Chapter 18

70.5K 2K 133
                                    

"Girl. Asan si birthday girl? Ibibigay ko sana tong gift ko e."

"Kasama ni Jessy, Pia. Magiikot-ikot daw muna sila." Napatigil naman siya at tumitig lang sakin. "Bakit?" I asked innocently.

"Alam kong kaibigan mo siya Keisha pero eto payong kaibigan lang din, ang pamilya mo ay napakalaking bahagi ng mafia world. Imagine your husband is the mafia boss. Palagi kayong may kaakibat na kapahamakan. Ni hindi mo na nga malaman kung sino ang kalaban mo sa dami ng gustong mabura kayo. Kaya isa lang ang payo ko sayo, hindi kahit kaibigan mo na, ibibigay mo na ng buong-buo yung tiwala mo."

"Pwede bang diretsuhin mo na ko?"

"I don't trust Jessy. I know she's your friend so sorry pero I just want you to know na I don't trust her." Sabi nito. "Osiya pag-isipan mo yang sinabi ko ha? Mag-swimming muna kami ni Blake. Babush!''

Bakit ba halos lahat na lang ata ng nakapaligid sakin, ayaw kay Jessy. Hindi ko ba siya dapat pagkatiwalaan? But she's my friend, right?

***

"Hubby. Mauna ka na sa baba." Niyakap niya naman ako mula sa likod. Nag-aayos kase ako ng damit ng mga bata e. Dadalan ko sila ng mga bathrobe.

"Hmmm. Di ba pwedeng sabay na lang tayo?" He asked.

"Nako Zachary ha. Tigil-tigilan mo muna ko diyan. Baka mamaya si Angelique naman ang makakita satin. Nakakahiya na yun."

"Ano naman nakakahiya dun wifey? Mag-asawa naman na tayo a."

"Heh! Not now hubby. Inaantay na tayo ng mga bata sa baba."

"Oh edi tara na." Aya na naman niya. "Baba na tayo."

"May ginagawa pa po ako." Sabi ko naman. Bakit ba ang kulit nito? Tsk.

"Edi tutulungan na kita."

"Zachary wag ka ng makulit ha. Bumaba ka na dun. Baka magtampo ang mga bata. You promised them na tuturuan mo silang mag-swimming."

"Opo. Opo. Bababa na po mahal na reyna. Basta sunod ka na lang ha?" Kiniss niya pa ko sa noo.

"Opo hubby. Baba na dun. Sunod agad ako."

Minadali ko ng ayusin yung mga ibababa kong gamit. Towels, bathrobe, at mga lotion.

Okay. All set. Ready to go down. Kala mo layo ng pupuntahan e no? Sa baba lang naman. Hihi.

"Nagawa mo na ba yung mga pinapagawa ko sayo?" Nasa may hagdan na ko ng may marinig akong nagsalita. I remained silent at nakinig sa nag-uusap. Alam kong mali to pero ewan ko ba. Instinct ang nagtutulak sakin na makinig. "Good. Gusto ko maayos ang pagliligpit niyo ha. Ayoko na ng sagabal."

Boses ni Jessy yun ah? I don't know pero parang may mali sa pakikipag-usap niya.

"Sabihin mo kay Chua, siya muna ang bahala sa mga transactions." Sino kaya si Mr. Chua?

Dumiretso na ko ng lakad pababa baka sabihin naman niya todo pakinig ako sa usapan nila e.

"Oh K-Keisha.. Kanina ka pa?" She asked while stummering.

"Ah. Di naman masyado. Sino si Chua? Boyfriend mo?" Pang-iintriga ko sa kanya.

"Ha? Ah hindi. Officemate ko. May client kase kaming bago. Eh siya ang toka sa presentation."

"Ay ganun? Sana makuha niyo. Dagdag kita din yun." Sabi ko naman sa kanya. "Btw, anong dapat ligpitin?" Nakita kong parang nag-panic ang itsura niya. What's wrong?

"Ah. Ano.. yung.. yung opisina ko. Ipinapaligpit ko secretary ko.''

"Ikaw ha. Big time ka na talaga."

"Hindi naman. Mas big time kayo ng asawa mo." Tumawa pa siya. "Una na ko sa labas ha." Tumango na lang ako.

Bakit parang kinakabahan siya ng matanong ko yun? Parang may kakaiba na sa kanya.

Ano ba talagang meron?

Something's weird.

Kilala pa nga ba talaga kita Jessy?

Are you still the old friend of mine?

Sino ka na nga ba talaga?

***

Updated! :) Good night everyone. Keep safe! ♡♡♡

MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon