Prequel

298 25 30
                                    

***

(Background music: Canon by Johan Pachelbel. You can click the video provided for the said music. :) Enjoy!)

***

Solemn ivory keys and dense onyx emotions choir upon the space in the building envelope. Chandeliers danced with every tune as lights flickered a smile of admiration. And all was just another world created by music.

Maang na pinagmasdan niya ang lalaking nakaupo sa harapan ng piano habang inaantay na matapos ang prelude nito. Nakapikit ang binata habang nakangiting tumutugtog, na para bang may sariling buhay ang mga daliri sa pagkanta ng mga nota.

Ilang sandali pa ay sinabayan na niya ito sa pagtugtog ng Canon by Johan Pachelbel gamit ang violin sa mga kamay niya. A smile automatically painted his lips with such enthusiasm as the mellow vibrations of his strings waltzed with the piano keys.

In music, he was able to create his own world. The world whence everything was according to the way he liked things to be-- according to how his heart beats, according to how his brain dreams, according to how his soul travels. The world where rusty metals were gold and ordinary rocks were diamonds. And raindrops were a liquid which was meant to heal every wound, every heartache, every disturbing thought...

Sa mundo kung saan niya laging nakikita ang magandang mukha ng babaeng pinakamamahal niya. Sa mundo kung saan niya naririnig ang nakabibighani nitong boses...

Napatingin siyang muli sa lalaking tumutugtog ng grand piano. Nakapikit at nakangiti pa rin ito habang patuloy ang mga kamay sa pagsayaw. Tinatangay pa rin ng musika.

Hindi man nito sabihin sa kaniyakung ano ang iniisip, alam niya kung ano... alam niya kung sino. Dahil maging siya ay ito rin ang nasa isip. Sapagkat noon pa ma'y iisang babae na ang laman ng kanilang puso.

"So, you're going to court her?" naglakas-loob na tanong niya rito. Alam naman niya ang isasagot nito. Subalit nais pa rin niya itong marinig galing mismo rito.

Iminulat nito ang mga mata at matamis na ngumiti sa kaniya. "I'm gonna make her mine," kompiyansang sagot ng binata.

Kumirot ang puso niya sa narinig. Sa dinami-rami ng pagkakapareho nila ng kapatid, bakit hanggang sa babaeng mamahalin ay pareho pa rin? Ayaw niya itong masaktan ngunit hindi niya alam kung kaya ba niyang isuko ang babaeng pinakamamahal niya para rito.

"You're going to court her?" balik tanong nito sa kaniya.

Liligawan nga ba niya ito? Kaya ba niyang kalabanin ang kakambal niya? Kayakayanin ba niya itong saktan? O, mas kakayanin niyang magparaya na lamang?

"Maybe," he plainly answered, closing his eyes once more to focus on his music. Music never failed to make him feel like flying, free to swim through the skies and reach every destination that his soul yearns to discover. And then his heart would dance with the rhythm. While his mind would sing with the vibrations of his violin strings... And his spirit would be lost in the space between the diatonic scales.

Muling sumagi sa isipan niya tanong ng kapatid tungkol sa panliligaw. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang instrumento. Hindi niya alam. Hindi niya alam kung kaya ba niyang saktan ang kakambal. Sa lahat ng bagay, ito ang kasama niya. Sa lahat ng oras, ang kapatid ang nakakaintindi sa kaniya. Sa lahat ng pagkakataon, ang kakambal ang sumasalo sa kaniya. Alam niya matutuwa ito kung magpaparaya siya. Pero paano naman siya? Paano naman iyong puso niya? Paano naman iyong nararamdaman niya?

Sa isip ay ang napakagandang ngiti ng babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso. Mahal niya ito-- mahal na mahal. 

"Hey!" Napatingin naman siya sa kapatid. Ganoon pa rin ang ayos nito, nakapikit habang tumutugtog. "May the best man win," saad nito sabay tingin sa kaniya at ngumiti.

Napangiti na rin siya. Oo, marami silang pagkakapareho. Halos sa lahat ng bagay ay pareho sila ng gusto. Pero madami rin silang pagkakaiba at alam nila iyon pareho. Pumikit siya at nanalangin na sana isang araw, masabi rin ng mga tao kung sino ang sino kanilang dalawa, na hindi sila iisang tao lang.

'Yon marahil ang dahilan kaya nila siya nagustuhan. Unang tingin pa lamang ng babae sa kanila, kilala nito agad kung sino ang sino. Hindi niya alam kung pano nito iyon nagagawa. Pero hindi rin niya maitatangging masaya siya dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo, mayroong kahit isa manlang na nakaalam ng katauhan niya. 'Yong tipong hindi siya pinagkakamalan na ibang tao. 

Muli siyang napatingin sa kapatid. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa oras na bumalik na sila sa Pilipinas. Isa lang ang alam niya: Hindi niya ito kayang saktan.

Sa pagpikit ay ang mukhang sa isipan na lamang niya makakasama. Kumirot ang kaniyang dibdib sa pagkasilay ng mga ngiti nito. Sa pagpikit ay siya ring paglandas ng likido ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga pisngi.

And the least thing he can do to comfort himself was to travel-- travel to where music wanted him to be...

***

Soulmate, Dream guy, or Knight in Shining Armour?
Written by Demigodwithacoffee

[A/N: A little bit of a cliche but, what can I say, life is a cliche. Let me just see if I would be able to make this cliche interesting...]

Soulmate, Dream guy, or Knight in shining armor (Tag-Lish)Where stories live. Discover now