ALDUByou - 14

1.5K 95 15
                                    

MENG


Pinipigilan ko ang ambang pagpatak ng mga luha ko habang nakapila ako sa sakayan ng jeep na papuntang San Juan. Mahigpit ang pagkakakipkip sa shoulder bag ko habang hawak ko naman sa isang kamao ko ang baryang pambayad ko sa jeep.


This is such a bad week, naisip ko na lang. Naisip ko rin na kapag ang malas pala dumating sunod-sunod at walang palya.


Sa unang araw ng pagpasok ko sa trabaho sa Rustan's sa may Gateway mall ay nadukot ang cell phone ko habang lulan ako ng jeep na na-stuck sa gitna ng matinding traffic. Sobrang sama ng loob ko ng araw na 'yon dahil mumurahing Samsung na nga lang ang phone ko ay pinag-interesan pa ng kawatan.


'Di bale sana kung cell phone lang ang kinuha at iniwan sa akin ang sim card, eh. Paano ko ngayon mako-kontak sina mama sa probinsiya? Tiyak na nagtataka na rin ang mga kapatid ko ngayon dahil araw-araw ko silang ina-update via text kung ano na ang lagay ko dito sa Maynila. Haaay, badtrip talagang magnanakaw 'yon. Hindi na lang magbanat ng buto. Azar!


Tapos pagdating ko naman sa trabaho ay may nag-aabang rin palang problema sa akin. Paano'y may katrabaho akong babae na mainit ang dugo sa 'kin. Her name is Shiela by the way. Hindi ko naman siya inaano pero palagi ko siyang nahuhuling matatalim ang tingin sa 'kin na hindi ko na lang gaanong pinagtutuunan ng pansin lalo na at maayos naman ang relasyon ko sa iba ko pang mga kasamahan bukod nga lang sa kanya.


Partikular na magaan ang loob sa akin ng supervisor naming si James. He's nice and actually charming. Pero purely platonic ang nararamdaman ko sa kanya kahit na nararamdaman ko at ng mga kasama namin na madalas siyang magpalipad hangin sa 'kin. Bago pa man kung saan mapunta ang nararamdaman niya ay tinapat ko na siya. Good thing is that the guy knows when to accept defeat. Kaya mas naging close pa kami sa isa't isa nang makapag heart to heart talk ko isang gabing pauwi na kami ng trabaho at hinati niya ko papunta sa sakayan ng jeep.


Pero ang hindi ko alam ay lalo palang nagngitngit sa galit si Shiela na halata pa rin ang disgusto sa akin. Hanggang kanina nga ay ipatawa ako ng general manager namin.


"Sir, ipinatawag niyo raw po ako?" nagtatakang tanong ko pagkapasok ko sa maliit na office niya. Papunta na sana ako sa locker room para magpalit ng damit dahil tapos na ang shift ko nang ipatawag nga ako.


"Have a seat, Ms. Mendoza." Naupo naman ako bagama't nagtataka kung ano ang ginagawa ni Shiela sa tabi ng general manager namin.


"May isinumbong sa akin itong si Shiela. Nawawala raw ang cell phone niya na iniwan niya sa locker room. At may nakapagsabi sa aking ikaw ang huling nakita nilang lumabas ng locker room kanina breaktime."


Bahagyang napaangat ang puwit ko dahil sa naririnig kong pinagsasabi ng general manager namin. Pinagbibintangan akong magnanakaw! At iyan naman ang hinding-hindi ko magagawa at kailanman ay hindi gagawin!


"Sir, impossible po ang sinasabi ninyo. Ako nga po ang huling lumabas ng locker room kanina pero wala po akong pinapakialamang gamit ng iba kong katrabaho. Kung gusto niyo po ay pwede tayong pumunta ng locker room ngayon to check my bag."

God Gave Me You (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora