Chapter 31

107 14 0
                                    

A/N:

YES! After 4 months, naka-update na rin ako! Sorry guys dahil hindi ako naka-UD agad, simula ng first day of school, sunod-sunod na ang days of survival churva ko. Grade 7 student palang po ako plus nasa Sci-High department ako kaya talagang mahirap talaga ang high school life ako. Mahirap mag-adjust sa bago kong school, ang daming nangyari, maraming drama. I swear, hindi ako nag-expect ng ganun. Napaka-raming school works, my ghad. Ang sakit sa ulo at halos mamatay pa ako. Tsaka, katatapos lang ng quarter exams namin. So, nag-sipag talaga ako para mag-UD ngayon.

So, YES. DOUBLE UPDATES PO ngayon para makabawi naman ako after the long wait. Sana may nagbabasa pa rin. Sana may susuporta pa rin. At sana may mag-cocomment at mag-vovote pa rin. Kahit silent reader ka, THANK YOU~! <3

So, ENJOY READING~!
P.S. Magkahiwalay po ang Chapter 31 at 32 ^.^

ANYWAY, HAPPY 10K READS~! ^.^ Thank you~*sabog confetti*

~*~

Chapter 31

"Rain, let's talk. I have something to tell you."

Hindi ko alam kung anong i-rereact ko ngayon sa sobrang seryoso ni Miko ngayon. Gusto ko pa sanang kiligin kasi nasa harap ko siya at ang cute niya dahil ang seryoso niya, pero hindi. Sa sobrang seryoso niya, nanahimik nalang ako.

"M-miko... A-ano, 'yung kiss na 'yun wala lang 'yun! Promise. Bigla nalang akong hinalikan ni Monster tapos ayun! Na-picture pa ng gagong alien na 'yun! I swear, no feelings attached!" Sinabi ko sa kanya at tinaas ko pa 'yung kanang kamay ko as a sign of promising.

"Hindi 'yun, iba." Wait, so hindi siya nagseselos? Even a bit? Akala ko ba may gusto siya sa akin? Teka, crush lang naman eh! Hindi naman niya ako liligawan or what. Baka, pwede pa 'yung mawala eh. Pero, sabi naman niya I really like you. Tsk. Ah basta!

"A-ano?"

"It's-"

"RAIN KO!" Napalingon kami ni Miko sa sumigaw ng pangalan ko. Napasimangot ako nang makita ko si Sky na nakangiti sa akin habang kumakaway. Anong trip nito? At talagang dinagdagan pa niya ng ko 'yung pangalan ko ah! Ang kapal, matapos niyang kunin 'yung first kiss ko magpapakita pa rin sa akin!

Mas lalo siyang lumapit sa amin ni Miko tapos bigla niya akong hinila palayo kay Miko hangang sa mapunta kami sa garden. Naiinis kong inalis 'yung kamay ko sa kamay niya at humarap sa gwapong- I mean, bwisit na mukha ng halimaw na 'to.

"Tsk. What do you want? Nag-uusap pa naman kami ni Miko, nang-istorbo ka bigla! Psh, may sasabihin pa siya sa akin eh! Baka, sabihin niyang manliligaw na siya tapos bigla ka pang sumingit." Naiinis kong sinabi sa kanya habang nakasimangot. Sumeryoso agad 'yung mukha niya at hinawakan niya ng mahigpit 'yung braso ko.

"A-aray! Hoy! Bitawan mo ako, Monster! Ang sakit!" Reklamo ko sa kanya habang sinusubukan kong alisin 'yung braso ko sa pagkahawak niya pero mas lalong humigpit 'yung pagkahawak niya sa braso ko. Letche! Hindi ba nakakaintindi 'tong halimaw na 'to?

"Hindi pwede."

Kumunot 'yung no ko sa sinabi niya. "Anong hindi pwede?"

"Hindi pwedeng manligaw siya sayo, dahil ako lang ang pwedeng manligaw sayo." Pagkatapos niyang sabihin 'yun, nag-walk out nalang siya.

Habang naiwan akong nakatayo lang at hindi makagalaw. The heck? Ba't ako namumula? Tsaka, ano daw? Manliligaw siya? My God! Lord, gisingin niyo na po ako!

Cinderella VS. Prince Charming (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now