II: Nightshift

29 2 0
                                    

"It's an unexplainable feeling, an expression. It's a touch, it's a feel. Once you feel it, it's like no other thing in the world." - Snoop Dogg on love

"Annyeonghaseyo, here's your order, Ma'am," magalang na sabi ko habang inaabot ang order na kape ng isa kong costumer.

"Kamsahamnida unnie," nakangiting sagot naman ng babaeng mas bata sa akin. Nginitian ko lang siya at saka tumungo muli sa counter. Nakangiti pa rin ako kahit walang dahilan. Siguro...alam ko na na may mangyayaring maganda sa akin ngayon? Ewan, hindi rin ako sure. Wala naman akong psychic ability para ma-detect kung ano ang mangyayari. Pero kanina pa talaga ako may nararamdamang kakaiba... Lalo na't minulto ako ni Mr. Kang. Pero imbis na matakot, gumanda pa ang mood ko. Ewan ko ba! Kanina takit na takot ako ta's later on nasa mood na naman ako. Maging ako nalilito sa pinaggagagawa ng katawan ko.

"Seems like someone's in a good mood today. Did you see your crush?" sita ng kasamahan kong crew, si Friscca. Isa siyang Myanmarese kaya may accent ang pagsasalita niya. Hindi rin naman kami close, kahit na magkasing-edad lang kami. Pero dahil kinausap niya ako, edi kakausapin ko na rin siya.

"No," papansin na sabi ko na feeling mo naman fluent sa English. "I'm just in the good mood today. I don't even know why. I think I'm going crazy," dagdag ko at saka nagflip ng hair at inihanda ang order ng isang costumer.

Napansin ko na parang tinititigan niya ako kaya nilingon ko siya.

"What? What is that perplexed look in your face?"

"Huh? Nothing," sambit niya at saka inasikaso na rin ang ibang costumers.

Nagtratrabaho ako bilang isang cashier, at the same time waitress kapag may absent akong crew mate, dito sa isang cafe sa Seoul. Nightshift ang trabaho ko dito. Part-time job ko 'to habang mag-isa ko lang dito sa South Korea. Actually, binibigyan naman ako ng allowance ng mga magulang ko, pero gusto kong makapag-ipon para ma-susprise ko ang Kuya ko sa pagbisita niya dito. Sakto kasi na birthday niya doon. Baligtad nga na siya ang pupunta dito at hindi ako ang pupunta sa kanya.

"Juliana, can you give this this to the costumer at table 6? Sir is calling me," tawag sa akin ni Friscca kaya tumango ako at naglakad patungo sa table six.

Saktong makakalampas na sana ako sa counter nang biglang humangin nang malakas, tapos malamig. Nagtaka ako, airconditioned naman ang cafe na 'to, kaya bakit hahangin?

Na-realize ko na bumukas pala ang pinto. Pero ang mas nakapagtataka ay bumukas lang ito---steady lang kahit wala namang pumapasok na costumer.

Nataranta ako bigla. Hindi kaya, multo ang may gawa no'n? Malapit pa namang mag-midnight. At wala pang security guard itong cafè. Tatawagin ko na sana si Friscca nang may isang lalaking pumasok sa pinto at siya na mismo ang nagsara nito.

Napansin kong nag-react lahat ng costumers at napatingin sa pinto. Ang iba ay nagbulungan, 'yung iba naman, hindi ko maipaliwanag ang nasa mukha nila; tapos 'yung iba, gulat na gulat na nakatingin sa pinto.

Parang ako.

Shemay. Bakit ang gwapo naman ng lalaking 'to. Naka-jacket siya ng grey at black tapos magulo ang buhok niya. Maputi siya tapos medyo singkit. Ang tangos rin ng ilong niya at ang pula ng labi. Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa umupo siya sa huling table.

At bakit ko siya nadedescribe nang ganito?

Kasi nakatulala lang ako sa kanya kanina.

"Miseu! nae sunseoneun bolyu jung-ibnida!" sigaw ng isang costumer na mukhang natataranta na kaya naman kahit hindi ko siya maintindihan, sinabi ko lang kung ano ang alam kong sabihin at tumakbo papunta sa table niya. Mag-iisang taon pa lang ako dito, at kakaunti pa lang ang alam kong phrases!

ExspiravitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon