Ika labing siyam ng hunyo

3 0 0
                                    

araw ng sabado, ako'y nanlulumo
nakatunganga, kakaisip sa iko't ng mundo
abala sa aking upuan, kinalalagyan
na biglang nakatanggap ng mensahe mula kay Edrianne

"ating ipagdasal ang 50-50 na si joshua"
siyang laking gulat nang aking mabasa
nagmamadali, upang siya'y matawagan
"putangna mo! huwag ka magbiro ng ganyan!"

hindi man nakakatuwa ngunit napaiyak
ako'y agad pinapunta niya sa osmak
naghahabol sa oras na aking binibilang
pumara ng taxi "manong paki bilisan lang"

trapik at maling lugar ang kanyang natahakan
"kuya, sabi ko emergency bakit dito ka dumaan?!"
walang kilos ang manong sa kinalalagyan
kaya't nagmumura na sa loob ng sasakyan

"mga ineng, kayo'y bumaba na at ako'y naiirita"
"tama lang kuya ngunit walang bayad, manigas ka!"
nagmamadaling sumakay at naglakad papuntang cubao
doon sumakay ng bus kahit mga tao na ay umaapaw

pagdating sa guadalupe, pumara ako ng taxi
napahaba oras sa byahe at ako'y nanggagalaiti
sumakay agad agad upang mabilis makarating
may kaba sa osmak noong ako ay dumating

nakangiti, nakatawa, akala ko biro
ngunit pinapasok ni kuya jaypee, nanlulumo
sunod sunod na patak ng luha sa aking nakita
nakahiga, walang malay na si joshua

"lumaban ka, pakiusap lumaban ka!!"
parang ang mundo ay maguguho na
sa mga oras na siya ay nag aagaw buhay
tila puso ko'y unti unti nang namamatay

hawak ang kanyang kamay, umiiyak
ayaw umalis kahit luha'y pumapatak
hawak at halik ang siyang tanging nagagawa
"ayaw kita mawala, pakiusap lumaban ka"

"ibigay na natin si wawa, wala na tayo magagawa"
nagpaalam, nagpasalamat, nagpatawad bawat isa
ngunit hindi ko tanggap kaya ikaw ay inaway pa
at sa huli, bumulong "josh mahal na mahal parin kita"

nasa labas habang naghihintay sa kinalalagyan
pilit pumasok muli ngunit hindi na pinadaan
hindi na kinayanan kaya ako'y nagpaalam
tuluyan na umalis dahil sa bigat ng kalungkutan

sa aking pag-alis, kumidlat at bumuhos ang ulan
tila'y sumasabay sa pighati na aming dinadanasan
nagpaalam na nga talaga si bangus ng tuluyan
nagluluksa ang lahat, maging ang kalangitan

dali dali tumakbo palayo papuntang silungan
basang basa mula sa langit na may iniiyakan
agad sumakay ng bus, umiiyak, nilalamig
"i will be here" ang sumambit sa pandinig

humagulgol sa kanta, may lungkot ang unang musika
parang nagpapahiwatig na nandiyan lang palagi siya
binalitaan ang lahat at hindi makapaniwala
wala na nga si joshua, masakit, hindi ito tama

umuwing luhaan, nanghihina, bagsak sa higaan
parang pasan ko ang lungkot ng sangkatauhan
tuluyan nawalan ng pag asa na siya'y makasama
ngunit maraming salamat sa'yo "paalam joshua"


----------------------------------------------------------------------

Joshua B. Abelgas
born: may 4 2010
died: june 19 2010 - 5pm


Kimi's PoetryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ