Chapter 22

3.4K 110 7
                                    

Chapter 22

Padabog akong magmarcha palabas ng kwartong 'yun. Binagsak ko ang pinto pagkatapos ay pumasok sa katabing guest room. Hindi ko na pinansin ang ganda ng kwartong ito at diretsyo kong binato ang sarili ko sa kama. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko at naiiyak ako sa frustration. What the hell? Anu ba naman 'tong nararamdaman ko? Sa sobrang pagkainis at pagkairita ko ay parang gusto kong magbasag ng gamit. Damn it!

Nagtalukbong ako ng kumot at binaon ang mukha ko sa unan. Why am I feeling this way? Sobra-sobra ang nararamdaman kong pagkairita kay Russell ngayon. Anu bang kinaiinis ko? Dahil nya ako pinigilan nung sinabi kong dito ako matutulog sa guest room? O dahil pakiramdam ko binabalewala nya ako? Tss!

Sa sobrang frustration ko ay nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Nagising nalang ako sa ilang ulit na pagvibrate ng cellphone ko. Nang makita ko ang orasan ay alas sais na pala ng gabi. Ni, hindi manlang ako nakapagpalit ng damit.

Binalingan ko ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag ng makitang si Alec 'yun.

"Hello?"

"Hi." Lumunok ako ng marinig ang paos nyang boses.

"Oh, Alec. Napatawag ka?"

"Ah, wala naman. Bakit, ayaw mo ba?" malamig na tanung nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit na tumawa.

"Ah. Di naman. Na..nagulat lang kasi ako." Sagot ko.

"Tommorrow start na ng school festival, sasayaw kayo sa opening ceremony hindi ba?"

"Ah. Yes. Why?"

"Manunuod ako. Manuod ka rin ng game namin."

"What game?"

"May basketball game kami. 'Yung mga Business Ad and Med ang kalaban namin."

Suminghap ako at bumangon sa kama.

"Sino-sino kayo?"

"Jacob, Eman, Jake and Russell." Sagot nya.

Parang nanikip ang dibdib ko ng marinig ang huling pangalang binanggit nya. I didn't know na may basketball game pala sila Russell. He didn't tell me.

"Ah. Anung oras ba?"

"After lunch."

"Ah. Okay. I got it. Manunuod ako."

"Also, Uhm. Let's eat lunch together."

"A-ah. Okay."

"See you tomorrow, Cory." Aniya bago binaba ang tawag..

Tinitigan ko ang cellphone ko pagkatapos na pagkatapos ng tawag na 'yun. This seems odd. Ibang-iba ang pakiramdam kapag tinatawagan ako ni Alec. Really odd. Parang dati hinahanap-hanap ko 'to ah. Bakit ngayon parang.. normal nalang?

Binaba ko ang cellphone ko sa kama pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Nasa guest room nga pala ako ngayon. Bakit ko hinahanap si Russell sa tabi ko? Damn. Am I crazy or something? Nasanay na nga ata akong palagi syang katabi. Nasanay na nga ata akong nakayapos sya sa sakin pagtulog hanggang sa pagising sa umaga. Nasanay na nga ata ako sa init nya. Hell! What's wrong with me?

Nang madaan ako sa kanyang kwarto ay nilapitan ko 'yun. Nasa loob lang ba sya at hindi pa lumalabas simula kanina? What if I knock the door and tell him I'm hungry? Ipagluluto nya ba ako?

Mas lumapit pa ako sa pinto pagkatapos ay hinawakan 'yung doorknob. I was about to open it ng kusa itong bumukas para sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatambad sa harapan ko ang bagong ligo at mabangong si Russell. Nagangat ako ng tingin sa kanya. Tumaas ang kilay nya at bahagyang inawang ang kanyang labi.

WickedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang