CHAPTER FIFTEEN

8.1K 125 11
                                    

ANDREW'S POV

Bumangon ako sa sofa at Pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Tumingin ako sa wallclock at nakita ko na 6 am pa lang. Hindi nga ako nakatulog dahil may gumugulo talaga sa isip ko. At ngayon,mukhang alam ko na ang sagot.

"Andrew,anak.. sana naman mag kaayos na kayo ni Kim..para kay Andrey."

Sabi ni Manang Rosie. Nasa likod ko na pala sya, parang ninja 'to si manang bigla bigla na lang sumusulpot eh. Hindi ko narinig na palapit pala sya sa akin. O sadyang malalim lang yung iniisip ko?

Inubos ko yung tubig na nasa mug ko tapos ay tinapik ko si manang sa balikat at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Mukhang wala na po kaming pag-asa ni Kim"

Umakyat ako sa kwarto namin ni Kim..hindi nya naramdaman na nasa likod na nya ako. Nakatalikod kasi sya sa akin. Mukhang pinapalitan nya ng diaper si Andrey.Sinarado ko ulit yung pinto at sumandal sa pader.

"Tama nga kaya ang gagawin ko?"

Huminga ako ng malalim at pumasok ako ng nakasimangot sa kwarto. Dahil sa maingay yung pag pasok ko ay napalingon sa akin si Kim. And she gave me a weak smile..

Argh!!! Kainis ayoko ng ginaganyan nya ako pakiramdam ko bumibigay na ulit ako sa kanya. Pero hindi pwede! Kim should learn her lessons..

"Andrew?! Saan ka pupunta?!"

Nag uumpisa na kasi akong mag empake. Nilalagay ko sa maleta yung mga gamit ko pero si Kim naman ay panay balik sa cabinet ng mga gamit ko. Malamang na matapos ako nito T_T

"Ano ba Kim?! Stop it! Just leave me alone okay?!"

"No! Andrew please.. don't leave me. I'm begging you."

Ang aga aga umiiyak nanaman sya. Nakakapit sya sa braso ko habang iyak sya ng iyak. Ayokong gawin 'to pero kailangan eh. Para na rin makapag isip-isip kami.

"Kim.. I'm sorry. Pakawalan mo na ako. Mag kanya kanya na tayo."

Napabitaw sa akin si Kim.. Sobrang naaawa na ako sa kanya pero ito ang dapat kong gawin. Hinatak ko yung maleta ko. Palabas na sana ako ng humarang si Kim sa pintuan.

"Hindi! hindi ako papayag! Dito ka lang sa bahay. Di mo kami pwedeng iwan ni Andrey.. Please naman. Don't leave us"

Dahan dahan akong lumapit kay Kim at pinilit ko syang umalis sa pintuan. Dahil sa lalake ako ay mas malakas ako sa kanya kaya nagawa ko syang itaboy. Pero siniguro ko naman na hindi ko sya nasaktan physically.

"Sorry.. but I think this is the end of our relationship. Don't worry Dadalawin ko pa naman si Andrey. At gagawin ko pa yung obligation ko para sa anak natin."

Hindi na ako napigilan ni Kim. Bumaba na ako sa living room at doon ko nakasalubng si Sophia na palakad lakad. Ano naman kayang problema nito?

"Andrew?! san ka pupunta?!" Tanong sa akin ni Sophia.

"I'm leaving.. alam mo naman kung saan ako pupuntahan diba? Basta kung gusto mong sumunod open ang bahay ko sayo."

Tumingin muna ako sa Buong bahay bago ako umalis. Si Kim naman ay nasa hagdanan lang at nakayukong umiiyak. Mukhang hindi ko na kasi kakayanin pa ang tumira sa bahay na 'to. Nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita ko si Kim.

Umuwi na lang muna ako sa bahay ng parents ko.. Nagulat pa nga sila dahil dala ko ang mga gamit ko. Ipinaliwanag ko na lang sa kanila ang lahat kung bakit ako umalis ng bahay namin.

"Anak, ano ka ba naman? paano na lang yung anak nyo? Bumalik ka na sa bahay nyo."

Sabi ni daddy. Akala ko pa naman ako ang kakampihan yun pala hindi naman! Eto nga oh. Pinagtatabuyan pa ako. Hindi ba nila ako namimiss?

"Dad, dadalawin ko naman si Andrey. Alam ko kasi na hindi papayag si Kim na kunin ko ang bata."

"ewan ko sa inyo! imbis na mag hiwalay kayo ay ayusin nyo na lang yung relasyon nyo. Para naman sa apo ko!"

Ayan nanaman si Daddy.. Pero kahit na ano pa ang sabihin nya ay hindi ako magpapa apekto! I'm old enough para gumawa ng desisyon and I know this is the right thing to do.

KIM'S POV

Lumapit ako kay Sophia na bahagyang nakangiti! kitams?! mukhang tuwang tuwa pa sya sa nangyari. Halatang halata naman na sya talaga ang may pakana ng lahat.

"Sophia, wala ka na ba talagang kasing sama ha? Nawala nga si Barbi sa buhay namin pero ikaw naman ang pumalit! Lumayas ka na kaya ngayon dito sa bahay ko?!!"

Tinaasan naman ako ng kilay ni Sophia at Ngumiti nanaman ng nakakaloko. WAAAH! Kainis! parang hindi man lang sya naalarma ng marinig nya na pinapalayas ko na sya.

"Kasalanan ko ba kung tatanga tanga ka?! At Hindi mo na ako kailangan pang paalisin Kim.. dahil ako ang kusang aalis! At alam mo kung kanino ako pupunta?! syempre sa asawa mo! Mahal ko ang asawa mo Kim! Ako ang nag alaga sa kanya nung mga panahong walang wala syang mapuntahan."

Umurong ang dila ko sa narinig ko. Ano daw?! mahal nya ang asawa ko? at teka, Utang na loob ko pa ba sa kanya na minahal nya ang asawa ko?! grabe ibang klase din ang babaeng 'to!! Wala na akong pakielam sa kanya. Basta umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pag akyat ko naman doon, ay humiga na lang ako sa kama at umiyak ng umiyak.

"Si Sophia pa ang pinili nya.. Bakit ba kasi nawala pa yung bwisit nyang memorya?! Ang saya saya na namin eh.. Tapos eto pa ang mangyayari. Kung pwede ko lang hagilapin yung memorya nya ginawa ko na eh."

Pumunta ako sa maliit na cabinet namin, kinuha ko doon yung photo album na may Heart shape.. Ang engot ko rin eh bakit ba sa dinami-rami ng photo album na nasa cabinet ay ito pa ang napili ko? Masokista talaga ako eh, nasa photo album kasi na yun ang picures namin ni Andrew, yung mga panahong okay pa ang lahat.. Nung wala pa si Sophia sa buhay namin.

*Tok tok*

Bumukas ang pintuan at Pumasok doon si Manag Rosie. Lumapit sa akin si Manang at niyakap nya ako, mukhang sya na lanh ang natitira kong kakampi dito sa bahay. Si Andrew umalis na.. Mukhang wala na talaga syang pakielam sa akin. Ang hirap talaga kapag kalaban mo yung ala-ala ng isang tao. Kahit na anong pilit mo na alalahanin ka nya, sa bandang huli ay hindi pa rin yun mangyayari.

"Anak, umalis na si Sophia at ang anak nya.. Ano bang balak mong gawin ngayon? Si Andrew.. Lokong bata yun.. Pag balik nya talaga pipingutin ko yung batang yun."

Tumayo ako at ibinalik ko yung photo album na hawak ko, alam ko naman na pinagagaan lang ni Manang Rosie yung loob ko, dahil nga sa iniwan lang ako ni Andrew. Wala, eh ito ang kapalaran ko.. Ang mag pakasal sa murang edad at iwanan ng asawa. Ang saya diba?

"Mukhang hindi na po babalik si Andrew, sobra ang galit nya sa akin eh."

"Anak naman... Wag kang mawalan ng pag-asa, babalik din sya.. Konting ligaw lang dyan kay Andrew at bibigay din ang batang iyon."

"Manang Rosie... Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko.."

Napayakap na ako kay Manang Rosie, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga panahong 'to.Yung taong inaasahan ko na na lagi lang na nasa tabi ko, ay umalis na.. Iniwan nya ako, para kanino? Para siguro kay Sophia.. Dahilan na lang nya siguro yung nangyaring kasinungalingan sa pagitan namin ni Jansen kagabi para malaya na silang makapag sama ni Sophia, nakakainis sya! Ni Hindi nya man lang ako hinayaang mag paliwanag.

Sana talaga.. Dumating pa yung araw na magising ako na nasa tabi ko na si Andrew, sana dumating pa yung araw na katulad ng dati.. Yung mga panahon na ipaghahanda ako ni Andrew ng Breakfast tapos sabay kaming kakain. Sana maulit pa yung mga panahong nag kukulitan kami at nag-aasaran. Kahit ganito yung sitwasyon naming dalawa ay hindi ako titigil. Kahit na unti unti na akong nawawalan ng pag-asa ay ipaglalaban ko pa rin si Andrew.

My Husband Lost His MemoryWhere stories live. Discover now