Chapter 1

5.8K 131 4
                                    

Cathy's POV

Saktong alas-kwatro na ng hapon ng magring ang bell, hudyat na tapos na ang panghapong klase.Mula sa tahimik na paligid ay napuno ng mga daldalan ang buong building habang isa-isa nang naglalabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid.

"Aigoooo! sa wakas, weekend na rin!"
masayang sambit ko habang nag-iinat ng braso.

Pahinga time!

Sinulyapan ko sandali ang aking mga mahal na kaibigan na noo'y nasa magkabilang tabi ko,

Si Diane, na nasa aking kanan ay seryosong nag-aayos ng gamit habang si Sofia naman na nasa kaliwa ay abalang nagpapahid ng mga kolorote sa mukha. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Oh ? Why are you smiling anyway?"
  maarteng tanong ni Sofia ng mapansin yatang masayang nakatitig ako sa kanya.

"Wala, ang ganda mo kasi.."
nakangiting sagot ko.

Ginantihan naman ako ng ngiti ni Sofia saka nagpatuloy sa pagsulyap  sa hawak na salamin habang abalang nagpapahid ng lipstick sa labi.

"Sus, make-up lang naman nagpapaganda dyan eh..."
sabat ni Diane.Tumaas ang kilay ni Sofia at saka padabog na ibinagsak ang hawak na salamin.

"Hoy Manang,magtigil ka dyan kung ayaw mong itakbo ko na naman yang lens ng pang-nerd mong salamin, Miss Nerd."
banta ni Sofia kay Diane habang dinuduro ng hawak na lipstick ang kaibigan.


"A-ano? Sinong tinawag mong Nerd? "
 malapit ng maiyamot na sabi ni Diane.

"Ikaw.. alangan namang si Cathy ,"
  walang pakundangang sagot ni Sofia.

"Aba't talaga namang..."

Bago pa man magsimula ang World War Three ay mabilis ko nang naakbayan ang dalawa.

"Hey, guys stop.."
natatawang awat ko sa kanila.

"You are both beautiful,"
 pagpapatuloy ko. Nagningning ang mga mata ni Diane.

 "Really? Am I also beautiful? "
nagbubeautiful eyes na tanong niya sakin.Kunwari ay tumingin muna ko sa taas na para bang may iniisip, tapos binalik ko ulit yung paningin kay Diane.


"Hmmmm... oo, 'pag hindi ka na Nerd."
          sabi ko tapos ngiti ng malaki.


 "Grabe kayo sakin!"


Lukot ang mukhang tinitigan ako ni Diane, ngunit pagkaraan din  ng ilang segundo ay malakas na tawanan ang nangibabaw saming tatlo.

Ganito lang kami palagi..

Sa pamamagitan ng pagbibiro, naipapakita namin ang tunay na pagmamahal para sa isa't-isa.

Totoo kasi ang  pagkakaibigan naming tatlo at walang halong kaplastikan,kaya naman masaya ako na napagkalooban nga mga kaibigan na katulad nina Diane at Sofia.

Nang mapansin namin na kami na lang ang naiwan sa classroon ay tumayo na kami at saka lumabas na ng room.Kasalukuyan na kaming naglalakad pababa ng building nang may tumawag ng malakas sa pangalan ko.

I Love You, Tell Me I'm WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon