Lumutang, Lumangoy

144 6 5
                                    

Saranggola Blog Awards Winner
Pangalawang Karangalan, Maikilng Kwento

Kung bakit ako huminto sa pag-aaral pagkatapos ng hayskul ay hindi naiintindihan ni Kuya. Sabi ko kahit ako naman din hindi lubusang maunawaan ang napagpasiyahan ko. Ba't ba 'ko tumigil samantalang honor student naman ako? pagtataka ni Kuya. Pwede pa nga raw akong maging iskolar.

Marami akong naging dahilan kung bakit hindi ako nagsikap makapasok ng kolehiyo; sa haba ng listahan, 'di ko na maalala ang mga 'to.

'Kailangang mag-aral ni Kendra!' sigaw ni Kuya. Nakatindig siya sa may lamesa, mga mata'y nakatutok sa tatay naming nakaupo sa kabisera at tahimik na nagbabasa ng diyaryo. Kagigising ko lang at kabababa ng kwarto, alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila. 'Sayang kung hanggang panay ghost writer na lang siya!'

Hindi nag-angat ng tingin si Itay. Inabot niya lang ang tasa na nasa lamesa at humigop ng kung ano man ang inumin niya sa mga panahong 'yon, at sinabing: 'Kung 'di siya kumikilos para makapag-aral uli, siya'ng bahala. Buhay niya 'yan.'

'Sabihan niyo ho kasi.'

'Bente-uno na 'yang kapatid mo: pinagsasabihan pa ba 'yan?'

Magigi akong kumuha ng platito sa kusina at umupo malapit kay Kuya.

'Kuya,' singit ko habang inaabot ang supot ng pandesal, 'masiyado na rin akong matanda.' Ilang buwan na niya 'kong hinihimok na mag-review para raw makapag-apply sa kolehiyo at makahabol sa susunod na pasukan, pero wala pa rin akong ginagawa.

'What?' Naging mahinahon ang pagsasalita ni Kuya; tingin niya pa rin sa 'kin ay 'yong batang hindi maabot ang garapon ng asukal sa mataas na istante. 'How can you say that? For sure, marami pa ring tulad mong matagal bago nakapagpatuloy.'

'Pagtatawanan ako,' ani ko.

''Di ka pagtatawanan,' sagot ni Kuya.

'Pa'no mo nasabi?'

''Yong lola ngang kaka-graduate lang naging inspirasyon pa ng marami.'

''Di mag-aaral ako pag lola na 'ko,' biro ko.

Napasinghap si Kuya at umupo sa tabi ko. 'Kendra, masinsinang usapan: ano ba'ng gusto mong mangyari sa buhay mo?'

''Di ko 'lam.' Dumukot ako ng pandesal.

'Which course do you think suits you the most?'

''Di ko rin alam.'

'What if magkapamilya na 'ko; or pag wala na si Dad? Don't you have a vision for yourself? Pa'no ka magkakatrabaho para suportahan sarili mo?'

'Wala,' sagot ko, kahit mayroon naman. Nakikita ko na'ng sarili kong naninirahan dito sa bahay na minana ni Itay kay Lola, kasama ko'y mga babaeng boarder na may mga kani-kaniyang inaasam sa buhay; 'di tulad ko.

'Wala ka bang pangarap?'

'Ewan.'

'Sigurado ka?'

Nagkibit-balikat ako. Tinitigan ang hawak na tinapay na kinagatan ko. 'Tamis ng timpla nila ngayon...'

'Gan'to: sa tingin mo, sa'n ka magaling?'

Napaisip ako. Naalala ko no'ng bata ako, marami sa mga kamag-anak namin at mga kaibigan ni Itay na tuwang-tuwa sa 'kin, binansagan akong 'Jill of All Trades.' Pero hindi ko alam kung anong katuwa-tuwa ro'n samanatalang ang ibigsabihin no'n ay marunong ako sa maraming bagay subalit hindi ako natatangi ni isa sa mga ito. Oo: marunong ako maggitara, pero hanggang chords lang; marunong akong magluto, basta may sinusundang recipe; marunong akong magtahi, pero pag-repair lang; marunong akong mag-memorize ng mga bagay na may pakinabang sa pag-aaral (tulad ng talasalitaan), pero kaunting panahon lang ang lumipas ay nakakalimutan ko rin agad. Marami pa 'kong ibang kayang gawin pero laging marunong lang. Hindi ko taglay ang talento; at sa palagay ko, habang-buhay na 'kong nakatungtong sa pedestal ng kapangkaraniwanan. Ngayon wala na silang maipagmamalaki sa 'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strongwill ShortiesWhere stories live. Discover now