Chapter 8

1.9K 47 18
                                    

Cathy's POV

  It's been four weeks ago since the party happened. Ang party na 'yon na pauli-ulit na  na nagpa-flashed back sa isipan ko, sa panaginip maging saan mang lugar ako pumunta at saang bagay man ako tumingin, sariwang-sariwa pa rin sa diwa ko ang nakakapangilabot na pangyayaring 'yon. Para iyong isang bangungot  na hindi ko magawang kalimutan hanggang sa paggising ng kamalayan ko. 

   Muli ay napapikit ako ng mariin nang maalala na naman ang gabing 'yon. Simula pagpunta sa resort hanggang sa kung pano niya ginawa sakin 'yon. Kung paano ako nagmakaawa, kung pano ako lumaban at kung paano ako tuluyang nawalan ng pag-asa, kapag naalala ko ang mga bagay na 'yon parang gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gustung-gusto kong gawin ang mga 'yon dahil 'yon na lang ang tanging bagay na magagawa ko at wala ng iba. Ang sakit, sakit. Galit na galit ako,  muhing-muhi pero mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko. Pakiramdam ko, ang baba ko na, pakiramdam ko hindi na ako naiiba sa mga bayarang babae. Ang dumi-dumi ko na.

  "Hija anak, gising ka ba? Pwede bang pumasok si mommy?"

Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko nang marinig ko ang mahina at maingat na pagkatok ni mommy sa pinto. Narito na naman siya para siguro siguraduhin na ok lang ako.

 "I'm awake mom, just come in."

  

  Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa noon si mommy wearing a reliefed expression a moment she saw me with an opened-eye. Kahit wala sa kondisyon ay napilitan na rin akong bumangon sa kama at siya namang alalay sakin ni mommy para sumandal ako sa headboard. Umupo siya sa tabi ko habang hagod-hagod ang buhok ko at pagdaka'y hinalikan niya ang noo ko. Sa tuwing ginagawa niya 'yun ay parang gusto ko lalong maawa sa sarili ko.

"Mom?"

"Yes baby?"

"How's daddy? Nakabalik na po ba siya?"

"Hindi pa anak, he's not yet here."

 Sandali akong yumuko para muling balikan ang nangyari nitong mga nagdaang-araw. Simula ng aminin ko sa pamliya ko ang totoong nangyari sakin hindi na muli akong nagsalita pa, ilang beses nila akong tinanong kung sino ang gumawa sakin n'on ngunit sa tuwing inuulit-ulit nila 'yon ay lalo lamang akong nagwawala. Nagiging daan kasi 'yon para balik-balikan ng isip ko ang napakasaklap na pangyayaring 'yon. Ilang beses akong sumailalim sa mga counseling, ilang tao ang pumilit sakin na magkwento tungkol sa nangyari, pinaikot-ikot nila ako para umamin kung sino ang taong 'yon pero sa huli'y isang hindi inaasahang pangyayari lamang ang nakapag-pa amin sakin.  Iyon ang araw na nalaman namin na nagdadalantao ako. Oo, I'm four weeks pregnant. Nagbunga ang kahayupang ginawa sakin ng lalaking 'yon.  Nung oras na malaman ko iyon base sa sinabi ng doctor ay halos mawalan ako ng lakas. Dala na rin ng sobrang walang pagpilian ay nailabas na rin ng bibig ko ang pangalan ng taong 'yon.

   Gumawa ng iba't-ibang research ang daddy ko tungkol sa taong 'yon, hindi siya tumigil hanggat hindi nakikita ang lalaking sumira sakin. Hanggang kanina lamang, nalaman nila ang tunay na katauhan ng lalaking 'yon at ng oras ding iyon ay nagmamadaling umalis sina daddy kasama ang ilang tauhan niya. Hiniling ko sa kanya na gawin ang lahat ng paraan para magbayad ang lalaking 'yon, at nangako naman siya sakin. Ipinangako niya na hinding-hindi niya palalamapsin ang ginawa ng taong 'yon sakin. 

   Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso sa katawan ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap na ng mahigpit ni mommy. Damang-dama ko sa yakap niyang 'yon ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang tunay na ina.

I Love You, Tell Me I'm WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon