Chapter 5

86.6K 2.6K 201
                                    

"WHAT'S HAPPENING?!" Nagpa-panic na sigaw ko mula dito sa loob.

"HUBBY! PREMIER? AMO-" Then someone covered my mouth. The heck? Ang alat!

Nagpupumiglas ako pero nanlamig ang buong katawan ko ng makaramdam ako ng matigas na bagay na tumusok sa tagiliran ko. Fvck. It's a gun! "Mananahimik ka o pamilya mo ang papatayin ko?" Ugh! No choice. Hindi na ko nagpumiglas pa.

Hinatak niya ko papasok ng bahay, sa labas kase makikita mo ang napakalaking apoy. Jusko. Sila Zach!

"Nasan ang back door dito?" Tanong nung may hawak sa bibig ko. Talino din nito e no? Paano kaya ako makakasagot kung may takip yung bibig ko? "Hindi ka ba marunong sumagot?" Ay matalino nga.

Nagkakawag ako. "Ano ba wag ka ngang malikot! Gusto mo bang barilin kita?" Ay naloko na. "Saan nga?"

"Hmmmm." Pinilit kong magsalita pero di talaga maintindihan e.

"Alam mo maganda ka. Pwede naman siguro kitang tikman no?" Aba't gago to ah! Pinilit ko siyang sipain. Natamaan ko ng bahagya yung iniingatan niya pero alam kong hindi ganun kasakit yun. Nagkulang kase ako ng pwersa. "Ayos ka a!" Itinutok niya sa ulo ko yung baril. "Gusto mo bang patayin na kita ha?!" Hell. No please. "Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil pinapatagal ko pa buhay mo e." Hinatak niya yung buhok ko dahilan para mawala yung takip ng bibig ko.

"Bading ka siguro no? Bakit hindi mo na lang ako barilin ha? Nananabunot ka pa diyan!"

"Ayusin mo yang pakikipag-usap mo sakin ha! TANDAAN MO. HAWAK KO ANG BUHAY MO NGAYON."

"Talaga? Buhok ko kaya ang hawak mo. Gagong to."

"Ang angas mo ha! Sino bang ipinagmamalaki mo ha?"

"Wala! Sarili ko. Bakit?" Matapang na sabi ko.

Akmang susuntukin niya ko ng

"Don't you dare hurt my wifey asshole." Maawtoridad at nakakatakot na sabi ng asawa ko.

"M-mr. Dawson.." Uh-oh. Takot na takot to a.

"Kilala mo naman pala ko e. I guess hinahanap mo na talaga ang kamatayan mo."

"P-patawarin-"

"Forgiveness is not in my vocabulary. Turn around."

"Bakit po?" Nanginginig na tanong nito.

"I. Said. Turn. Around." Natatarantang tumalikod samin yung lalaki. "RUN." Nagtatakbo agad yung lalaki pero bigla siyang nabunggo! Woah. May invisible glass door pala dun? Ehmehgehd. "Pinapatakas na kita. Ayaw mo pa?"

"May harang po!" Nginisihan lang siya ni Zach tsaka kami tumalikod. May pinindot si Zach sa maliit na remote na hawak niya. Para san kaya yun?

Napalingon ako ulit dun sa lalaki and I saw him aiming his gun towards us! "ZACH!" And next thing I knew nag-bounce back yung bala at tumama sa kanya.

"WOW!" Namamanghang sabi ko. "Paano nangyare yun?"

"It's magic wifey."

"Turuan mo ko!!"

Ginulo niya yung buhok ko. "Next time." Nilapit niya yung mukha niya sakin. Akala ko hahalikan niya ko pero-"After three, umupo ka okay?"

"Ha?"

"THREE!" Tsaka niya ko pinilit lumuhod.

Napakapit ako sa legs ni Zach. Shemay! Andami pa palang kalaban at mag-isa niya lang tong kinakalaban. Ipipikit ko na lang sana ang mga mata ko ng may mahagip akong tao sa likuran ni Zach.

No way! Hindi niya pwedeng barilin asawa ko no. I easily grabbed Zach's extra gun on his pocket and shoot that guy. Ha! Akala mo ha. Nagtalikuran na din kami at pinagbabaril lahat ng mga kalaban na nakikita namin.

After ilang minutes, wala ka ng maririnig na putok ng baril. Hinipan ko yung baril na gamit ko pagkaharap ko kay Zach.

"Namiss mo atang bumaril ah?" Inakbayan ako ni Zach.

"Oo nga e. Mukhang kinakailangan ko na atang maghasa ulit." Natahimik siya. "Can I practice again?"

"No." Mabilis na sagot niya.

"But Zach-"

"I said no Keisha."

"Zach-"

"It's a no wifey. I can still protect you okay? As long as I'm alive, I promise to take care of you." Tumango na lang ako.

"Kamusta pala sila? Nasan sila?"

"They are safe now wifey. You don't have to worry anymore." I nodded. He kissed me on my forehead.

"Teka nga. Ano bang nangyare?"

"My car exploded."

"WHAT?! Wala bang nasaktan?!"

"Relax. Nung pasakay na sila sa sasakyan, I saw a timer sa ilalim ng sasakyan so I decided to use Kane's car instead. Babalikan na sana kita dito but biglang sumabog yung sasakyan ko. Natagalan pa nga ako dahil ayaw pang tumahan ni Sachel."

"Sila pa rin ba ang may kagagawan nito?"

"I guess so." Naglakad na kami palabas.

"So what's our plan? Anong gagawin natin?"

"Why don't we have a date first?" He said and smiled.

MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon