{1} When the skies and the grounds.

3.8K 129 42
                                    

{ Room #26 - Student Council Room } 

May meeting ang student council ngayon tungkol sa welcoming party para sa mga bagong nabunot na estudyante. Ayaw naman din nilang maging boring ang unang araw ng mga ito.

"Okay guise, so what's our plan?" Tanong ng President nila na si Kris. Bigla namang nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Student Council sa malaki nilang table. 

"Hmm, ba't di tayo gumawa ng 'Welcome!' sign para sa kanila?" Sabi ng Vice President na si Suho. 

"Aish. Ang lame naman niyan. Ba't di nalang natin sila sorpresahin? Kunyare nag-aaway tayo, wuwushuhin ko kayo." Sabi ni Tao habang nakatingin kay Kris na para bang ito ang pinapatamaan nito.

"Ewan ko ba kung gusto mo lang gumanti kay Kris dahil hindi ka niya binilan ng Gucci bag o ano eh." Sabi naman ni Chen na may mukhang nagtataka. Meron kasing nakitang bag si Tao last week sa isang Gucci shop, pero nakalimutan niya ang wallet niya, nagkataon, kasama niya si Gege, pero dahil medyo bad mood nun si Gege, hindi siya pumayag. Bumalik si Tao sa dorm upang kunin ang wallet nito, kaso pagbalik niya sa shop, nabili na daw ang natipuhan niyang Gucci bag.

"Ba't di nalang natin sila paulanan ng mga tinapay? Bread rain, yung ganun." Pag-iibang topic naman ni Minseok habang tinataas-baba ang kilay niya with his baozi face.

"Masyado naman atang imposible yan, Xiumin, saka ikaw at ikaw lang din naman ang sasalo sa mga tinapay pag nagkataon. Ba't di nalang tayo gumawa na cafe? Pang pakalma sa kanila, for sure, puro "Aaaahhhhh! Emegehd emegehd!" ang sasalubong sa atin." Sabi naman ni Lay habang ginagaya kung paano umarte ang mga fans nila pag nakikita sila. Napatawa naman ang mga ka-miyembro niya. Bagay din naman kasi kay Lay eh.

"HAHAHA! Pwede, pwede." Sabi naman ni Luhan habang tumatawa-tawa at hinahampas-hampas ang table. Imaginin niyo nalang siyang tumatawa sa jokes niyo. 

"Mukhang okay naman yang naiisip niyo. Hmm, pinatawag ko narin ang mga bata. Baka siguro mamaya-maya eh nandyan na--

Bigla namang naputol ang pagsasalita ni Suho nang biglang pumasok ang mga apo niya.

"Hello! Madlang members!" Pumasok naman si Chanyeol habang naka open arms, at naka-ngiti ng malapad. Nakakapagtaka nga kung hindi ba siya nangangawit kakangiti eh.

"Anong meron?" Sabi ni D.O, syempre, kailan niya pa naiwan ang ekspresyon niyang 'O_O'. Teka, hindi nga pala yun naiiwan, eh mukha niya na yun eh. 

EXO AcademyWhere stories live. Discover now