Love is in the Air

2K 90 103
                                    

 Ichimi's POV

 *Yawn~* Inaantok pa ako -____-

Bakit kasi 4 am pa ang na-assign sakin na flight T___T 

Wala akong magawa kaya nagda-daydream na lang ako ng biglang may tumawag sakin.

"Ichimi!" Sabi ni Hana. Isa sa mga pinaka-close ko na kapwa kong stewardess.

"Hana! Kala ko ba mamayang gabi pa ang flight mo?"

"Bakit ayaw mo ba akong makasabay ng flight?" sabi niya with matching pout :3

"Ano ka ba. syempre gusto kong makasabay ang kaibigan ko! Nagtataka lang ako kung bakit ka nagbago?"

"May date kasi ako mamaya! Hihihi :">"

"Sino yung Shin-chan mo?"

"Yup! Sino pa ba. :)"

Mukhang blooming si Hana ngayon ah! Nagpapasalamat talaga ako ng 1000 times dun sa Shin-chan na yun kahit di ko pa siya nakikilala sa personal. Dahil kasi sa kanya bumalik na si Hana sa dating siya at naka-move on na siya sa tiratira niyang ex.

"Hana, magboyfriend na ba kayo? ;)"

"H-huh? Hindi pa no! Exclusively dating lang!"

"Sus may pa-exclusively exclusively dating pa kayo! Eh halata naman na sa simbahan din ang bagsak niyan!"

"Syempre kailangan pang may pakipot effect no! Pero wag na nating pag usapan ang lovelife ko, sayo na lang ;)" 

 "Lovelife? Lovelife namin ni food? Well masaya naman kami :)"

"Hindi yun! Yung totoong lovelife! Ang tanda mo na kaya! Pero hanggang ngayon NBSB ka parin."

"Wow ha! Makatanda ka naman! Early 20's ko palang no! And besides, walang masama sa pagiging NBSB."

"Eh bakit kasi di mo man lang i-try? Ang dami mo kayang manliligaw! Sa gandang mong yan! Sayang naman kung tatanda kang dalaga."

"Basta. Sakit sa ulo lang ang boyfriend. Masasaktan lang naman ako diyan eh."

"Ang saya kaya! At part talaga ng pagboboyfriend ang hardships and pain. Don't expect na perfect ang lahat no. Life is all about risks. Pag wala kang tinatake na risks, wala ding mangyayari!" 

"Grabe ka teh! Nahilo ako sa Words of Wisdom mo!"

"Hahaha! Eh totoo naman talaga yun eh."

*Ring* *Ring* *Ring*'

"Ah tumatawag si Shin-chan! Babye muna ah! Kitakits na lang sa boarding!"

"Sige. Bye!"

Umalis na si Hana para makausap ang Shin-chan niya. Sabi niya pa sakin na yung Shin-chan daw niya ang pinaka-gwapong doktor sa buong mundo! Hahaha! Ang kulit talaga ni Hana :D 

Pero may point si Hana na I should take risks. Madaling sabihin, mahirap gawin. Hayyyy. Di ko naman talaga kailangan ng gwapo because I don't fall for the looks, I fall for the attitude. Naks! Ume-english na ako! Nahawa na kay Hana >.<

Makatulog nga muna....matagal pa naman ang flight......ZzzZzZz.....ZzzZzzZ....

Love is in the Air (Kuroko no Basket - Kise)Where stories live. Discover now