Chapter 32

119 15 7
                                    

Here's the second update for this day~! Enjoy~! ^.^ <3

HAPPY 10K READS~! Thank you, guys~! ^

Chapter 32

-RAINIE-

"Yoohoo! Babes! Gising ka pa ba?"

Sky. Sky. Sky.

"Oy. Nababaliw ka na bang babae ka? HOY!"

Frappe. Blueberry Cheesecake. Teddy bear. Back Hug.

"RAINIE, OKAY KA LANG BA?! Baka gusto mong halikan pa kita?!"

Nagising nalang ako sa reyalidad nang napansin kong nasa harap ko pala si Hunter at Miko na nagtataka kung bakit wala ako sa katinuan. Hindi nila alam 'yung nangyari nung isang araw, wala akong sinabihan nun. Pero, hanggang ngayon, kapag naaalala ko pa 'yun bigla nalang ako ngingiti at mamumula.

Hinawakan naman ni Miko 'yung pisngi ko tapos tinagnan niya ako, "Hoy babae. Kung nagde-daydream ka lang buong araw. Walang mangyayari. Tsk, sino nanaman 'yang iniisip mo, huh?! Tsk. Napagalitan ka na nga ni prof dahil dyan sa kaka-day dream mo, itutuloy mo pa? Tsk." Naiinis na sinabi ni Miko at inalis 'yung kamay niya sa pisngi ko.

Biglang tinaas-baba ni Hunter 'yung mga kilay niya tapos tinignan niya kami na para bang nang-aasar lalo na kay Miko, at nag-evil smile pa ang baliw na alien.

"Yiiiieee! Nagseselos si Miko! Babes naman kasi eh, tumigil ka daw sa kaka-day dream sa taong 'yan na who shall not be named in front of Miko. Tignan mo, nagseselos tuloy si Miko!" Pang-aasar ni Hunter tapos kiniliti niya si Miko sa tagiliran niya.

"Aish. Letche, Hunter. Tumigil ka nga! Nababakla ka nanaman ba?!" Pagpapatigil naman ni Miko sa abnormal na alien na 'yun. Tumigil naman si Alien sa pangingiliti sa kanya, pero hindi nabubura 'yung evil smile niya. Tapos, tinignan naman ako ng Alien na parang nang-aasar.

"Rain babes, ikaw naman ang matanong ko. Sino ba 'yang nasa daydream mo? Si Miko ba? O ibang tao?" Pang-aasar niya sa akin. Iniwasan ko naman agad siya ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. Pinilit ko namang hindi mamula, pero naramdaman kong umiinit pa rin 'yung mukha ko.

"Tu-tumigil ka ngang alien ka! H-hindi kaya ako nag-de-daydream! Aish. T-tigilan mo nga ako!"

Shoot. Nauutal nanaman ako! Nararamdaman ko 'yung mapang-asar na tingin ni Hunter sa akin kaya mas lalo ko siyang iniwasan ng tingin. Letcheng alien na 'yan, abnormal talaga! Wala ba 'tong magagawa sa buhay niya. Tsk.

Umupo siya tabi ko at inakbayan niya ako habang nang-aasar na tumingin sa akin. "Yiiieee! Luma-love life na si babes! Nawala lang ako ng ilang buwan, hindi ka na nagsasabi sa akin! Teka, who's the unlucky- I mean, lucky guy na 'yan, ha? Sige naaa... Sabihin mo na sa akin, sa atin lang 'yun, babes. Promise, secret lang natin. Okay?" Nang-aasar na tanong niya sa akin tapos tinaas niya 'yung pinkie finger niya at kumindat sa akin.

Tinignan ko siya nang masama at tinulak ko siya palayo na dahilan ng pagkahulog niya bench. "Aish. Tumigil ka ngang abnormal na alien! Tsk. Pwede ba? Sabi kong wala ngang nagde-daydream, okay? At kung meron man, siguradong hindi ako 'yun." Naiinis kong sinabi sa kanya at pinagkrus ko 'yung mga braso ko.

"Naku, Rain. Tandaan mo ah, kung sino man 'yang dine-daydream mong tao. Ako, si Miko or si Sky, sabihin mo lang, huh? Before it's already too late." Mas naasar ako nung sinabi niya 'yun, pero nagtataka ako dahil seryoso 'yung mukha niya.

Hindi ko alam 'yung masasagot ko sa sinabi ng Alien na 'yun, lalo nang nakita kong seryoso pa rin siya hanggang ngayon. Aish. Nakakaloka 'tong Alien na 'to, pabago-bago ng mood. Parang may mental disorder 'tong Alien na 'to.

Cinderella VS. Prince Charming (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now