TBB : 34

23.5K 314 41
                                    

Zelina's POV


Nagising ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa maselang parte ng katawan ko pero natanggal din agad sa isip ko 'yon dahil paglingon ko sa gilid ko ay wala na akong katabi. Panginip lang ba ang lahat kagabi pero hindi puwede 'yon.



Kahit na nahihirapan ako ay tumayo ako at inayos ang sarili ko. Nagmamadaling bumaba na ako. Mukhang ako na lang ang tao sa bahay base na 'rin sa walang ingay akong naririnig at tamang nga ako maagang umalis sila Mama at Dad para magpunta sa meeting.



Hindi ko alam pero wala akong gana na kumain ng almusal kaya naman nagpasya na lang ako na pumasok na sa opisina. Kinuha ko na ang bag ko at sumakay ng taxi. Walang ganang ginawa ko ang trabaho ko sa Thunder Company mukhang napansin ng mga kasama ko na wala akong gana at nagpapasalamat ako at hindi silang nagtatanong kung bakit.



Panay 'rin ang tingin ko sa cellphone ko hinihitay na tawagan ako ni Lance. Hindi ko alam pero mas lalo akong nagagalit sa bawat oras na lumilipas na hindi siya tumatawag man lang o nagtetext I mean ganoon na lang ba talaga? Matapos naming pagsaluhan ang isang napaka gandang gabi ay bigla na lang itong mawawala? Akala ko ba babawi siya? Ganito ba siya bumawi?



Dahil ayokong makisama sa mga tao ngayon lunch time mag isa akong nagpunta sa isang malapit na café sa labas ng building ng Thunder Company umupo ako sa may bandang gilid ng café at habang umiinom ako ng kape ay may biglang nakaagaw ng atensyon ko.



Ang dalawang tao hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nakita kong nag uusap sila hindi ako puwedeng magkamali. Si Cheska 'yon. Kasama si Lance. Pero bakit sila magkasama? Nakita kong hinawakan ni Cheska ang kamay ni Lance at hinawakan din 'yon ni Lance.



Anong nangyayari? Bakit sila magkahawak kamay? Nag uusap sila at halata sa mukha ni Cheska ang kasiyahan. May hindi ba ako alam? Mayamaya ay nanglaki ang mata ko dahil bigla na lang tumayo si Cheska sa kinauupuan niya at hinalikan si Lance sa labi nito.



Naramdaman ko na sumikip ang dibdib. Ito ba 'yon? Tama ba ang nakikita ko? Nagtataksil si Lance? Ganito ba siya bumawi sa kasalanan niya? Hindi magandang pagbawi naman ito. Mahinang kinurot ko ang pisingi ko. Nanaginip lang siguro ako tama? Hindi sila magkahalikan.



Napatayo ako bigla sa kina-uupuan ko dahil ilang minute na magkadikit ang labi nila. Walang balak si Lance na itulak siya? ''Hindi totoo 'to.'' Mahinang sabi ko habang nakatingin sa puwesto nila Lance. Nakita ko na tumingin saakin si Cheska. At lumingon si Lance na gulat na gulat.



Bakit pa siya nagulat? Ah siguro dahil nalaman niya na timer pala siya. Nakaramdam naman ako ng sakit nararamdaman ko ang kirot ng puso ko na matagal ko na din hindi nararamdaman noon. At ang nakakatawa pa sa parehong tao ko nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.



Napaka bait talaga ng tadhan mukhang binabalik nanaman ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Sabi ko na ng aba hindi maganda ang mapalapit ulit sa isang Lance James Mariano sana humindi na lang ako sa arranged married na nangyari edi sana hindi ko nanaman nararamdaman ang sakit na 'to? Napaka tanga mo talaga Zelina. Napaka boba mo. Nakawalang utak. Ano ng gagawin mo ngayon? Tatakbo? Tama. 'yun na lang ang magagawa ko ngayon ang tumakbo at umalis sa kinakatayuan ko.

TBS : 3 (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now