kong lalaki mga mukang di mapagkakatiwalaan na walang katabi

Samantalang ang mga babaeng may katabing walang nakaupo ay parang papatay sa tingin akala mo aagawan ng teretoryo hahaha

Napatingin ako sa likod kaso may nakaupo na sa tabi ng bintana at si kevin pa dito pala section niya.

Wala naman siyang katabi kaya dun nalang ako umupo at parang binagsakan ng langit at lupa ang mga muka ng lalaki sa room na ito kala mo bumagsak silang lahat sa final exam.

Pagkaupo ko ay tinawag ko si Kevin pero bwisit na to... hindi ako pinansin sa ganda kong to hindi ako pinansin first time to ah!!!!!! Walang hindi pumapansin sa Student Council President kahit iniligtas pa ko nitong isang to grrr................

Nakinig nalang ako sa aming guro nakatingin na kasi saming dalawa yung halos lahat ng lalaki sa buong section nila na kasama na ko ngayon at mukang walang pakialam parin tong katabi ko.

KEVIN'S POV

"Kring..... Kring...... Kring........." Tunog ng aking digital alarm clock pinidot ko na ang stop botton nito at tumunog ang event reminder nito

"Umaga Na...... Umaga Na......Time is 6:30" Tunog ng aking digital alarm clock dahil sa event reminder nito

Bumangon na ako sa kama at ginawa ang daily routines ko ang breakfast ko ngayon ay ang paborito kong pancit canton spicy flavor, pagkatapos kong kumain ay naligo na ko at nagbihis ng uniform.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay daretso na agad ako sa homeroom namin kahit 7:30am palang at 8am ang klase namin. May mangilan ngilan na din akong mga kaklase na nagkukwentuhan pero ako ay umupo lang sa aking silya sa tabi ng bintana sa dulo ng classroom at nakinig sa mga kwentuhan.

"Pare nabalitaan mo nabayung bagong game?" Si Gabrielle yun matangkad, moreno at gwapo isa din sa mga online gamer dito sa room pero di tulad ko marami siyang kaibigan

"Oo naman Gabs, balita ko nga next week na ang Game Launch " Si Tony isang maliit, katamtaman ang balat at isang nerd na maraming koneksyon sa gaming industries

"Talaga pare edi sigurado ko nakapagpareserved ka nanaman bago pa man sila mag announce officially?" Tanong ni Gabrielle kay Tony

Sinuklian naman ni Tony ng isang abot langit na ngiti ang tanong ni Gabrielle pero nagbalikan na din sila sa mga silya nila dahil sa pagdating ng aming guro

"Good Morning class magsitahimik kayo at meron akong announcement may bago kayong kaklase nagdrop ang isa niyong kaklase na si carl avonueva kaya nagkaroon ng slot para sa kanya, Class meet Ms. Katie Dela Torre galing siya sa section na III-Antipolo " Ma'am Furia

Agad na pumasok yung kapatid ng syota ni insan Khaydee at naghiyawan lahat ng lalaki dahil sa magiging bagong classmate nila ay isang babae na part din ng student council president pa, sa parte naman ng mga babae mapapansin na marami ang nakasimangot.

"Ms. Dela Torre wala pa kaming seating arrangement kaya maari kang mamili kung saan mo gustong umupo" Ma'am Furia

"Ok po Ma'am" Saad naman ni Katie at naglakad tumingin sa mga bakanteng upuan

"Katie dito kana umupo" saad ng mga kaklase kong lalaki na may katabing walang nakaupo

Samantalang ang mga babaeng may katabing walang nakaupo ay parang papatay sa tingin

Napatingin naman si Katie sa tabi kong upuan at nagliwanag ang muka nito ngunit ang mga lalaki naman ay parang binagsakan ng langit at lupa ng makita kung saan papunta ang si Katie

Umupo si Katie sa tabi ko pero di ko pinansin at nakinig sa aming guro

Kung ano-anong bulungan ang aking narinig sa mga malalapit sakin dahil sa hindi ko pinansin yung bagong transfer na si Katie pero di ko nalang sila pinansin

Tulad noong nakaraan halos ganun padin ang nangyare ang pinagkaiba lang ay may nagtangkang umupo sa tabi ko pero dahil hindi naman ako mahilig sa kwentuhan ay hindi ko nalang siya pinansin.

Natapos ang klase at bumalik na ako sa dorm room ko para mag log in syempre

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay inasikaso ko muna yung mga pinapagawa ni mam na assignments tapos humiga na ko at isinuot yung DC ko.

"Dream On" pumikit muna ko bago ko iyon bangitin

_________________________________________________________________________________

A/N: Sorry po sa mga readers ko kung natagalan ako bago nakapagupdate medyo nahirapan lang po ko dahil tulad ng iba sa inyo estudyante lang ako salamat sa mga nakakaintindi at patuloy na nagbabasa

PS. Waiting4destiny22


Dream World Online(DWO)(Tagalog)- on-hold-for-story-rebuildingWhere stories live. Discover now