Chapter 36: Pagkakilanlan sa Ama

8.8K 184 13
                                    

"Leonora? Ikaw ba 'yan", tanong ng lalaki.

"Alexis"?

"Oo, Leonora. Ako 'to si Alexis", sabi ng lalaki na kumatok sa pintuan.

"Alexis", at niyakap ito ni Leonora.

"Leonora", at napayakap din si Alexis sa naiwan niya'ng minamahal.

Si Alexis ang ama ni Kari. Umalis ito ng bansa dahil inilayo ng lolo ni Kari ang ama niya sa pagkakataong pwede'ng magsama sila ni Leonora nung mga panahon nila. At dahil dalawa na rin ang anak nila ni Leonora at natatakot ang lolo ni Kari na baka madagdagan pa 'to. Noon, ay di boto ang lolo ni Kari sa mama niya kaya pilit niya itong ipinaglalayo.

"Alexis? Leonora? Magka-anu-ano ba kayo", tanong naman ni Coritha.

Napatigil si Leonora sa pagkayakap kay Alexis at hinarap si Coritha. "Mare, si Alexis, papa ni Kari".

"Uy! Ikinagagalak kitang makilala", sabi ni Coritha sabay shakehands kay Alexis.

"Alexis, si Coritha, kumare ko".

"Ikinagagalak rin kitang makilala".

"Pumasok na muna kayo. Maghahanda lang ako ng makakain", sabi ni Coritha sabay punta sa kusina.

"Pasok ka, Alexis", anyaya ni Leonora. "Akala ko di na kita makikita", dagdag pa nito.

"Ako rin, Leonora".

"Umupo ka", anyaya ni Leonora sa bisita sa may sala.

"Sige", at nagsi-upo na sila.

"Kamusta ka", tanong ni Leonora.

"May pamilya na'ko, na sa Amerika sila", sagot ni Alexis sa mahinang boses.

Dumilim ang paligid ni Leonora na tila nawalan ng pag-asa'ng makumpleto ang pamilya'ng inaasam niya.

"Kailan pa? Haha! Pakilala mo naman ako", sabi ni Leonora na pinapakitang okay lang siya pero naiiyak na.

"Ahm... Ayos naman sila, Leonora. Sige ba, sa susunod na byahe ko rito isasama ko sila", sagot ni Alexis.

"Ano'ng sadya mo rito", tanong ni Leonora.

Inilalagay naman ni Coritha ang mga juice at kakanin sa mesa sa may sala kung saan nag-uusap sina Alexis at Leonora.

"Kung papayag ka, nais ko sana'ng makita si Kari. Matagal-tagal na rin kasi'ng hindi ko nakita ang anak ko'ng yun", sagot naman ni Alexis.

"Para sa'n pa", tanong naman ni Leonora.

"Leonora, ama ako ni Kari. Oo, hindi ko nagampanan ang pagiging ama sa kanya pero gusto ko rin naman siyang mayakap, makilala", sagot ni Alexis.

"Alexis, maawa ka sa anak mo. Wag mo na siyang paasahin", sabi ni Leonora.

"Hindi ko naman siya paaasahin e".

"Magpapakilala kang ama niya? Tapos iiwanan mo siya dahil may pamilya ka sa ibang bansa? Wag na Alexis, maawa ka sa bata. Maawa ka sa anak mo", sabi naman ni Leonora.

"Ma, andito na kami", sabi ni Kari at pumasok na ng bahay na kasama si Asra at ang alagang aso. Agad na sinalubong nila Leonora at Coritha ang mga anak nila at alaga nito sabay yakap, "salamat sa Diyos at okay kayo", sabi pa ni Leonora.

Si Alexis naman ay nakatingin lang kay Kari.

"Ma? Sino po siya", tanong ni Kari sa lalaking naka-upo sa may sala.

Hindi umimik si Leonora.

"Ahm... Ako yung investor ng negosyo mo. Si Silexa", pakilala ni Alexis sa anak.

A House With A Brown Tape (RomCom)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu