EPILOGUE

12.1K 234 33
                                    

BARREDO FAMILY->>>>> Naka mobile lang ako palagi. Kapag walang lumabas na picture. Aayusin ko na lang, hehe.. Hindi ko kasi nakikita. Kung may picture na lumalabas.. Sana meron.

KIM'S POV

*Tok tok*

Pumasok Yung assistant ko, Busy kasi ako sa pag aayos ng records ng mga pasyente ko. Tapos kailangan ko pang mag dali na kasi nakapangako ako sa asawa't mga anak ko na mamamasyal kami ngayon.

"Doktora, nasa Waiting Area po yung asawa't mga anak nyo po."

"Ah ganun ba? Sige pakisabi lang na susunod ako."

Lumabas na yung assistant ko. Tumingin naman ako sa wrist watch ko, at masyado pang maaga para mag out ako dito sa Dental Clinic ko. Ano naman kayang pumasok sa utak nun ni Andrew at dinala pa rito ang mga bata? Ang usapan namin ay mamayang hapon pa eh.

Lumabas ako ng office ko at naabutan ko sa Waiting area ang Pamilya ko. Hindi muna ako lumapit sa kanila kasi Naaaliw pa akong tingnan sila.

"Daddy! Si Kuya Andrey oh. Inaasar nanaman po ako, sabi nya ampon lang daw ako."

"Ampon ka lang naman talaga eh. Napulot ka lang kaya ni mommy si palengke"

"Andrey tama na yan.. Wala ka nanamang magawa kaya pinapaiyak mo si Andrea. Pang-asar ka din eh"

"Manang lang naman po ako sa inyo daddy"

Lumapit na ako sa kanila. Si Andrew ay humalik sa akin tapos yung mga anak ko naman ay yumakap sa akin. Nawawala talaga ang pagod ko kapap nakikita ko ang mga anak ko. Kahit na makukulit sila ay mahal na mahal ko naman.

"Hubby, ang aga nyo naman yata? diba dapat hapon pa tayo magkikita?"

"Ang kukulit kasi ng mga batang yan. Kinukunsumi ako sa bahay, pinipilit nila na puntahan ka na daw namin."

Napangiti lang ako sa sinabi ni Andrew. Malapit talaga sa akin yung mga anak ko lalo na yung bunso ko na si Andrea. Si Andrey kasi ay mas malapit sa daddy nya.. pati sa kalokohan ay magkasangga ang dalawang yan. Si Andrea naman ang taga sumbong sa akin kapag gumagawa ng kalokohan ang kuya nya.

"Mommy alis na po tayo.. Please Po?"

Sabi ni Andrey na binuhos na yata ang best nya para makapag pacute.

"Oo nga po mommy. Please mommy? Please,Please,Please"

Sabi naman ni Andrea na habang lumalaki ay nagiging kamukha ng daddy nya. Tumingin naman ako kay Andrew. Lumapit sya sa akin tapos umakbay.

"Ano na Honey my love so sweet? tatanggihan mo ba yung mga makukulit na yan?"

"Makakatanggi ba ako? eh pinagtulungan nyo na ako. Hintayin nyo lang ako tapos aalis na tayo okay ba yun?"

"Okay po!"

Sabay na sabi ng mga anak ko. Bumalik ako sa office ko para ayusin at itabi yung mga records ng pasyente ko. Napadaan naman ako sa Mahabang table ko..doon nakalagay yung mga awards na natanggap ko at tsaka yung mga picture naming pamilya. Kinuha ko yung picture naming apat.

"Ang bilis ng panahon..dati Nagkakagulo pa kami ni Andrew. Ang dami naming pinagdaanan. Pero ngayon eto na..dalawa na yung anak namin."

"At madadagdagan pa yan"

Mula sa likod ko ay niyakap ako ni Andrew sabay halik sa pisngi ko. Hindi pa rin nag babago si Andrew sa akin ganun pa rin sya..mahilig mang-asar pero sweet pa rin naman.

"Tama ng drama misis 'kong maganda. Naghihintay satin yung mga bata. Sige ka kapag nainip yung mga yun magwawala yun dito"

Yan ang di pwedeng mangyari! baka masira ang kabuhayan namin. Hinila ko na agad si Andrew palabas ng Office para puntahan sa waiting area ang mga bata, tapos nun ay agad na kaming umalis sa Clinic.

My Husband Lost His MemoryWhere stories live. Discover now