The Jerk's Wife: 18

123K 2.7K 54
                                    


"A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person."

---Mignon McLaughlin

*****************************************

CHAPTER 18: FAMILY DINNER


Huminga siya ulit ng malalim bago humakbang patungo sa loob. Natatawa lamang si Geus sa pagiging kabahan niya. Ang kinatatakutan niya kasi ay baka mangusisa ng mangusisa ang mga magulang nito at wala pa naman siyang ideya kung anong pag-uugali meron ang mag-asawang Schwartz. Okay lang sana kung hindi maseselan ang mga magulang nito para sa anak nila. Saka sa sitwasyon niyang may nililihim ay hindi niya maiwasang maging kabahan. Hindi rin naman niya alam kung paano uumpisahang sabihin ang tungkol sa kanilang kambal. One thing she is nervous about is her secret. And she has to reveal it as soon as possible bago pa man maging kumplikado.

"Relax, you're nervous." Geus chuckled and squeezed her hand to assure her. Ngumiti lamang siya ng tipid at hindi na muling nagsalita.

Pagtapak pa lamang niya sa loob ng mansyon, umikot na ang buo niyang paningin sa malawak na espasyo at mamahaling disenyo nito. Napaawang ang bibig niya sa mga naglalakihang chandelier, historical paintings, shiny marbles, and expensive vases around the corner. Cozy appliances and furniture were very much arranged on its place. May nakita din siyang malaking larawan sa entrada. Nagmistulang isang royal blood ang larawan nito. The middle age woman held her face with elegance. Her aristocrat nose, deep set green eyes and red lips added, all of thoses features gives too much sophistication on her very elegant face and posture. May iilang features nito na hawig sa kanyang asawa. Hindi niya mapigilang mapahanga sa alindog nito kahit may kalumaan na ang larawan. Kaya naman nakatingala parin siya sa harapan nito. Hindi talaga maikakaila ang dugo nitong banyaga.

"If you want to ask, that's my grandma. She was thirty at that time." Nakangiting pakilala ni Geus sa kanya. She smiles to him. Hinila siya nito papunta sa malawak na guest area. Bago pa man sila makarating sa may sala agad na silang sinalubong ng mag-asawang Schwartz.

"Hijo! Yan na ba ang asawa mo? My God! She's so pretty." The late forties woman eyeing her merrily. Pero tantiya niya ay nasa fifties na ito, sadyang maganda at fresh lang talaga kaya mas bata tingnan.

Agad siyang hinawakan sa magkabilang kamay at nakipagbeso-beso sa kanya. Nabigla siya sa kasiglahang pinapakita nito kaya hindi niya maiwasang mapangiti.

"Magandang gabi po sa inyo." Magalang at nakangiti niyang bati sa mga ito. Nahihiya man ay nagawa pa niyang magmano sa mag-asawa.

"Oh, very courteous woman." Komento ng ina nito. Bigla siyang nakahinga ng maluwang dahil sa mainit na pagsalubong nito.

"Mom, Dad, she's Maria Claire. My wife." Pagpapakilala ni Geus na may halong pagmamalaki. Her heart was flattering inside. Nanatili siyang nakangiti.

"Oh son, hindi ko lubusang maisip na tinago mo sa amin ang asawa mo sa loob ng anim na taon. We deserved to know her. How could you do this to us?" May himig na pagtatampo ng kanyang ina.

Nasapo ni Geus ang noo ang tingnan niya ito. Napakagat-labi siya. She was astonished when she found out that his parents are so nice, treating her like they knew her already. Mas mainit pa ito tumanggap ng bisita kaysa sa mga magulang niya.

"Ma, please... enough for that, okay? She is here with me now." Natatawang sagot nito at lihim siyang kinilig sa pagpapakita ni Geus ng ganitong gestures.

"Finally, nakilala na namin si Maria Claire. I am your Daddy Bruce." Inilahad nito ang palad. At nakangiti niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"And I am your Mommy Bellona. Welcome to the family hija." Putol agad ng ina ni Geus. Nakangiti itong niyakap siya and she hugged her back kahit nahihiya.

The Jerk's WifeWhere stories live. Discover now