ALDUByou - 25

1.1K 53 1
                                    

MENG


Nang mga sumunod na araw ay marami pang mga pinaggagagawa si senyora na luckily ay lagi ko namang nalalagpasan. Minsan naisip ko, bored lang siguro si senyora kaya nakakagawa siya ng mga evil things. Paano'y matanda na at halos kami lang ni inday ang lagi niyang nakakasama rito sa bahay.


Madalang dumalaw ang anak ni senyora na si Sir Ariel at lately ay madalas ding umalis ng bahay si Alden. And speaking of Alden, hindi pa rin ulit kami nakakapag-usap simula nang huli kaming magkausap which is noon pang dumalaw ang mga kaibigan niyang sina Derick at Teejay. Hindi ko sure pero pakiramdam ko ay sadyang iniiwasan niya ako. Madalas ay hindi ko na siya naabutan kapag magigising ako sa umaga o kung mangyari mang mauna akong magising sa kanya ay hindi siya sumasabay ng pagbe-breakfast kay senyora. Sa gabi naman ay tulog na ako't wala pa rin siya.


Gustuhin ko mang ipagsawalang bahala na lang ang ikinikilos ni Alden, siyempre may mga panahon pa ring gusto kong magkaayos kami kahit na sa tingin ko naman ay walang dapat ayusin dahil hindi naman kami nag-away. Saka lalong walang rason para mag-away kami dahil amo ko siya at caregiver lang ako ng lola niya.


Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa naisip ko. Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig kong tinatawag ako ni inday. Kasalukuyan akong nasa likod bahay ng mga sandaling iyon at nagpapahangin. Mag a-alas-tres pa lang ng hapon at oras ng siesta ni senyora.


"Uyyy, nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni senyora," sabi ni inday nang maabutan niya kong nakaupo pa rin sa bangkitong ginagamit ni inday kapag naglalaba siya.


"Nasaan siya?"


"Nandoon sa kwarto niya. Mukhang may ipapabili yata sa 'yo," ani inday na sinimulan nang ibabad ang mga putting damit na nasa may lababo.


Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ni senyora. Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama niya. At himala, hindi siya nakapustora ngayon. Simpleng bestida lang ang suot niya habang nakapusod naman ang buhok niya pataas.


"Tawag niyo raw po ako, senyora?" sabi ko matapos kumatok sa pinto niya para ipaalam ang presensiya ko.


"Oo. Ibili mo ako ng pizza at nagke-crave ako," aniyang inabot sa 'kin ang pera saka maliit na papel. "Nakalista riyan ang pizza house na bibilhan mo. Gusto ko diyan ka bumili dahil masarap ang pizza nila at kaibigan ko ang mag-ari. Sige na lumakad ka na."


"Okay po, senyora."


Lumabas na ako ng silid niya at bumaba ng hagdan. Dumaan muna ako saglit sa kwarto namin ni inday para ayusin ang sarili ko.


Paglabas ko sa main door ng bahay ay hindi kaagad ako lumabas ng gate. Nagkubli muna ako sa likod ng malagong tanim na nakalagay malapit sa may bintana. Gusto kong manmanan kung ano na naman ang gagawin ni senyora this time. Nakakapagtaka kasi na sa MOA pa niya ako papabilhin ng pizza samantalang may malapit namang pizza house dito sa kanila.


O pwede rin namang doon na lang ako bumili sa paborito niyang pizza house kung saan crush niya 'yong isang delivery boy o 'di kaya pwede ring sa Cubao since mas malapit. Bakit sa MOA pa? I smell something fishy.


Wala pang isang minuto na nanakakubli ako sa likod ng malagong halaman na 'yon ay nakita ko si senyora na lumabas ng kwarto niya bitbit ang isang lagari. Ano'ng lalagariin niya?


Mayamaya lang ako nakita ko si senyora na nagpapalakad-lakad malapit sa may hagdan at tila tina-tantiya ang gitna n'on. At ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita kong sinisimulang lagariin ni senyora ang sahig. At base sa nakikita ko ay pabilog ang ginagawa niyang paglalagari. Gawa kasi sa magandang kahoy ang pangalawang palapag ng bahay.


Hindi pa rin ako umaalis sa pinagkukublihan ko. Mayamaya lang ay nakita kong parang hingal na hingal na si senyora bagama't nakangiti na. Sinubukan pa niyang iyong apakan nang wala gaanong pwersa bago tinakpan ng floor mat na hindi ko alam kung saan niya kinuha.


Parang alam ko na kung para saan ang butas na 'yon. It is intended for me. Mukhang may binabalak na namang masama si senyora sa akin. Napailing-iling na lang ko dahil sa naisip ko.


Umalis na ko sa likod ng halamang 'yon at saka dahan-dahang lumabas ng gate at nag-abang ng taxi. Ayokong makipagsapalaran sa MRT dahil siguradong pagbalik ko ng bahay ay mukha na akong mandirigma dahil sa dami ng taong nagsisiksikan sa MRT. Besides, palagi namang may sobra sa perang binibigay ni senyora kapag may ipinag-uutos siya sa 'kin.


Fortunately ay mabait ang driver ng taxi na nasakyan ko. Wala pang isang oras ay nasa MOA na ako. Matapos bilhin ang pizza na inuutos ni senyora ay nagpasya akong mag ikot-ikot muna. Na amazed ako nang makita ko ang malaking skating rink habang marami ang nagkakasiyahang mag skating sa loob.


Ang saya-saya siguro kung makakasama ko ang mga kapatid ko rito. Tiyak na tataw rin kami nang tatawa habang pinipilit naming ibalanse ang mga sarili namin.


Nang maisip ang pamilya ko ay bigla kong naaalalang hindi pa nga pala ako nakakabili ng bagong cell phone kahit mumurahin lang kaya hindi ko pa rin sila natatawagan hanggang ngayon. Hindi na rin ulit ako kabalik ng computer shop kaya hindi ko alam kung nagreply na sila sa message ko sa Facebook.


Naglakad na ako palayo ng skating rink at naghanap ng mga cell phone stores. Magtitingin-tingin na lang muna ako para may ideya ako kung magkano ang presyo ng mga cell phone ngayon. Tapos sa Cubao na lang ako bibili tutal hindi naman siguro nagkakalayo ang mga presyo ng mga phone kahit saang mall.


Papasok na sana ako sa isang cell phone shop nang mapansin ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Mabilis na nakabig ko ang sarili ko bago pa man ako tuluyang makapasok ng tindahan at nagkubli sa estante ng mga naka-display na cell phones sa harap ng tindahan.


At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makumpirma kong tama ang hinala ko. Si Alden nga ang nasa loob at may kasama siyang babae. The same girl na kasama niya noon sa coffee shop. Baka mag jowa nga, naisip ko.


May itinurong unit ng phone si Alden habang ang babae namang nasa tabi niya ay panay ang pagkausap sa kanya. Hindi ko na hinintay ang mga susunod na kaganapan sa pagitan nila at naglakad na ako palayo. Sa Cubao na lang siguro ako magtitingin-tingin ng cell phone.


Pumila na ako sa sakayan ng taxi at ilang saglit pa ay bumibiyahe na ako pauwi sa bahay nina senyora. Pagpasok ko pa lang ng gate ay naabutan ko si senyora sa lanai at tila sadyang hinihintay ang pagdating ko.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon