Chapter 58

3.4K 95 10
                                    


Chapter 58

"M-manong paandarin nyo na po." Nanginginig na sabi ko.

Dahan-dahang pinaandar na nung driver ung sasakyan at nang lumingon ako at kitang-kita ko parin ang paghabol ni Russell sa likuran. Pinikit ko ang mga mata ko at bumuntong-hininga hanggang sa marinig ko ang matinding kalampag sa likuran.

"Ma'am. Sisirain po ata nung lalaking 'yun ung taxi ko eh." Ani nung driver.

Bumuntong-hininga ako.

"Pakihinto nalang po sandali." Sabi ko.

Hininto nung driver 'yung sasakyan. Kaagad naman akong bumaba. Dinilaan ko ang ibabang labi ko at kaagad kong nakita ko ang paghinto ni Russell sa pagtakbo habang hinihingal na hinarap ako. Binalingan ko sina Az at Alec sa likuran nya at nakita kong nagaalala ang mga mukha nila. Alec look so annoyed at hindi ko sya masisisi. Up until now, I know that he's still mad at Russell.

"Cory.." Hinihingal na sabi ni Russell.

"Bakit mo ba ako hinahabol?" matapang kong tanung

"Where are you going?"

"At anu naman sayo kung saan ako pupunta?" Matapang na sabi ko.

"Where.are.you.going?" matigas nyang tanung.

Lumunok ako.

"I'm going home, Russell."

"Saan? Sa America na naman? Tatakas ka na naman?"

Nagiwas ako ng tingin.

"Pupunta ako nang America dahil doon ako nakatira. That place is my home. At hindi ako tumatakas." Mabilis at matigas na sabi ko.

Umiling-iling sya.

"No. No. I knew it. Tumatakas ka, Cory. You don't have to-" Aniya at akmang lalapitan ako pero umatras ako sa kanya.

"No Russell. Wag kang lumapit. Dyan ka lang."

"Cory please-"

"S-stay where you are, Russell. K-kung hindi ibabato ko sayo 'tong sapatos ko." Nanginginig kong sabi.

"Wait. Wait. Wait. Why do you have to go? You already knew the truth right? Bakit kailangan mo ulit akong iwan?" tanung nya

"So? So what if I already knew the truth?" Tumaas ang kilay ko.

Nakita ko ang paglaglag ng panga nya ng dahil doon.

"Eh, diba.. diba ito 'yung gusto mo.. Ito yung-" Naguguluhan syang tumingin sa akin. "Ito 'yung matagal mo nang hinihiling sa akin? Right? Ngayon, bakit? Why do you have to leave me again?" Aniya.

Pinagmasdan ko sya at nakita ko ang pagpula ng kanyang mga mata.

"Oo. Noon. All I ever wanted was you at gusto kong maalis si Angel sa eksena. But time passed and I moved on. One day, I just woke up and I just realized na ayaw ko na."

Sarkastiko syang tumawa at umiling.

"That's a lie."

Ngumisi ako.

"Oh? How can you be so sure?" Sabi ko at tinalikuran sya.

Nagulat ako ng kaagad nyang hinablot nya ang kamay ko.

"Mahal mo ako diba?" Puno ng pagasang tanung nya.

"Noon?"

"Tang- Cory naman! Tama na ang habulan! I am tired."

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon