Chapter 35

3.2K 94 2
                                    

Chapter 35

"Huy!" malakas ang pagkalabit sa akin ni Azariah habang seryoso kong tinititigan ang passport kong itinago ko na sa baul noon pa.

"What?!" banas ko syang tinignan.

"What are you doing? Hindi ka pa ba magaayos ng mga gamit mo? Diba, you promised your Dad na ngayong Sem break ay uuwi ka ng States para magkabakasyon?"

Nagiwas ako ng tingin.

"I..i didn't."

"Tss. Liars go to hell." Aniya at inirapan ako.

"Oo na! Sinabi ko nga 'yun. Syempre, tutuparin ko parin 'yun. Miss ko na rin naman si Daddy." Sabi ko.

"Oh, 'yun naman pala eh. Eh, bakit natutulala ka dyan?" tanung nya

Hindi ako sumagot at sinundan lang sya ng tingin habang magarbong umupo sa tapat ko. Umiksi lalo ang short nya ng dahil doon. She doesn't mind. Umiling nalang ako.

"Uuwi ako. Pero ayaw kong umuwing magisa."

"And? Anung gusto mong sabihin? Na samahan kita? No way. Mahal ang tix pa US no. I better stay here at home chillin'" Aniya.

"Hindi mo ba namimiss iba nating pinsan doon?" tanung ko.

Umiling sya. "Come on, Cory. Sinabi ko ng hindi ako uuwi." Aniya.

"Paanu kong hindi na ako pabalikin?" Nagaalalang tanung ko

"Imposible. Nagaaral ka dito. How come na hindi ka pababalikin ng Dad mo?" Aniya sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko. Start na ng sem break namin ngayon at totoong nangako ako kay Dad na uuwi ako sa US ngayon para makasama naman sya. Pumayag na ako sa alok nya sa akin since gusto ko rin namang malibang pagkatapos ng lahat ng mga nangyari dito sa akin sa Pilipinas gusto ko ring mag unwind kahit na papaano. Pero gusto ko paring bumalik. Hindi ko alam kung bakit. I should have stay there for good. 'yun din naman ang sinabi sa akin ni Daddy. I can stop sa pagaaral ko dito at doon nalang magpatuloy. Siguradong makakalimot ako doon dahil malayo sa kanya at siguradong hindi ko na sya makikita. Pero I can't. Sa likuran ng utak ko, gusto ko paring bumalik. Gusto ko parin syang makita. Damn it.

"In case na pilitin ka ni Tito, sabihin mo nalang na things are getting better between you and Alec now. Alam mo naman 'yun. Botong-boto kay Alec hindi ba? I am sure, if he hear that, papayag sya na pauwiin ka dito with Alec's care." Aniya at kumindat sa akin.

Umiling ako.

"I can't. I can't say that."

"Oh? Why not? Totoo naman ah. Nagkakamabutihan na kayo. Infact, you two are dating. Akala mo ba kindi ko alam 'yung eksena nyo kahapon sa University ha?" Nakangising sabi nya.

Hindi ako sumagot at bumuntong-hininga nalang. Kahapon, Alec asked me if he can court me. Sobra ang kalabog ang dibdib ko sa eksenang ginawa nya sa tapat ng University. Maraming nanunuod at isa na doon si Russell. Nanginginig ako nang dahil sa kaba at pressure na nararamdaman ko. I did not expect that. Isa pa, hindi ko rin akalaing ilalagay ako ni Alec sa ganung klaseng sitwasyon.

"Alec.." bulong ko sa kanya.

Ngumiti sya at inabot sa akin ang bulaklak na hawak nya

"I just wanted to ask you this question Cory. Not just for formality pero gusto ko lang ding magpaalam sayo ng maayos." Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalingan ng tingin ang mga tao sa paligid. I don't know if I can turn him down. I don't want Alec to get hurt at ayaw ko ding mapahiya sya sa harapan ng maraming tao. But, I don't know what to do I can't lie. Hindi ko na kaya. Hindi ko rin pwedeng sabhin sa kanya na 'Oo' dahil alam kung mali. Dahil alam kong sa ngayon, hindi na talaga sya ang laman ng puso ko.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon