Pinoy ka at ako

17 2 0
                                    

pilipino ako sa puso at isipan
pilipino ako kahit K-pop ang kinahuhumalingan
pilipino ako sa diwa at kaanyuan
pilipino ako kahit anime'y ginagayahan

pambansang awit aking isinasadiwa
bayani aking sinasaludo at pinapanata
mahal naming lupa aming pinagtatalunan
oh pilipinas kong mahal, mga nilalang mo'y mapanlinlang

mano po, opo, walang galang na po
magalang na pilipino, murahan sa dulo
maria clara nuon, lady gaga ngayon
na gugustuhin mo na sila sa lupa ibaon

tong-it, majong, eskinita ng pasugalan
animo'y pabrika din ng bata ng kaunlaran
kurakot ang kabuhayan, sigaw ang kababagsakan
yan ang pilipinas kong puno ng kapayapaan

pilipino sila, pilipino tayo, pilipino ako
pilipinas na tunay sa kapwa, mapayapa, mahal ko


----------------------------------------------------------------------------

Lets consider it as a humorous poem with meaning. Hehe.


Kimi's PoetryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora