ALDUByou - 35

1.1K 61 3
                                    


After few months...


MENG


Napangiti ako nang iabot ng kaibigan kong si Andoy ang parte ko sa napagbentahan ng tatlong baboy na mahigit dalawang buwan rin naming pinalaki. Well, technically si Andoy lang naman talaga ang nag alaga sa mga baboy na 'yon pero may equal share ako sa profit dahil ako ang naglabas ng puhunan sa business venture naming ito.


Nang umuwi ako ng Leyte ay nag decide akong gamiting pang kapital ang kalahati ng perang ibinigay sa akin ni senyora Nidora. Ang kalahati ng fifty thousand pesos na bigay niya ay inilagak ko sa bangko na siyang gagamitin kong pang-enrol ulit next year. Balak ko iyong dagdagan nang dagdagan kaya naman sa halip na patulugin lang ang perang iyon sa bangko ay niyaya ko ang kaibigan kong si Andoy na mag-alaga ng mga biik. Doon napunta ang kalahati ng perang bigay ni senyora.


And luckily, maayos naman ang takbo ng small-scale business namin ni Andoy lalo na at iyon naman talaga ang business ng kaibigan ko noon. Natigil lang ito sa pag-aalaga ng mga baboy dahil nagkasakit ang tatay niya at siya ang tumingin dito hanggang sa bawiin ng buhay mahigit limang buwan na ang nakararaan. Gustuhin man daw ni Andoy na mag-alaga ulit ng mga baboy ay wala na itong pang-kapital dahil naubos na ang savings niya sa mga gamot ng tatay niya noon.


Kaya naman nang alukin kong mag-sosyo na lang kami—ako ang maglalabas ng puhunan at siya naman ang bahalang mag-alaga sa mga biik hanggang sa lumaki—agad siyang pumayag. Bale fifty-fifty kami sa tubo ng mga napagbebentahan naming baboy.


"Paano ba 'yan, mauna na 'ko sa 'yo? Bibili pa kasi ako ng cake at birthday ni nanay ngayon," paalam ko sa kaibigan ko habang palabas na kami sa gate ng bahay nina Mrs. Razon. "Sure kang ayaw mong sumaglit sa bahay? Nagluto si nanay ng paborito mong pansit," yaya ko pa sa kanya.


Matagal na rin kasi kaming magkaibigan ni Andoy at malapit na rin siya sa nanay at mga kapatid ko. Parang nakatatandang kuya na nga rin ang turing ko sa kanya.


"May lakad pa kasi 'ko. Alam mo na," aniyang nakangisi.


"Naku, hanggang ngayon hindi mo pa rin ako pinapakilala diyan sa nililigawan mo. Pero sige na nga. Mag-ingat ka, okay?"


"Ikaw rin."


Iyon lang at naghiwalay na kami. Sumakay ako ng multicab papuntang Baybay City at ilang saglit pa ay namimili na ako ng cake sa Jack's pastry shop—ang pinakasikat na Pastry Shop sa Baybay City. Hinihintay ko na lang na matapos ang paglalagay ng greeting sa ibabaw ng cake nang mag-vibrate ang phone ko.


Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako kapag bubuksan ko ang phone na bigay ni Alden at bubungad ang picture naming dalawa na siyang wallpaper ko.


Te, asa na ka? [Te, san ka na?] text ng kapatid kong babae.


Ti-uli na ko. Nagpalit lang ko ug cake. [Pauwi na ko. Bumili lang ako ng cake.] reply ko naman.


God Gave Me You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora