Chapter 9

5.1K 107 18
                                    

Chapter Nine: Sweetest Downfall: Love and Lies
Chapter Nine - Sweetest Downfall: Love and Lies

Monday

... pagkatapos ng U23, balik training agad kami. Hai... nonstop eh. Then balik laro sa SVL, mag sesemis na kasi, at walang pahinga talaga.

"Bebe Ly, ikaw na talaga!" sabi ni Ate Rach nang makita akong nakaupo sa long bench dito sa oval ng ateneo.

Ngumiti naman ako nun. "Ang sabi kasi 5:30 am diba?" saka tumayo at sinalubong ito at sina Jovs. "Morning, mommy!" sabay beso dito. "And Captain!" sabay salute kay Ate Jovz.

"Well, yeah, but that doesn't mean na 5 am dapat nandito ka na." sabi nito. "You should get a very long sleep, Ly,"

"I already had."

"You already had eh mukhang pipikit pa yang mata mo, saka yong eyebags mo o, ang laki..."

At di na ako nakasagot, yep, inaantok pa nga po kasi ako. Kakatapos lang kaya ng u23, at di pa ako nakakakuha ng mabuti at mahabang tulog.

Then inakbayan ako ni Ate Jovs. "Kay aga aga, sinesermunan mo tung baby natin eh,"

"Eh, kasi Jovz, parang ako na itong naaawa jan sa katawan niyan," saka hinawakan ang braso ko. "Aba, kumakain ka pa ba?"

"Hala! Oo naman! Mas marami pa nga sayo, Mommy eh!"

Then maya maya ay dumating na sina Coach.

"Wala pa ata partner mo, Ly, ah." sabi sakin ni Jaja nang mapansin nitong walang tao sa gilid ko, actually, nagtataka rin nga ako eh, and wait, alam na nila kung sino partner nila? Hmm.. dalawang linya kasi kami ngayon, by partners.

"Ah.. wala pa ata." ok, sino kaya partner ko, tatlo pa kasi ang wala.

Then nagstart na kaming mag jog... then after ng 1 lap ay biglang sumulpot si Den sa tabi ko.

"Morning, Guys! Sorry, I'm late." sabi nito.

"It's ok, Den," sabi ni Ate Jovs sabay kindat,

Ngumiti naman ito bilang tugon dun.

"Sa Parañaque ka pa galing, Den?" Tanong ni Din Din.

Tumango ito.

"Layo pa pala."

"Oo nga eh,"

"Hi, Ate," si Jia yon.

"Hi, Ji," sabay smile. Then tumingin ito kay Bea na kapartner nun ni Jia. "Baby Besh,"

Dahan dahan naman nung lumingon si Bea sa kanya. "H-Hello, Ate," hmmm

I wonder if Alam na ni Den Den na may alam na si Myla.

"So, ikaw partner ko?" tanong ko maya maya.

"Bakit, sino pa ba ang ineexpect mong magiging partner mo?"

"Ah... si Gretch? Si Jia? Si Bea?"

"At di man lang ako pumasok sa isip mo?"

At di ako nakaimik.

"Tsk... nung isang araw pinapili kami ni coach ng magiging partner namin, di ka nakaattend nun kasi may training kayo sa U23..."

"Ohhh..... and ako pinili mo?"

"Obviously, yes,"

Tsk.. ano pa nga ba? I know, and eversince nagsimula kaming maglaro ng magkasama sa volleyball, Den Den always pick me as a partner... yon na kasi ata ang nakasanayan niya, actually, namin. And kahit sina coach or kahit na sino man jan, talagang kami ang pinagsasama, maganda daw kasi ang chemistry namin, kasi raw parang kilalang kilala na raw namin ang isa't isa, yon bang isang tingin lang sa isa't isa parang alam na raw namin kung ano ang nasa isip namin, dahil dun. lagi naming natatapos ng maayos ang mga activities na binibigay samin, and lagi naming natatalo ang ipapalaban samin.

Love and LiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora