Chapter 37 (The Test of Time)

7.7K 169 5
                                    

Kai's P.O.V.



Nagkakayayaang mag-inuman ang mga empleyado ko sa opisina kaya hindi ako tumangging sumama sa kanila ngayon, kailangan ko ito para mabawasan ang sama ng loob na dinadala ko.



Masayang nagkakantahan ang lahat samatalang ako naman ay umiinom lang. Hindi naman ako magpapakalasing dahil alam kong hindi magandang ipakita ko pa kay Hyeon Ki na lasing ako. Ayoko ng mag-alala pa siya. Naisip ko nang buntis siya at hindi ko dapat siya bigyan pa ng iisipin kaya pagkatapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko ay kakausapin ko na siya. Sobrang miss ko na siya.



Maya-maya lang ay narinig kong nag-ring ang phone ko. It was Soo Jin.



"Hello?"



"Kai, nasaan ka na? hinahanap ka na ni Min Joon."



Nakalimutan kong may lakad nga pala kaming tatlo. "Ay sorry, nagkayayaan kasi kaming mga kasama ko sa opisina eh. I forgot. Nasaan na ba kayo? Susunod na lang ako."



"andito kami sa amusement park malapit sa building ng company niyo. Sige hihintayin ka namin."



Pagkatapos ng tawag na iyon ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko. Nagdrive agad ako patungo sa lugar na sinasabi ni Soo Jin at pagpasok ko doon ay agad ko silang nakita.



Sinalubong naman agad ako ng yakap ni Min Joon ng makita niyang andun na ako. "Mabuti na lang Dad at nandito ka na."



"Nakapagrides ka na ba anak?" Tanong ko.



"Hindi pa po."


"Bakit naman?"



"Ayaw niya kasing sumakay hangga't wala ka pa dito." Ani Soo Jin.



"Ah ganun ba? Sige, andito na si Daddy. Sasamahan kita sa mga gusto mong rides."



Kagaya ng sabi ko, sinamahan namin ni Soo Jin si Min Joon sa lahat ng rides at booths na gusto niya. Masaya naman akong makitang nag-eenjoy siya ngayon. Hindi ako nagkamaling ipakilala si Min Joon sa tunay niyang ina dahil nakikita ko namang bumabawi ito sa kanya.



Habang nakasakay naman sa carousel si Min Joon ay nakatingin lang kami sa kanya ng Mama niya sa labas.

Be My Son's Mom (Editing)Where stories live. Discover now