Conversations with Daughters

667 23 19
                                    

S

"'Nak, pwede ba pumasok?"

"Ay, 'Ma! Opo naman."

Pinagbuksan ko ng pinto ng kwarto ko si Mommy.

"Bakit po, Mommy? May kailangan po kayo?"

"Ay, wala naman. Mangangamusta lang."

"Ganon po ba? Ok naman po ako, 'Ma. Nag-aalala pa po ba kayo sa 'ken?"

"Anak, alam mo naman na lagi akong nag-aalala sa 'yo."

"'Ma, wag ka na po mag-alala sa akin. Ok po ako. Ok na ok."

"Anak, nanay mo ako. Alam ko kung may inaalala ka o may dinaramdam ka. Yung lalaking yun pa rin ba ang nasa isip mo?"

"Mommy! Ano ba! Naka-move on na po ako dun. Tsaka hindi siya ang taong dapat pagtuunan ko ng oras at panahon. He's not worth it. Alam mo yan 'Ma. Hehehe"

"O, ayun naman pala e. E bakit parang malungkot ka pa din? Dahil ba sa pagkawala ng Sarah G. Live?"

"Aaminin ko po na medyo masama pa din ang loob ko na nawala yung show. Na-enjoy ko po kasi talaga yung show na yun. Kasi malaya po akong nakakakilos and I could express talaga my creativity. At nabigyan po talaga ako ng pagkakataon na magbigay ng sarili kong input sa mga production numbers."

"Alam ko, anak. So yun ba ang dahilan kung bakit malungkot ka pa rin?"

"Hindi naman po. Sabi ko nga po sa inyo, 'Ma, wag na po kayong mag-alala sa akin. Malaki na po ako o. Kayang-kaya ko 'to!"

"Yun nga anak e. Malaki ka na. Siguro natatakot din lang ako na hindi mo na ako o ang Daddy mo kailanganin balang araw."

"Mommy! Ano ka ba? Pwede ba naman yun? Halika nga po dito. Hug nga kita dyan!"

Ang Mommy ko, sume-senti.... Hehehe

"Pero alam mo anak, confident naman ako sa iyo at sa mga magiging desisyon mo. Kasi siguro naman, pinalaki ka namin ng maayos ng Daddy mo. Alam mo na ang tama at mali."

Yun nga, Mommy e. Pinalaki niyo talaga ako ng maayos. Alam na alam ko ang tama at mali. At alam ko na maling-mali ang nararamdaman ko para kay Bamboo. Isang malaking kasalanan pag nagkataon...

"O, anak. Ayan ka na naman. Natulala ka na naman. Malungkot na naman ang mga mata mo. Ano ba talaga ang problema, anak? May maitutulong ba ako?"

"Mommy, ok lang po ako. Promise."

"Sarah Asher, ako pa ba ang lolokohin mo?"

"O, 'Ma! Wag kang ma-high blood!"

"E ikaw naman kasi e. Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?"

"'Ma, bigyan mo po ako ng pagkakataon to sort this out myself. Sa ngayon po kasi, baka hindi niyo maintindihan."

"Paanong hindi ko maiintindihan e nanay mo ako?"

"Kasi Mommy, medyo kumplikado. Gusto ko din sana subukan na i-resolve ito na ako muna."

"Pero anak..."

"Mommy... Sige na po. Pag hindi ko na po kaya o sa tingin ko hindi ko talaga masolusyonan ito, sasabihin ko po sa inyo."

"E ikaw ang bahala anak. Basta tandaan mo, andito lang kami ng Daddy mo ha, sakaling magbago ang isip mo. I trust naman na maaayos mo yan. Pero kung hindi, alam mo na naghihintay lang kami."

"Opo, Mommy. Love you po."

"I love you din, anak."

Ano ba itong ginagawa mo sa akin, Bamboo. Sabi mo, I make you happy. Pero sa sitwasyon natin ngayon, you make me sad. You make me very sad... 😢

Down The LineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora