Overmorrow (iii)

61 3 0
                                    

The sun shone, having no alternative, on the nothing new- 'yon ang beginning line ng nobela ni Samuel Beckett na Murphy. Kung sa'n tungkol ang storya hindi ko alam at kasuklam-suklam man pero wala akong pakialam. Wala akong pake sa fiction e. Ang gusto ko realidad. (Kaya nga siguro nag-Marketing na lang ako.) I just have this thing for memorizing the beginning lines of novels. ("Pseudo-counterpart ni Miles Halter lang ang peg," sabi ng kapatid kong mahilig sa nobela.) Basta. Natutuwa ako pag may nababanggit akong partikyular na litanya sa sarili na may kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan ko.

Tulad ngayon. Umiinom lang ako ng kapeng barakong lasang décaf sa two-seater table sa isang sulok ng paborito kong café (and by favorite I mean kung anong malapit at cheap), hinihintay mag-load ang Twitter page ng Daily Marketing Problems dahil napakabagal ng wi-fi connection, pilit na dinededma ang ingay ng mga bunganga ng mga ibang customer, tinitiis ang init na pinoproduce ng dami ng taong nagsisiksikan sa maliit at kulob na lugar ('yong aircon nasa-fan lang ata or simply nonexistent). Maya-maya didiretso akong school para makinig sa boring lecture ng lit prof ko na napakabait at binigyan pa kami ng one-hour Saturday afternoon class. Masikat ang araw sa café, ang mga sinag lumalagos sa glass windows- sa walang bago

'Yon ang kala ko. But without any warning umentra siya sa peripheral vision ko, Oo, siya: Isang lalaking walang makitang free seat kaya pagkatapos akong ngitian ay umupo ng walang paalam sa harapan ko, madaling pinatong ang lapatop sa maliit na mesa at pinagkasya kahit bumubunggo na 'to sa kape ko. Binuksan niya ang laptop at mabilis siyang na-engross; kapansin-pansin ang paglaho ng kamalayan niya sa paligid niya, ang pagtutok niya sa kung ano mang ginagawa niya. Baka nag-lo-LOL lang naman siguro siya.

"The colonel pushed the nuzzle of the gun harder on the side of the doctor's head and whispered, 'She's mine'..." narinig kong bulong niya, sabay iling.

"Uy..." sambit ko nang marinig ang narration. Hindi ko alam kung ba't ko siya tinatawag; pwede naman akong umalis na lang. Siguro unconsciously nagbabakasakali akong nobela ang sinusulat niya. At siyempre: kailangan kong malaman ang first line nito.

Hindi niya ako narinig kaya inulit ko, "Uy!"

Sa wakas bumaling siya sa'kin. Kala ko sasalubong ang mga kilay niya ngunit nanatiling gulat ang expression ng mukha niya- eyes wide open, brows arched as rainbows.

"Anong sinusulat mo? Nobela ba 'yan?" Tinry kong magsalita ng mataray para hindi niya isiping nakikipaglandian ako.

Ngumiti siya ng inosente. Malambot. If that makes sense. "Yep. I'm writing a novel." 'Yong accent niya parang kay Ryan Seacrest. Sa States kaya siya lumaki?

"Anong first line?"

"Currently?"

"Ha?"

"I'm revising for the first time. So it's pretty much apt to change." Pranka ang sinabi niya, pero ang amo ng pag-deliver niya nito. Tila hindi siya naaasar na may nang-iistorbo sa kaniya.

"Ah..." Tumayo na ako. "Sige. See you around."

"You're not gonna ask what it's about?"

"Nah." Nilagok ko ang natitirang kape sa cup at sinuot ang bag.

"It's romance."

"I don't care."

"Forbidden romance. Girls like that, right?"

"Hindi na 'ko 'girl.' And really, all I care for is the first line. O kaya how it starts."

"Why do you care so much for its first line?"

"Kasi sabi nila ang beginning line ay crucial para sa isang novel. Importanteng maganda 'to, para makahatak ng readers."

"So you like to read novels?"

"Nope. I just want to know the first lines."

"You're weird..." Pinanuod ko ang pagkinang ng kaniyang mga mata, ang ngiti na pinapait ng pagkaaliw sa kaniyang mga labi. Kung itsura ang pagbabasihan, tantsa ko mga bente-sais anyos na siya; pero parang pinababata lang siya ng mga facial expressions niya e.

"Okay, then: I'll tell you how it starts." Bumaling siya sa laptop. "It starts with a letter," patuloy niya, "a young army doctor's last letter to his lover, before she learned that he survived the war only to be murdered by a higher rank officer who was also in love with his girl. It's a swift letter. The guy didn't even get to sign it-"

"Hell, dude. Babasahin mo ba o hindi?"

"I'm going to read it?" Nagtaas siya ng tingin sa akin and once again sported a look na parang gulat na gulat.

"Sabi mo e." Nakakabanas ang mga gan'tong klaseng lalaki. Hindi masiyadong nagpe-pay attention sa mga nababanggit niya.

"Okay, I'll read it to you. But take a seat again first please?"

Bumuntong-hininga ako at pinungay ang mga mata. "Fine." Umupo ako at kinandong ang bag ko.

"My beloved Blanche," pagsimula niya.

To be honest: pag-upo ko bigla akong na-attract sa lalaking 'tong ni hindi ko pa nga alam ang pangalan. Hindi siya gwapong-gwapo; pero hindi rin siya pangit. Ang kutis niya pinoy. Kahit yaong mismong features ng mukha niya: katamtamang tangos ng ilong (halos lahat naman ata tayo may halong puti na), black round eyes, roundish face, maninipis na labi. Yaong simpleng pananamit niya pero lahat ng gamit may tatak (Nike bag, Dell laptop, Armani spectacles)- hindi ko alam pero parang nakita ko na siya rati. Sa MRT ba papuntang Cubao? Sa MOA umiinom ng Gong-Cha? Sa isang iskinita sa Sta. Ana naglalakad na may earphones nakapasak sa mga tainga at sa sobrang lakas ng tugtog once you passed each other by maririnig mong nakikinig siya kay Zedd? Sa'n ba? Sobrang tipikal nga lang ba talaga niya?

Pinikit ko ang aking mga mata. Kahit ang boses niya pamilyar. Paos na matipuno.

Tama. Nakita at narinig ko na siya.

Sa aking mga panaginip...

Strongwill ShortiesWhere stories live. Discover now