IV: Phone Number

17 0 2
                                    

"Honestly, I get jealous whenever you give someone the attention I want from you." ---Anonymous

***

"So, I'm Caleb, I guess. Don't worry, I came. I was actually looking for you, too."

Gulat na gulat akong napatingin sa tabi ko. What did I just hear?!

So...does that mean, na ang aswang/cannibal na nasa tabi ko ngayon---I mean, ang inaakala kong aswang o cannibal na nasa tabi ko ngayon---ay si Caleb?

Nabitawan ko tuloy ang hawak kong trashbag sa sobrang bigla. SI CALEB NGA! Kinurot ko ang sarili ko para masiguradong hindi ako nananaginip. Basta, nanlalaki ang mga mata ko habang tinititigan siya ngayon. At nakatitig rin siya sa akin na para bang nagtataka! Siguro takang-taka na siya kung bakit ganito ang hitsura ko ngayon. Hindi ako makapagsalita! Basta nakanganga lang ako at namumula!

Waaaah! Nasabi ko tuloy sa kanya ang pinakatatago kong sikreto na nabuo lamang kagabi! Mabuti na lang at hindi ako nadulas at napaamin bigla sa kanya na crush ko siya!

Sa sobrang gulat ko, bigla akong nahilo at nahimatay.

Pero siyempre kunwari lang 'yun at hindi totoo. Titingnan ko lang kung hindi ba siya doppelgänger o ano. Kasi baka multo lang 'to na nanggagaya kay Caleb para makuha ako! Oo alam kong napaka-tanga naman ng isang multo para magustuhan ako pero posible 'yun! Kahit medyo hindi malinaw ang dahilan ko kung bakit malalaman ng isang multo na crush ko si Caleb...

Akala ko babagsak lang ako sa sahig at saka tatawa itong nanggagaya kay Caleb tapos babalik na siya sa nakakatakot niyang anyo. Pagkatapos nun bubuhatin niya ako at dadalhin sa lungga niya! Tapos pagpiye-piyestahan ako ng mga kasamahan niyang multo o cannibal! Tapos ililigtas ako ng totoong Caleb tapos--

Pero nawala lahat ng imahinasyon ko dahil sinalo ako ni Caleb.

"Are you all right?"

"Huwaaaa!" Napamulat agad ako at napatayo. "Caleb?! I-ikaw ba talaga 'yan?!"

Tiningnan niya lang ako na para bang nalilito.

"I mean, Caleb, is that really you?! Are you not a cannibal, a ghost, a doppelgänger or an aswang?!"

"Why would I be a..."

"A-ah..." Ngayong confirmed na na si Caleb itong kaharap ko, mas lalo akong namula. Nakakahiya! 'Yung mga pinagsasasabi ko pa sa kanya, masyadong bastos at NAKAKAHIYA! Pero paano niya ako nakikala?!

Malamang Juliana nakita ka niya kagabi.

Bakit late siyang dumating?!

E bakit ikaw 'di ba late. 'Wag kang feeler hindi ikaw ang gumagawa ng schedule niya. Malay mo may assignment din. Kaso siya, ginawa niya; ikaw, hindi. Tsaka ayaw mo 'yun, dumating pa rin siya.

At bakit niya ako sinundan dito?!

E kasi malamang--ay ewan ko Dre, tanungin mo.

Matapos akong makipagtalo sa sarili ko sa ulo ko, tumingala ako para makita ulit siya. Akala ko nawala siya sa harapan ko kaya natakot ako. 'Yun pala pumunta siya sa likod ko para pulutin ang garbage bag.

"You haven't thrown everything yet," walang emosyong sabi niya at saka itinapon ang mga natitirang laman ng garbage bag sa iisang garbage can din nang hindi nagse-segregate. Ginaya niya ako! OMG!

"W-why d-did you follow me, anyway?" nauutal na tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay sa likod ng damit ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya pero siya, kanina pa ako tinitingnan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ExspiravitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon