Chapter 19: New Workers

1K 75 2
                                    


The next day nagkita-kita kami sa office ni Lola Nidora, si Rihanna dala-dala ang kanyang boyfriend. "Sino 'to?" Tinuro ni Lola gamit ang pamaypay nya si Harry.

"Si Harry po." I answered for them.

"Sorry, hindi kami naghahanap ng bagong empleyado ngayon." Lola rudely says, "Rogelio, Rogelio, Rogelio, i-escort palabas na ng office ko yang batang yan."

Yung mga Rogelio hinawakan ang mga braso ni Harry, "Rihanna what's going on?"

"Don't worry Harry you'll be fine, wait for me." sabi ni Rihanna sa kanyang boyfriend na unti-unting hinahatak palabas ng kwarto. Natakot siguro yun na sagutin si Lola...

Once, completely nakalabas na si Harry sa kwarto, we started business. "Alden ano ag gusto mo't busy ako, may meeting ako in 30 minutes."

"Lola meron po akong ideya," He cheerfully said. "Kasi po Lola nung araw magkasama kami ni Maine, nasa barbeque-han kaming dalawa. Mahabang storya." Alden looked so happy explaining everything, "tapos may batang biglang lumapit sa amin magdu-dubsmash daw kasama si Yaya Dub." Tinuro nya ako, hindi siguro aware si Lola sa ginawa ni Alden na gawin akong mascot.

"Nalilito at nahihilo na ako sa kwento mo, ano ang pupuntahan ng kwentong 'to." Naiinip na sabi ni Lola Nidora, parehong pareho kami ng gusto itanong ni Lola, ano naman ang bottomline nito.

"Ang point po nito Lola ay kailangan ko po nang permission sa head ng kumpanya," tinuro nya ang kanyang Lola, "kung pwede ako mag simula ng contest."

Lumaki ang mga mata ni Lola, "contest?!"

"Opo, mag a-advertise po kami sa tv, mga flyers at may premyo." He explains with complete enthusiasm.

"Kung magpapacontest ka, anong klaseng contest?" Rihanna bumps in the conversation.

Turning to face Rihanna, his face looked so bright, ang kintab kasi ng ngipin eh. "Tatawagin natin siyang Yaya Dub's Pabebe contest," I personally don't like the word pabebe... "Kailangan mapuno ng customer ang online stamp sheet sa website natin. every time gagastos ng Php 1000 or more ang isang customer, they can scan the barcode of their receipt on a phone camera or webcam to get a stamp."

"Simple enough." Complimenting his idea. Si Lola naman hindi parin convinced kay Alden.

Kakabalik lang ng mga Rogelio galing sa pag escort palabas ni Harry. "Ano po tingin nyo?"

Tinaasan nya ako ng kanyang kilay, "Gusto ko ang ideya nyo, pero..." Lahat kami nakatingin sa kanya, naka abang sa kanyang idudugtong sa sasabihin. "Kayo ang makikinabang, kayo gagastos."

Alden's face changed, kinabahan yata, "we barely earned anything, we've only been open for six weeks." I didn't even realized that it's been that long. "We are almost caught up with the revenue of the main company pero we can't afford to spend that on a contest."

Tumayo si Lola at nagsimula lumapit kay Alden, "may ideya ka, may plano ka, pero takot kang sumugal." Mataray na sabi ni Lola. "Kung isusugal mo, malay mo dumoble bake triple pa yan."

"Nakakatakot si Lola," binulungan ako ni Rihanna, "parang vulture kung maka abang." Paikot-ikot si Lola kay Alden.

"Ano Alden kakasa ka?"

One week later... Hello, ako po si Maine Mendoza aka Yaya Dub ng Lola's Pandesalan, sali na po kayo sa aming contest. Kung saan dalawang lucky kids ay makakasama namin ni Alden dito sa bakery at ma-experience ang Lola's Pandesalan experience. Ano pa hinihintay nyo, magregister na!

Narinig ko ang aking radio ad sa Fx. "Ang galing mo talaga Maine." Sabi ni Rihanna.

"Shh..." Itong mga araw na 'to unti unti na akong sumisikat, nahihirapan na ako maintain private ang buhay ko. We tried our best to stay quiet and not gain attention to us.

"Sorry naman." 5:23 ng umaga at lahat ng pasahero ay inaantok pa ang mga itsura kabilang na ako.

Hindi kami papunta sa bakery ngayon, actually meron kaming training sa mga bagong employees sa aming branch. We had our meeting two days after the whole meetup with Lola and nag decide si Alden na isugal kagaya ng sabi ni Lola, ang ipon na pera.

"I think it's best if we hired more people." Sabi ni Alden during our staff meeting.

"Bakit natin kailangan?" Tanung ko, pero obvious naman na toxic kami palagi sa trabaho.

"Easy, more workers equals faster service," Alden explains, "faster service equals more customers. And more customers?"

"Equals more money." Bulong ko sa aking sarili.

"Ilan?" Tanong ni Rihanna.

"Mga tatlo." Sagot nya, parang ready na ready siya sa kahit anong ibabat namin sa kanya. "Anymore questions?"

After that day, Alden instead of spreading it around town, sabi nalang niya na i-text nalang namin ang mga friends and family namin kung sino ang naghahanap ng trabaho. Immediate daw kasi, kailangan now na. Dahil daw pag nag search pa kami aabutin pa ng mga linggo or buwan para mag spread ang hiring ad namin.

Today ang training day ng mga bagong workers, at kagaya ng kay Lola, gusto ni Alden one day training lang plus, dapat mataray at nakakatakot kami para daw matino ang mga ito.

Pagdating namin sa mansion, dalawang babae at isang lalaki ang na datnan namin dito. Kasama namin si Harry dahil daw gusto ni Rihanna na mamasukan daw siya habang naka bakasyon si Harry para hindi ito mabagot.

"Maine, Rihanna ready na ba kayo?"

"Ba't kami ang tinatanong mo?" I asked with annoyance.

"May choice ba kami na maging hindi ready?" Dagdag ni Rihanna habang naka kapit sa braso ni Harry.

"What did you say?" Bulong ni Harry kay Rihanna, "is there anything wrong?" Nalilito siguro bakit parang hindi matino ang mga mukha namin. Si Alden naman kasi, magtatanong pa, eh wala naman kaming choice, ang aga-aga pa magpa-orient...

"Don't worry about it." Sabi ko sa kanya. "Mag start na tayo." Binalik ko ang aking atensyon kay Alden.

"Okay," he sounded very enthusiastic, "guys magpakilala muna kayo."

We never met these person si Alden lang ang actually nakakuha ng mga empleyado sa amin, dahil isa, unti lang ang friends ko, at pangalawa yung mga friends ko may mga sari-sariling mga trabaho na.

"Ako po si Patricia," sabi ng babaeng matangkad at pang pageant ang beauty, "pwede nyo po akong tawagin na Patring." Malaki ang smile nya sa kanyang face.

"Hello, my name Cindy." Ito naman, matangkad rin at pang model rin ang itsura pero hindi yata nakakaintindi ng tagalog. "I am model in Russia, but I got fired from old job, that's why I'm here." Tingin nya siguro modeling ang trabaho tinanggap nya.

"Ako po si Sam." Kung yung isa galing Russia, galing siguro to ng Middle East. "Yun lang po masasabi ko sa aking sarili,"

"Ito si Rihanna, at ang boyfriend nyang si Harry." Kumaway ang dalawa. "Yan si Maine."

"Hello po sa inyong lahat!" I gave them a little smile, so I wouldn't look scary or look awkward.

"Sige start na tayo."

Tig iisa sila ng mga station, kami ni Rihanna ginawang taga inspection lang kung tama ang ginagawa ng mga nagtre-training. Habang si Alden naman ng tuturo kung ano ang gagawin.

"Sige guys tuloy nyo lang yan." sigaw ni Alden sa kanila habang nagdedecorate sila ng cake. "Maine okay ka lang?" I raised an OK sign to him, "Ikaw Rihanna?"

"Im doing fine!" Si Rihanna naman wala nang ginawa kung asikasuhin si Harry sa station nya.

Nung napadaan ako sa station na malapit kina Patricia at Sam, may naalala ako sa kanilang dalawa. "Ano tinitignan mo dyan?" Bulong ni Alden sa akin habang pinapanood ko yung tinginan nung dalawa.

"Tingan mo sila..." Tinuro ko kay Alden yung mga nagkukulitan.

"Oo nga eh, parang tayo lang nung nakaraan."   


Moment That I Met UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon