Chapter 47 (Magic Word)

9.4K 212 10
                                    



Katulad ng sinabi ko kay Soo Jin ay dinala ko muna sila sa bahay namin nila Mama para lubos na makapagpahinga si Min Joon. Though nagtataka si Min Joon kung bakit dito namin siya dinala at hindi sa bahay ni Kai ay sinabi na lang namin na mas mapapabilis ang recovery niya kung nandito siya.



"Hoy ano ka ba? Martyr? Or sadyang tanga lang? bakit dito mo patitirahin si Soo Jin? Walang kaso si Min Joon kasi tinuring ko na iyang tunay na pamangkin, pero si Soo Jin? Nooooooooo." Pabulong na sabi ni Ate habang tinutulungan akong maghanda ng merienda para sa dalawa.



"Ate, wala na silang mapupuntahan. Wala ng pamilya si Soo Jin dito sa Korea at alam mo naman ang sitwasyon nilang tatlo nila Kai. Ito na lang ang naiisip kong paraan. Hayaan na natin ate, mga ilang araw lang naman habang binabalik sa kondisyon ang katawan ni Min Joon. Maghahanap na rin naman daw ng matitirahan si Soo Jin kasi maghahanap na rin siya ng trabaho."



"At ngayon poproblemahin mo pa yung kasalanan niya? Kayo na nga ng anak mo ang agrabyado dito tapos dadagdagan mo pa ang kargo mo. Ay ewan ko ba sayo, bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na martyr! Nakakaloka!"



"Shh Ate! Baka marinig ka."



Umismid na lang si Ate at inilabas ang meryenda sa sala kung nasaan sila Soo Jin at Min Joon.



"Mommy Hyeon Ki, nasaan po si Kaila?"



"Wala siya dito eh kasi nasa bahay siya ng Daddy Kai niyo. Pag weekdays kasi doon siya tapos kapag weekends naman dito. Wag kang mag-alala, sa Sabado pupunta siya dito."



"Eh si Daddy po? Pupunta rin dito?"



Nagtinginan kami ni Soo Jin. "Apo, busy kasi ang Daddy mo ngayon kaya hindi ka pa niya mabibisita." Ani Mama.



"Magdadala naman ng maraming toys yun pagpunta dito." Sabi ni Ate.



"I don't like toys, I want books."



"Osige books ang dadalhin ni Daddy mo." Sagot naman ni Soo Jin.



Partida pa yan ha, tatlo na kaming pinagtatakpan ang lahat pero parang hindi ata kakayanin ng powers namin ang batang ito.



Bukas na bukas ay pupuntahan ko na si Kai, kailangan ko na siyang kausapin para maayos na ang lahat ng ito.

Be My Son's Mom (Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ