{2} You're a beauty, I'm a wolf.

2.9K 110 26
                                    

WARNING: SINADYA ko pong maliin ang grammar ni girlash sa FIRST POV, okay? Wag po natin piliting itama ang grammar niya. Your argument is invalid. 'Aight then, enjoy! ♥ xx.

*******************

{ Barangay Dimakita, Hanapin City | Pauper's POV

Nanunuod ako ng news dahil baka maisipan na ng EXO Academy ang pag-broadcast ng mga nabunot last week. Nagbabakasakali ako na isa ako sa mga nabunot. Pero hindi dahil nandun ang EXO, dahil gusto ko lang makakuha ng scholarship. Hindi naman kasi kami mayaman, at wala din kaming malaking pera para makapasok sa isang pribadong unibersidad. Hindi rin naman ako ganun katalino para makakuha ng scholarship. Atsaka, pinapaaral na ni tsang yung kapatid ko, ayoko naman din maging pabigat pa.

Kaya naman wala akong magagawa kundi sumali nalang dun sa raffle na yon, kahit na hindi ko kilala ang EXO churvaley na yan. Ginagawa ko lang 'toh para sa pamilya ko, para din sa sarili ko, para sa kinabukasan ko, para sa kinabukasan mo, para sa kinabukasan ng bayan, kinabukasan ng bansa, kinabukasan nating lahat, pati narin sa—

"Ate! Wag ka ngang magdrama dyan! Tapos na ang eleksyon uy!" Sabat naman ng aking kafated. Ano ba yan, kahit kailan talaga, napaka-echusera ng batang 'toh. Nakita na ngang nagda-drama yung tao eh.

"Nagpa-praktis lang para sa role ko mamaya sa MMK!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya.

*torotorotot torotorotot* 

Ay teka, yung IPhune 5 ko tumotorotot na. Oh hah? Hindi porket mahirap kami, di na kami makakatikim ng mga ganyan. Aba! Hindi naman ata ako papayag na matalbugan ako ng mga feeling mayaman dyan sa kanto.

Iswi-nipe to the left ko naman ang screen para ma-unlock ito. O diba? Pambihira nalang ang mga ganyan! Sa left na ang punta nung arrow imbes na sa right. 

"Hello? Who are this?" Panimula ko. Aba, marunong din naman akong mag-English noh. Naging interpreter pa nga ako ni kapitan nung may bumisitang kano dito sa barangay eh. 

"Hello? Is this Vence Astreal?" Tanong niya sa akin. Huwaaaw, ume-English din si ateng.

"Buenos dias! Yes, I am she. Why?" Excited kong sabi. Aba, malay niyo, nanalo na ako ng House and Lot! Pero pasensya ha, di ko kayo malilibre. Duuh, house and lot lang, walang pera. Ano, hati-hatiin ko yung lupa, ta's ibibigay ko sa inyo? 

"You won the EA raffle." Oh diba? Sabi ko — Teka teka, hinto muna tayo Dora. EA? As in, EXO Academy? ERMAGEHRD. I cannot spoke. My feelings is so exploding right now.

EXO AcademyWhere stories live. Discover now