tila'y kay bilis ng panahon
sa paglaki'y hirap umahon
nanlulumo sa sariling bitag
pagdamdamin na ang siyang bumihagpagsusumamo sa tanging sinisinta
ay nananatili kahit sugat ay nadarama
ang isip ang siyang kailangan makasama
ngunit puso ang siyang nangungunahindi man tinakda ng panahon
pagpapasalamat ang siyang bumangon
sa pagbigay pangarap para sa bukas
hindi man kasama ngunit siya ang lakastanging pagtanggap ang magagawa
sa tamang panahon na may pang unawa
bagkos man sa pagsubok na dumaraan
hayaan natin kung ano ang nakalaandiyos ang tanging kaagapay
sa mundo man o sa kabilang buhay
na ang pagmamahalan ay may katapusan
ngunit sa piling nya, pag ibig ay magpakailanman
YOU ARE READING
Kimi's Poetry
PoetryMost of my poems came from my Tumblr, transferred to Wordpress, and now decided to share it in Wattpad. So I hope you'll like it. I'm not a pro so let me know if there's any corrections, etc. Enjoy and please leave a comment or rate me if you'd like...