Chapter 31

2.5K 100 26
                                    


"Ride tayo there oh." Turo ni Kevin sa rio grande. Nasa loob na kami ng EK excited na kaming mag gala dito.

"May dala ba kayong pamalit?" Tanong ni Jasper.

"Oo naman!" Sabay na sagot namin nila Jaila at Kevin. Tumawa naman sila Nathalie at Jasper si Shawn at Zion naman napailing lang.

Naalala ko na naman yung sinabi nya kanina! Jusko kinilig ako ng bongga dun. Mahalaga daw yung nagbigay. Tinanong ko pa ulit sya kanina kung tama yung narinig ko sinungitan lang ako pero malinaw ang narinig ko. Mahalaga ako sakanya!

Pumila na kami sa rio grande medyo mahaba ang pila dahil nakapila din yung ibang schoolmates namin. Nung malapit na kaming sumakay hindi namin mapigilan na hindi tumili nakaka excite kasi. Nung nakasakay na kami tumabi ako kay Shawn. Katabi ko sya sa kaliwa sa kanan ko naman si Zion katabi naman ni Jasper si Jaila tapos si Kevin at Nathalie paikot yung pwesto namin.

Nung umandar na hindi talaga namin maiwasan na hindi tumili tuwing bumabangga iyong sinasakyan namin. Nagtakip pa nga ng tenga sila Jasper, Zion at Shawn apat kaming sumisigaw ako, si Jaila, Nathalie at Kevin pero mas malakas ang sigaw ni Kevin. Nakailang bangga kami medyo nababasa kami kapag tuwing bumabangga.

"Whaaa!" Sigaw ko nung nabasa ako sa falls! Bakit saakin tumapat? Nabasa rin sila Shawn at Zion.

"Magpalit muna tayo bago tayo sumakay sa ibang rides." Sabi ni Jasper. Tumango naman kami.

Lumabas kami ng EK at nagpunta sa bus para kumuha ng damit. Sa bus na kami nagpalit wala naman ibang tao pagkayaring magpalit nila Jasper, Zion, Kevin at Shawn lumabas sila ng bus kaya makakapagpalit kami niladlad namin yung bintana para hindi kami masilipan. Pagkapalit namin lumabas na kami ng bus at pumasok ulit sa loob ng EK.

"Tara horror house?" Tanong ni Jasper habang naglalakad kami.

"Sige ba!" Sagot namin ni Kevin sakanya.

"Whoa tapang nyo ah?" Natatawang sabi ni Jasper. Hindi kami takot sa horror house nung bata kasi kami ni Kevin madalas kaming nagpupunta sa perya pumapasok kami sa mga horror house at horror train.

"Hindi naman nakakatakot yan." Sabi ko sakanila. Tinignan ko si Shawn nakakunot noo syang nakatingin saakin nginitian ko naman sya inirapan lang ako.

"Talaga lang ha?" Tanong ni Jasper tumago naman ako.

Hinila nya ako papunta sa horror house pinakita lang namin yung ticket na nakalagay sa pulsuhan namin.

"Oh mauna kayong dalawa tutal hindi kayo takot." Sani ni Jasper saamin ni Kevin.

"Okay." Sabi namin ni Kevin.

Binuksan namin yung pinto pagpasok namin madilim. Nauuna kaming dalawa maglakad ni Kevin nakasunod samin si Jasper, Jaila, Nathalie, Zion at Shawn. Sila Jaila at Nathalie mukhang takot talaga dahil todo dikit sila kay Jasper, Zion at Shawn hindi naman ako nagselos kay Nathalie dahil alam kong magpinsan sila.

Nung nasa bandang gitna na kami ng horror house huminto muna kami sa paglalakad ni Kevin dahil nasa tulay kami. Naglakad na ulit kami may mga tunog kaming naririnig hindi naman ako natatakot sa mga bagay na bigla bigla nalang susulpot nagugulat lang kami ni Kevin tumatawa pa nga kami eh sila Jaila naman hindi na maipinta ang mukha sa sobrang takot nila pinagtatawanan lang namin sila ni Kevin.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon