The Jerk's Wife: 17

126K 2.7K 57
                                    


"I think it's important to get your surroundings as well as yourself into a positive state - meaning surround yourself with positive people, not the kind who are negative and jealous of everything you do."

------Heidi Klum

*******************************

CHAPTER 17: INTENSE DINNER


Pagkatapos ng mahabang meeting at kung anu-ano pang mga diskusyon right after, nagyaya si Geus ng early dinner sa buong marketing team. Then, of course she was there bored and irritated for the whole time. Panay kasi ang pasimpleng 'touchy' ni Rolen sa kanyang asawa kaya naiinis siya. Kumukulo talaga ang dugo niya kanina pa. Ni hindi nga niya alam kung paano niya natitiis ang lahat ng ito. At ang pisteng Rolen naman halatang nanunudyo, pinapaselos talaga siya. And everyone was observing the three of them. Sabi nga ni Dorites, usap-usapan na ang status ni Geus sa buong department. Siguro nga minamasdan nila ang reaksyon niya sa tuwing sinasadyang hawakan ni Rolen ang kamay, balikat at mukha ng asawa. Geus seems being professional. Pero ramdam naman niyang nagpipigil lang ito at naiirita sa pinapakita ng babaeng higad ika nga.

"Geus, you know what magaling ako magluto nitong cheese flavored pizza. Try this." Rolen said sabay lagay ng isang slice ng pizza sa pinggan ni Geus.

She suddenly took the pizza away. Napakunot noo naman agad ito.

"Geus is allergy with cheese. Kaya ikaw na lang kumain niyan." She said smiling at her. Plastik ang pagkakangiti niya at alam niyang ramdam ni Rolen 'yon. Umismid ito at palihim siyang inirapan.

Napapantastikuhan lamang si Geus na tiningnan siya pero naiinis niyang nginitian ito. Sumilay ang kakaibang kisalp sa mga mata nito.

"Here's orange juice. You have to be healthy, bawal ang soft drinks." She added at inilayo ang can softdrink na pinabili pa nito sa isa niyang staff dahil alam naman niyang mahilig sa soda at softdrinks ang asawa.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Geus sa kanya. Natigilan naman siya dahil sa gwapo at totoong ngiti nito. Kilig to the bones! At natutuwa siya nang hindi ito nagpilit, hindi pinairal ang katigasan ng ulo.

Rolen sighed disgustedly. Matamis niyang nginitian ito bilang ganti. Mas lalo lamang itong nainis sa inaasal niya. So what? Mainis ka dyan, ako lang ang may karapatang alagaan at pagsilbihan ang asawa ko maliban sa mga magulang niya. Duh!

"Geus tikman mo 'to. It's my favorite dessert, fresh Berry with yogurt and chocolate." Anito at kumuha ng kutsara para subuan si Geus. Pero mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para huwag ituloy ang pagsubo nito. Epal talaga!

"Oh sorry. But I have to tell you that, my husband does not eat chocolates. Kumakati ang lalamunan niya." Agad niyang binara ito.

"Saka nasusuka siya sa yogurt." She added smiling sweetly to her. Naiirita na talaga siya sa kaepalan nito.

Wala na siyang pakialam kung nagmistulang nakukumpetinsiya na silang dalawa sa asawa niya. It doesn't change the fact na kahit anong gawing effort pa nito, mag-asawa parin sila. Sa kanya parin ang korona, titulo at trophy. Kaya kahit umiyak ito s ainis, siya parin ang asawa, at may Karapatan kay Geus!

Geus was frowning. Hindi nito inaasahang alam na alam niya ang mga bagay na kinakain niya. Of course, she researched all of that. Stalker kaya siya dati ng asawa. Napuno pa ng album at posters ang kwarto niya noon. Kaya kahit nunal nito sa private part alam niya. She had a source before. Matamis na ngiti lamang ang tinugon niya kay Geus. Rolen was so irritated. Namumula ang mukha nito s ainis at pagkapahiya.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon