TBB : 25

23K 306 0
                                    

Lance's POV


Ilanga raw na ang nakakalipas at mas naiinis ako sa bawat araw na lumilipas simula ng mahuli ko si Zelina na sinasabunutan si Cheska nag iba na ang lahat. Lagi na akong iniiwasan ni Zelina kapag matutulog kami una akong matutulog at kapag nagising ako wala pa 'rin siya sa tabi ko.



Kapag kakain naman kami ay agad siyang natatapos o kaya naman ay kumain na siya. Kapag magkatabi kami ang layo ng pagitan namin na parang may nakakawa akong sakit at ayaw niyang lumapit saakin na baka maawa siya.



At katulad na lang ngayon ay kinakausap ko siya bigla naman siyang umalis at parang bingin hindi ako naririnig na nagsasalita. Napabuntong hininga na lang ako. Kaylangan ko ng tulong at alam kong may makakatulong saakin kapag ganito.



Tinawag ko na si Nick pero ang sira ulo sinabi ko ba na makakatulong siya saakin? Hindi man lang sinasagot ang tawag ko! Gusto ko sanang tawagin si Teejay pero alam ko naman na busy siyang inaalagaan ang mga anak niya. Kung si Zech naman ay susungitan lang ako. Hndi ko naman puwedeng kausapin si Dylan dahil alam kong nasa mahal niyang barko siya. At mas lalo na si Terrence na mukhang nasa ibang bansa nanaman.



Napatingin ako sa huling pangalan na ayokong kausapin sa lahat dahil alam kong kabaliwan lang sasabihin saakin pero wala akong choice. Labag sa loob na tinawagan ko siya at naka dalawang ring pala ay sumagot sa siya agad.



( Hey Lance! Miss me? ) narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya sa kabilang linya.


''Nasaan ka ngayon Jason?'' tanong ko sakanya.


( You sounds like a father Lance. Pfft. So Gay. Anyway I'm here at Thunder Magazine building para sa gagawin kong photo shoot mamaya.)


''Gusto ko ng may makakausap pumunta ka sa rancho ngayon.'' Agad na sabi ko.


''Wow ah. Lance try mong ikaw na lang ang pumunta dito ikaw naman ang may kailangan saakin.'' Minurahan ko naman si Jason.


''Fine. Wag kanang pumunta.'' Inis na sabi ko at binabaan siya ng tawag bahala siya maging pangit sana ang resulta ng kuha niya sa gaganapin na photo shoot mamaya.


Ibabalik ko na sana ang phone ko na may biglang tumawag saakin at nakita ko ang nakarehistong pangalan ni Teejay kaya naman agad kong sinagot. ''Bakit ka napatawag?'' nagtatakang tanong ko kay Teejay.


''Lance puwede ba kaming pumunta sa rancho mo bukas? Gusto sana naming mag bakasyon saglit.'' Bigla naman akong napangisi.


''Sure. Nandito ako ngayon sa rancho text mo nalang saakin kung anong oras kayo pupunta.''


''Thanks Lance. Sure text ko na lang sayo.'' Bago ibaba ni Teejay ang tawag na rinig ko pa ang malakas na pag iyak ng mga anak niya mukhang kaylangan nga nila ng Bakasyon.


****


Zelina's POV


Agad namang nag salubong ang kilay ko ng Makita ko si Lance sa baba pero hindi lang siya mag isa. May kausap siyang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko na kung saan lugar ang mukha niya.



May bigla namang babae na lumapit sa lalaking kausap ni Lance at narinig ko pa na tinawag nitong ''Teejay'' ang lalaki at may kasunod naman 'yung babae na dalawang bata. At may biglang pumasok sa isip ko.



Kaya pala pamilyar ang pangalan ng lalaki dahil ito pala si Teejay Prince Imperial. Isa sa mga tinitilian at unang naging The Bachelor Boys ni Rosercl. Mas gwapo pala siya sa personal palagi ko lang kasi siya nakikita sa mga magazines.



Pero ang mas pinagtataka ko. Bakit sila nandito? Agad na akong bumaba at nakita ko ang nakangiting mukha ni Lance ang sumalubong saakin pero hindi ko siya nginitian. Gusto ko ng umuwi ngayon. 'Yun ang kaylangan ko.



''Sino sila?'' pabulong na sabi ko kay Lance ng makalapit ako sa kanya.


''Kaibigan ko.'' Maikling sabi niya. Naramdaman ko naman na pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at humarap kami ngayon sa dalawang mag asawa na may nanunuksong tingin sa kanilang ngiti at mata.


''Meet My Wife Teejay and Sindy.'' May pagmamalaki sa boses na sabi ni Lance habang pinapakilala ako sa dalawa.


''Hi.'' Pinilit kong ngumiti ng normal at hindi nila mahalata na pake lang ang ngiti ko.


''Nice to see you here Mrs. Mariano kaya pala hindi namin mahagilap si Lance nandito lang pala kayo.'' Sabi ni Teejay tumango lang ako. Nag usap at nagkamustahan muna tapos mayamaya may sarili ng mundo ang mag asawang si Teejay at Sindy.



Agad ko naman hinila si Lance at pumunta kami sa kwarto. ''Bakit nandito sila?!'' hindi ko napigian na mag taas ng boses.


''Akala ko ba uuwi na tayo?!'' inis na sabi ko nakita ko naman na napabuntong hininga si Lance.


''Hindi natin sila pwedeng iwan dito napaka sama naman natin kung iiwan natin ang mga bisita? 1 week lang naman sila dito. Sabay sabay na lang tayong umuwi.'' Hindi ko na napigilan at mahinang napamura na ako.


''Uuwi na ako. Kung gusto mo dito kana lang muna.'' Pinigilan naman ako ni Lance na lumabas.


''Zelina ano bang problema mo ah?'' halata na rin naiinis na si Lance dahil sa tono ng pagsasalita niya at tumaas na rin ang boses niya.


''Wala. Wala akong problema. Gusto ko lang umuwi.'' Sabi ko at agad na binawi ang braso ko sa kanya at tuloy tuloy na lumabas ng kwarto.



-Rosercl


TBS : 3 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon