Chapter 2: Ma & Pa

3.1K 138 9
                                    

I was too happy to be mad at him, "ay, sorry naman..." Pag apologize ko sa kanya, dire-diretso siyang nag lakad papunta sa kwarto ni Lola Nidora, Kung mag a-apply rin siya, sorry siya ako na ang nakuha! Paglabas ko sa restaurant, naghihintay ang nanay at tatay ko sa akin, ang mukha nila nagaabang ng kasagutan kung ano ang nangyari. Naisip kong magkunwari ako na hindi ko nakuha yung trabaho, para lokohin lang sila ganun, "ma... pa..." pigil na pigil ako na hindi ngumiti.

"Okay lang Maine, marami pang job openings dyan..." niyakap ako ni mama.

Pumasok kaming tatlo sa taxi ni tatay, "Sus,hayaan mo sila kung ayaw nila sayo eh..."nag isip ng masasabi si pa na i-duduktong sa sasabihin, "eh, hindi na tayo bibili ng mga paninda nila."pinaandar nya ang makina ng kotse.

"Kaya, nga Maine ito tingnan mo," pinakita sa akin ni mama ang isang job opening, "secretary sa isang office, diba kaya mo naman yun?"

"Putcha, traffic nanaman," na ba-bad trip si papa, "kaya nga Maine itulog mo nalang yan, bukas na natin ituloy to." bumusina sya sa motorcycle na gumitgit sa harapan ng taxi.

Yumakap ako kay mama, para maitago ko ang ngiti ko sa mukha, super determinado silang dalawa na tulungan ako makahanap ng trabaho. "Kung gusto mo, manood tayo ng sine para gumaan-gaan ang pakiramdam mo,"

Nung narinig kong paggagastusan nila ang kalungkutan ko, siguro na push ko na too far, tinapos ko na ang pag-iinarte at sinabi ko na sa kanila, "ma, pa... hindi na kailangan kasi tinanggap nila ako!"

Tuwang-tuwa ang mga magulang ko, kala mo may fiesta sa loob ng sasakyan. "Ikaw talagang bata ka kung maka arte, feeling leading woman sa palabas," sabi ni mama sabay yakap sa akin.

"Best actress ang anak ko pwede mag artista," tinitingnan ako ni papa sa rearview mirror.

"Ah, siyempre naman pa, nagpra-practice yata ako," I jokingly said

Tumawa siya nang malakas, "at saan ka naman nag aaral para umarte?"

"Saan pa ba edi sa pag dudubsmash!" nilabas ko ang cellphone ko at inaya si mama sumama sa video, "ma ready ka na?" tinutok ko sa aming dalawa ang front camera ng cellphone ko.

Nilagay ni mama ang buhok nya sa likod ng kanyang tenga at pumikit-pikit para maayos ang kanyang face, "O sige ready na."

"Okay, 1.. 2.. 3.. ," sabay kaming nagsalita sa unang part, "Hay kami ang pabebe girls" tumigil sa pagdudubsmash si mama at ako lang ang naiwan sa part na ito, "at wala kayong pake kung pabebe kami sa mga video namin, at wala kayong karapatan dahil nanonood lang kayo" pagkatapos ko i-dub ang part ko, tinapos na ni mama ang the rest nang video, "tama kaya wag kayong magingialam dahil kahit sino man sainyo walang makakapigil sa amin." pinanood ko ang finished video na ginawa namin.Tawang-tawa ako sa dubsmash ni Mama dahil nagkamali at nahuhuli siya at nag mukha siyang bulol sa dulo ng video.

"Maine, patingin naman" pinanood ni mama ang video pero hindi siya kasing saya kong pinanood ang ginawa naming video. "Bakit ganun ang pangit?" comment nya sa video, "ulitin natin, practice lang natin yan."

"Maine!" tawag sa akin ni pa, habang naka hinto ang sasakyan sa stoplight, hiningi nya sa akin ang cellphone para makita rin nya ang video, "bakit anong problema dito, maganda naman ang kuha."

Lumapit kay pa si ma at tinuro sa kanya kung saan siya nagkamali, "ayan oh, hindi mo ba nakikita yan?"

Pa laughed, "anong problema dyan, palagi ka naman pabulol-bulol na ganyan," and he continued on laughing

Pagdating namin sa bahay, tinulungan ko si mama magluto ng hapunan, "Maine, ipasa mo nga yung toyo," binuksan ko ang cabinet para i-abot ko sa kanya ang toyo, biglang nakita ko na may mga baking tray at ingredients na naka display sa loob nito, tinignan ko si mama kung para saan ito. "Ang tagal mo nang hindi nag ba-bake," sabi nya sa akin, at may bumalik na masakit na kirot sa puso ko, "alam kong mahirap kalimutan pero hindi ito para maka aalala ka, practice ito para sa first day mo sa restaurant." Nilabas nya ang mga gamit sa lamesa, "atsaka, dapat mag celebrate tayo, and what does this celebration need?"

"A cake?" sabi ko sa kanya while staring at the baking ingredients on the table.

"Your exactly right," ma rubbed my back, "Maine, wag na sad be happy, may job ka na?" she was cheering me up in a way that made me less stressed, "makakatulong ka na sa amin, diba yun naman ang gusto mo?"

She was right, para ito sa ikabubuti ng family ko hindi dapat ako nagpapa-apekto sa nangyari dati. " Alam mo ma tama ka," sinimulan ko na ilagay ang flour sa mixing bowl, "para to sa career ko."

And she smiled when she saw me starting to put everything on the bowl, "ano kailangan mo ba ng tulong?"

"Hindi na kaya ko na to, no problem." bumalik sa pagluluto ng ulam si mama, at ako naman ay ginawa ang cake nya, matagal na rin akong hindi nakakapag bake, siguro tama si ma na pag practisan ko na ulit ito bago mag first day ako sa Monday.

Saktong ilalagay ko sa loob ng mini oven ang cake nung nung natapos si mama magluto, "Maine kain na," tawag sa akin ni pa para umupo na at kumain. Habang kumakain, narinig kong tumunog ang timer, kaya nilabas ko na ang cake sa oven, ang ganda ng pagkaluto nito, at langhap na langhap mo siya. "Ang bango nyan ah, pwede na bang kainin?" sabi ni papa.

"Hindi pa pwede," iniwan ko muna ito para mag cool off, "hindi pa siya na de-decorate," umupo ulit ako para kumain.

"Kwento mo nga saamin kung ano ano nangyari sa interview mo." sabi ni papa

"Ganito yun.." kinuwento ko sa kanila ang mga mga pangyayari kanina, si mama, gulat na gulat sa kwento ko, parang hindi siya makapaniwala na talagang nangyari yun, si papa naman tatawa, tapos susubo sa pagkain, tatawa, tapos susubo ulit. "Oo totoo nga, tapos dumating yung mga security guard may dalang basong tubig."

Nilunok ni papa ang nasa bunganga, tapos tumawa ng malakas, "bakit ba kasi tumawa yung matanda," tinanong sa akin ni ma, "patingin nga ng resume mo."

Kinuha ko ang isa pang copy ng resume ko sa bag at inabot kay ma, binasa nya ito at mamaya-maya na hanap rin nya kung ano ang tinawan ni Lola "kaya naman pala eh, pa tignan mo to."

Ipinasa nya ang papel kay papa, natawa rin siya kagaya ni Lola Nidora kaninang umaga, "bakit ba kasi ilalagay mo sa mga talents mo ang pag du-dubsmash."

"Diba parang acting na rin yun?" I told him as he sets aside the paper I gave them.

"Hahaha, kaya nga pareho lang yun pero, ang hinahanap nila ay mga magluluto ng tinapay hindi mga artista."

May tama sila, ba't ko nga ba nilagay yun sa resume ko kaya siguro walang tumatanggap sa iyo... "at least, na natanggap nila ako, at yun yung importante." sinabi ko sa kanila.

Pagkatapos namin kumain naghugas ng pinggan si mama habang tinulungan naman ako ni papa i-decorate ang cake sa lamesa. "Anak tama ba itong ginagawa ko?" pinakita nya sa akin ang ginagawa nyang pag cocover ng cake nang buttercream.

I gave him a nod and a smile, mamaya pagkatapos nya i-smooth out ang edges at ang top part ng cake ako naman ang nag handle sa cake, "pasa mo nga sa akin yung icing," may dinampot si pa sa kabilang counter pero ang ibinigay nya ay yung frosting, "hindi po yan yung isa."

We spent over two hours working on the cake, at nung natapos kami nawalan kaming kainin ito. "Ano na Maine?" pareho kaming na kuku-siyensya hiwain ang pinaghirapan namin pagandahin na cake.

Hinawakan ko ang kutsilyo, ready kong na hiwain, pero may naalala ako, "wait lang wait!" Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at kinuhaan ko ito ng picture. Pero kahit pagkatapos ko kunan ito ng litrato, hindi ko parin feel kainin ito, "pa, bukas nalang natin kainin, busog pa ako sa kinain natin kanina," dinahilan ko sa kanya.

At mas gumaan yata ang pakiramdam nya, "whew," huminga siya ng malalim, binuhat nya ang cake at pinasok ito sa refrigerator, and then we both agreed to let ma, take a slice at it first before trying it as well.

"Pa, talagang nanghihinayang akong kainin yung cake eh, antagal natin pinaghirapan," inamin ko rin sakanya ang totoong dahilan kung bakit ayaw ko itong kainin, and he told me that he feels the same exact way.

After me and my dad settled with not eating the cake, pumunta ako sa kwarto ko para makapag computer. I opened my facebook account to upload the picture of the cake and the video me and ma made. In-update ko na rin ang status ng account ko from being the co-owner of Sweet Delights to employee at Lola's Pandesalan.


Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon