CHAPTER THREE

10.2K 172 16
                                    

KIM'S POV

Sunday ngayon kaya naman gusto 'kong pag laanan ng oras ko ang anak ko. Syempre importante din ang quality time.

"halika nga baby Andrey ko"

binuhat ko si Baby Andrey na nasa kuna. Ang bilis nyang lumaki tapos ang taba taba nya na.

"Kung nandito lang ang Daddy mo siguradong matutuwa yun"

"Hay naku ang aga aga nag dadrama ka dyan"

nagulat ako dahil may biglang nag salita. Dumating pala si Jansen tapop may dala syang mga prutas.

"Hello baby Andrey!"

"Ano ba yang mga dala mo, parang sa ospital ka dadalaw. Sana man lang pizza yung dinala mo!"

tumawa naman ng mahina si Jansen tapos ay pumunta sa dining area at doon nya nilagay yung mga prutas.

"Choosy ka pa ako na nga nag dala ng prutas dito. Grabe ka talaga"

sigaw ni Jansen mula sa dining area. Pag katapos nyang ayusin yung prutas ay agad ulit syang lumapit sa akin.

"Nga pala Kim. Mag grocery naman tayo.. Walang laman yung Ref mo eh."

"Ganun ba? o sige mag bibihis lang ako hintayin mo ako. Kargahin mo muna 'to si Andrey"

Umakyat na ako sa kwarto ko para mag bihis. Habang nag hahanap ako ng damit ko ay napatingin ako sa table ko at nakita ko ang wedding picture namin ni Andrew. Kinuha ko ito at umupo muna ako saglit sa kama.

"Nasan ka na ba Andrew? Buhay ka pa ba? kung buhay ka pa bakit hindi ka pa bumabalik? Kainis ka talaga. Matapos mo akong pakiligin iiwanan mo lang pala ako"

"Haay Kim bakit ba ang t-"

Biglang pumasok si Jansen sa kwarto ko. Mabilis naman akong tumayo para maibalik sa table yung picture namin ni Andrew.

"Ayan ka nanaman.. dapat talaga itampok ang buhay mo sa MMK eh."

umupo si Jansen sa kama ko. Nakatingin lang sya sa akin.

"Sira ulo! ikaw nga wag kang basta basta na pumapasok sa kwarto ko.Paano na lang kung nag bibihis ako?!"

"Kaya nga ako pumasok eh kasi alam ko na hindi ka nag bibihis. Hindi kaya naka lock yung pinto mo"

Nag palusot pa 'to. Ang sabihin nya minamatyagan nya lang ang mga kilos ko. Siguro may pag nanasa nanaman sakin 'to si Jansen.

"Sige hintayin na lang kita sa living room. Si Andrey pala Kinuha na ni Manang Rosie."

Bumaba na si Jansen. Ako naman ay nag simula na ulit na mag hanap ng damit.

After 10 mins. ay bumaba na ulit ako. Naabutan ko naman si Jansen na nanonood ng cartoons sa tv habang nakapatong ang paa sa mesa.

"Wow Jansen! at home na at home ka ah."

sabi ko tapos ay pinalo ko yung paa nya na nakapatong sa mesa. Like a boss lang peg nitong si Jansen. Ang mahal mahal kaya ng table na yan tapos papatungan nya lang ng paa nya.

"Aray naman Kim! napaka sugapa mo. Para mesa na lang di mo pa magawang ipahiram sakin."

tumayo na si Jansen at inayos na ang polo shirt na suot nya na medyo nalukot na kasi masyado syang magaslaw kung kumilos.

"Ang mahal mahal kasi ng table ko no! tara na nga!! para kang bata dyan."

bago kami umalis ay humalik muna ako kay baby Andrey. Si manang Rosie muna ang bahala sa kanya.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon