Chapter 22

2.6K 76 8
                                    

Nakaupo ako sa ilalim ng puno at nanunuod sa laro ng mga kaklase ko dito sa open field. PE ang klase namin ngayon pero hindi ako naglalaro volleyball ang nilalaro ng mga babae at basketball naman sa mga lalaki. Nakita ko si Zion na naglalakad palapit saakin. Simula ng nalaman nyang aalis na ako palagi na syang nakadikit saakin. Yung tuwing may free time kami lagi syang sumasama saamin sa recess at lunch sumasabay sya, tuwing uwian aayain nya akong kumain sa labas o magstay muna dito sa school. Ang weir nya lang hindi naman sya kasi ganoon kadikit saakin. Close naman kami kaya hinahayaan ko nalang sya.

"Bakit hindi ka naglalaro?" Tanong saakin ni Zion at umupo sa tabi ko.

"Hindi naman ako marunong." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa mga kaklase namin.

"Aalis ka talaga?" Tanong nya saakin kaya napatingin ako sakanya. Araw araw yata tinatanong nya saakin yun.

"Oo. Bakit ayaw mo kong umalis?" Tanong ko sakanya. Sa tingin ko kasi sa ginagawa nya at sa pagtatanong nya parang ayaw nya akong umalis.

"Oo, ayoko." Sabi ni Zion. Napakastraight forward nya talaga tao. Kung anong gusto nyang sabihin sasabihin nya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Basta ayoko...gusto ko palagi kitang nakikita." Sabi ni Zion. Hindi ako nagulat sa sinabi nya sanay na akong ganyan si Zion. Sweet na tao rin kasi yan kahit na binibwisit nya ako sa mga kalokohan na ginagawa nya saakin.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Ano ba sa tingin mo?" Inis na tanong ni Zion saakin. Ang sungit talaga ng mga tao lalo na kapag tinatanong.

"Ewan ko sa'yo ikaw tong ayaw akong umalis syempre may sarili kang dahilan." Sabi ko sakanya.

"Paano si Shawn diba crush mo yon? Baka mabaliw ka kapag hindi mo sya nakita sa loob ng isang araw kaya mas maganda dito ka nalang." Sabi ni Zion na ikinatawa ko naman. Nakakatawa kasi yung sinasabi nya dinahilan nya pa si Shawn halata naman na may halong pait ang pagkakasabi nya sa pangalan ni Shawn. Ewan ko ba sakanilang dalawa kung bakit hindi sila okay.

"OA mo naman sa mababaliw, mamimiss ko lang sya ng sobra." Sabi ko sakanya.

"Bakit ba gustong gusto mo si Shawn? Ni wala nga yatang interest sa babae yon eh." Sabi ni Zion saakin. Binatukan ko sya.

"Grabe ka naman." Sabi ko sakanya. Inilingan nya lang ako.

"Ang manhid mo talagang babae ka. Ewan ko sayo." Sabi ni Zion at tumayo. Naglakad na sya paalis sa pwesto ko. Nagkibit balikat nalang ako.

Tumayo ako at naglakad paalis ng school field. Papasok muna ako ng school building magccr muna ako. Pagpasok ko ng school building nakasalubong ko iyong dalawang babae na kinaiinisan ko noong Mr and Ms August tuwing nakakasalubong ko sila palagi nila akong pinaparinggan. Hindi ko alam kung anong problema nila saakin.

"Feeling maganda talaga." Narinig kong sabi nung isa.

Napailing nalang ako. Hindi ko sila pinansin tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan sila. Lumiko ako pagkatapos ay pumasok sa loob ng cr dumiretso ako sa isang cubicle. Habang nasa loob ako may kumatok ng malakas sa pinto ng cubicle kung saan ako pumasok.

"Hoy lumabas ka dyan." Sabi ng nasa labas ng pinto. Bumuntong hininga ako. Yung dalawang babae yon panigurado. Sinundan talaga nila ako. Ano kayang kailangan nilang dalawa saakin?

Finlash ko ang toilet at lumabas. Pagbukas ko nadatnan kong nakahalukipkip silang dalawa at masamang nakatingin saakin.

"Bakit?" Tanong ko sakanilang dalawa.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon