Chapter 21

70.1K 1.8K 73
                                    

"Fvck!"

"Hubby ano ba. Kumalma ka nga. Tinatakot mo yung mga bata e!" Napatingin siya sa umiiyak naming anak.

"S-sorry. It's just that tatlong tao ko na ang nawawala."

"Dad I can't contact them. I also tried to locate their rings but there's still no response." Report ng kakapasok ko lang na panganay.

"Sino bang may pakana nito hubby?" Hindi siya kumibo. "Natatakot ako hubby.. natatakot ako..."

Nilapitan niya ko at niyakap. "Shhhh. Everything will be fine love. I promise you."

"Okay lang sana kung ako ang mapahamak e. Paano na lang kung yung mga anak natin yung mapahamak?" Umiiyak na tanong ko.

"Walang mangyayareng masama sayo at sa mga anak natin okay? I will always protect you no matter what happen."

I remained silent. Bakit ba ganito? I understand that this is his world. This is our world pero bakit ba parang wala ng katapusan yung nangyayare. Andaming gustong magpapatay sa amin.

"MOMMY! MOM! DAD!" Nagsisigawan at nag-iiyakang pumasok dito sa kwarto si Sachel at Amour.

''What happened?" Agad na tanong ng daddy nila.

''Ther-there's blood!" Nanginginig na sabi ni Sachel.

"Saan? Kanino galing?!"

"Sa.. sa may labas.." Si Amour man ay halatang takot sa nakita.

Binuhat sila ni Zach at pinatahan.

"Hubby. Go check it first. Papatulugin ko muna silang dalawa." Inihiga niya muna sa kama ang dalawa.

Madali ko naman silang napatulog. Sinugurado ko munang sarado ang mga bintana bago ako sumunod sa baba. Pagbaba ko ay nagkakagulo silang lahat.

"Anong nangyare?"

"Mom!" Agad na yumakap sakin si Angelique. Tumingin ako sa kanila pero nag-iwas lang sila ng tingin. "What happened?"

Walang kumibo sa kanila. Lahat sila nag-iwas lang ng tingin kaya kay Pia ako tumingin. "Pia?"

Tumingin siya sakin ng may takot sa mga mata.

"Ano bang nangyare?"

"S-si.. si Chris.. nasa ospital."

"Ha? Bakit?!"

"We saw him outside. Duguan siya dahil sa tama ng baril."

"Ano?! Pati ba naman si Chris? Wala bang nakakita sa gumawa nito?"

"Wala. Nagluluto ako sa kusina kanina. Si Blake naman may inaasikaso."

Napahawak ako sa ulo ko. Inikot ko yung paningin ko. "Where's Zach?"

"Umalis agad e. Inutusan niya lang si Blake na dalin sa ospital si Chris tapos nagmadali ng umalis." Sabi ni tita Mean.

"Eh si Premier ho? Sumama din sa ospital?"

"Aba'y hindi. Si Blake lang naman ang umalis e."

"Ha? Eh asan ho yun?"

"Aba'y hindi ko napansin Keisha." Nag-aalalang sabi niya.

Tinawagan ko yung cellphone nila ni Zach pero walang sumasagot. Shems. Kinakabahan ako a.

"Teka hahanapin ko muna si Premier." Pinahiga ko muna si Angelique sa sofa. "Dito ka muna baby. Aalis lang si mommy saglit ha?"

MARRIED TO A MAFIA BOSS(Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon