System Notice

290 11 2
                                    

____________________________________________________________________

IN-GAME

Cyberworld - 17 Kevin's World Galaxy Beta 1

Nagising ako sa aking planeta tulad ng iniwan ko ito ay ganun pa din maliban nalang sa ilang bagong notifications windows.

SYSTEM NOTICE:

Ang World Galaxy System ay naayos na may resources bonus kana kapag nakasurvived ka sa waves of attack ng mga mobs.

Bonus Wave: Defend now?

(0) OO

First Wave: In T-minus 24 hours game time

Resources Bonus:

Dream Coins X 50

Dream Imagination Points X 50

Dahil sa debate ng mga admins at creators ang dream coins ng mga manlalaro sa iyong world galaxy at other worlds ay pinag iba ipinakikilala ang dream tokens para naman hindi mahirapan ang mga manlalaro na mag adjust may ibibigay kaming regalo in behalf sa mga creators at admins

Gift:

Dream Token X1500

Naipadala na sa account ng lahat ng beta testers.

Ipinapakilala ang AI Workers ikaw ang gagawa kung ano ang magiging itsura nila sila ang gagawa at mag uupgrade ng iyong mga establishimento.

Worker Hut Frames Freebies: 5

Ang Time Frame ay naiadjust na 1 hour sa totoong mundo 4 hours dito sa loob ng game.

Ang umaga at gabi sa totoong mundo ay ginawang kabaliktaran dito sa loob ng game dahil napag alaman na halos gabi lahat naglalaro ang mga beta testers.

Sinimulang ilunsad ang mga Hidden Quest nakakalat ito sa world galaxy at other worlds.

World Galaxy Controls can now be access kahit saan sa iyong mundo maskilala ito bilang GM Access.

Beta test end in T-minus 5 days and 5 hours oras sa totoong mundo.

(X)

Pagkasara ko ng window ay napansin ko ang mga bagong window na nakalagay sa aking paligid para kong napapaligiran ng maraming mga monitor ang kaibahan lang ay puro screen lang ito isa sa nakapukaw ng aking mata ay ang Worker Hut Frames agad ko itong pinindot at lumabas ang isang lapis at dalawang papel.

May lumabas na notification sa aking harapan

Ang nasa kamay mo ngayon ay isang lapis at dalawang papel ang gagawin mo ay isang drawing ng Worker's Hut na gusto mo at ang itsura ng iyong magiging Worker.

(X) Isara

Pinindot ko ang isara pagkatapos ay nagdrawing ako ng isang bahay kubo ngunit ang pinagkaiba nito ay may mga Kable ng kuryente na nasa labas ang naging itsura nito ay isang bahay na may mga nakalabas pasok na malalaking kable ng kuryente at ang isa naman ay Hugis tao na ang pinagkaiba ay ang muka nito ay kalahating tao at kalahating robot tamang tama sa tema ng aking base.

Isang notification menu ang lumabas sa aking harapan

Augmented Worker's hut now available for construction

Build now?

(O) Oo (X) Hindi

Pinidot ko ang oo at inilagay ko na ang limang Augmented Worker's hut inilagay ko ito sa paligid ng aking Town Hall at lumabas ang panibagong notification window sa aking harapan

Ang iyong mga Augmented Worker's hut ay ginagawa na dahil sa wala kapang kahit anong workers ay pinahiram ka ng limang workers ng system agad din silang mawawala pagkagawa ng mga workers hut mo.

Build Time: T-minus 30 seconds

(X) Isara

Building Completed

Maari mo ng gamitin ang iyong bagong limang workers ang mga system workers ay bumalik na sa kanilang planeta.

(X) Isara

Ang kasunod ko namang napansin ay ang mga upgrade icon na nakalagay sa picture ng mga sumusunod kong defenses

Main Cannon Lvl 1 UPGRADE AVAILABLE

Main Cannon Lvl 1 UPGRADE AVAILABLE

Main Cannon Lvl 1 UPGRADE AVAILABLE

Main Cannon Lvl 1 UPGRADE AVAILABLE

High Range Cybernetic Anti-Ship Turret Lvl 1 UPGRADE AVAILABLE

Pinindot ko ang isa sa main cannon upgrade para tingnan ang info

may lumabas na isang window

Main cannon Lvl 2

Upgrade time 5 hours

Papalitan ang isa sa mga capacitors ng cannon na magreresulta sa pagtaas ng damage

Increase attack damage 10%

Requirements:

Dream Coins X50

Upgrade now?

(0)OO (X)HINDI

Upgrade All Defenses

Dream Coins X250

Available Workers X5

(0)OO (x) HINDI

Pinindot ko ang OO sa Upgrade All Defenses

Wala namang mobs dito kaya pinili ko nalang pumunta sa campaign mode

Ngayon andito na ko ulit sa Camp Kidney at binalikan yung quest ko sa training sword dummy

Di tulad noong una kong punta sa Area 13 ay maraming beta testers ngayon ay kakaunti nalang

Agad akong naghanap ng spot na maunti ang tao at nagsimulang atakihin ang isang training sword dummy

Pag umaatake ko nagbobounce ito pabalik ng nakatututok sakin ang kanyang espada meron itong random na dereksyon ng pagbalik kaya matututo ka ng pag iwas dahil lagi namang straight ang atake nito madali ko itong nagapi sa paraang atake at ilag.

Pinaulit ulit ko lang iyon hangang matapos ang aking quest may ilang beses kong kinaylangan uminom ng healing potion na nasa inventory kona nung pagkagawa ko nitong beta tester account ko dahil sa paminsanminsan ako ay hindi nakakailag.

Bumalik na ako sa Camp kidney para tapusin yung quest




Dream World Online(DWO)(Tagalog)- on-hold-for-story-rebuildingWhere stories live. Discover now