TBB : 42

24.9K 331 4
                                    

Lance's POV


Malakas na napa-ubo ako ng biglang hilain ni Zelina ang necktie na suot ko. ''Dahan dahan naman.'' Sabi ko sakanya.



''Dahan dahan? Sana naisip mo 'yan bago mo ako saktan.'' Sabi ni Zelina at agad na nag walk out at pumunta sa kuwarto niya.



''What the hell just happen?'' hindi ko napigilan na itanong sa sarili ko.



''Manhid.'' Agad naman akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Jason na kumakain ng ano ba yon?



''Ano 'yan?'' tukoy ko sa kinakain niya.



''Hawaii Loco Moco.'' Sabi nito at nilagpasanan ako na parang wala lang. Kaya sinundan ko na lang siya.



''Hoy Jason anong ginagawa mo dito?'' tanong ko sa kanya.



''Grabe Lance. Ang sakit mo mag salita ano ka? Ikaw lang may karapatan na tumapak sa lugar na ito? 'Saka bro model ako. Model! Kasama ako sa photoshoot kung wala lang sanang bagyo sa labas.'' Sabi ni Jason at nagpaalam na may pupuntahan.



Nagpasya na akong pumasok na lang din sa loob ng kuwarto ko kasi wala rin naman akong gagawin at malakas pa ang ulan sa labas. Pero ilang oras na ang nakakalipas at wala pa rin. Hindi pa rin ako kayang dalawan ng antok kaya lumabas muna ako.



Pag kapunta ko sa main ground ay umupo ako sa isang bakanteng upuan wala ng ganoong tao sa paligid at biglang na lang talaga. Kumuha muna ako ng kape at babalik na sana ako papunta sa upuan ko ng biglang may Makita akong pamilyar na tao.



Agad akong lumapit at nakita ko si Jason na kasama si Zelina. Agad naman nag salubong ang kilay ko. Magkakilala sila? Sabagay modelo ng Thunder Company si Jason mukhang close sila pero ano ang pinag uusapan nila? Bakit mukhang ang seryoso nila? Dahil sa na curious ako ay agad na akong lumapit.



''Wag mo ng balikan 'yon si Lance. Ako na lang ang piliin mo.'' Napatigil ako sa paglapit ng marinig ko ang sinabi ni Jason.



''What the f? Gusto ni Jason si Zelina? How? Why?'' hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng inis nakita ko pang tumawa si Zelina ng sabihin ni Jason 'yon.



''Wala naman nakakatuwa sa sinabi ni Jason!'' agad na akong lumapit at sumingit sa gitna nila Jason mukha naman nagulat ang dalawa sa pagsingit ko sa pagitan nila agad akong tumingin sa kanilang dalawa.



''What's the topic? What's with the serious face huh?'' tanong ko sa kanila tumingin ako kay Zelina pero nag iwas lang siya ng tingin ng tumingin naman ako kay Jason ay wala na siya sa puwesto niya at tumakbo na palayo.

TBS : 3 (UNDER REVISION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ