III (part two): I miss Caleb!

17 0 0
                                    

"If you don't think every day is a good day, just try missing one." --Cavett Robert

Nagmamadali akong naglakad sa madidilim na kalye papunta sa cafe na pinagtratrabahuan ko. Nakakainis naman kasi, wala na akong makitang taxi kaya napilitan akong maglakad mula sa dorm ko hanggang doon. 'Doon' kasi hindi pa ako nakakarating! At natatakot na ako! Seriously! Promise!

Bukod sa madilim, baka may rapist dito! Baka may biglang humigit sa akin at pagsamantalahan ako. Alam kong medyo chubby ako pero kahit na!

At isa pang possibility...baka makakita ako ng...

"...you can have the ability to see creatures that are..."

Naalala ko ang sinabi ni Saichi. Creatures. Yeah, creatures. Paano kung ang mga sinasabi niyang creatures ay iyong mga nakakatakot? Mga multo, ganun? Tugmang-tugma pa naman sa mganararamdaman ko ang mga signs na sinabi niya kapag may third eye ka.

Hindi naman sa naga-assume ako na may third eye ako. E kasi nga...

Unang-una, nakita ko ang multo ni Mr. Kang. Bago iyon, may mga nakikita din akong parang mga nakatayo sa loob ng mga cubicle sa CR simula pa noong grade 10 ako, pero kapag kakatok ako o magtatangka akong pasukin iyon, walang tao! At sinasarili ko lang lahat nang iyon dahil baka guni-guni ko lang. At one time when I was Grade 9---

Hindi ko namalayan na bumagal pala ang paglalakad ko simula nang maisip ko iyon. At ang ikinatigil ko ay dahil may narinig akong parang yapak ng mga paa sa likuran ko.

Oh em gee... Hindi kaya, isa na naman 'yon sa mga multo na nakikita ko?!

Kasi...POSIBLE na may third eye ako! Kasi kanina, sobrang sakit talaga ng ulo ko, pagkagising pa lang. Tapos hilong-hilo pa ako. Hindi ko maintindihan ang lahat ng naririnig ko kaninang umaga. Tapos umiikot pa ang paningin ko. Hindi nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng naririnig ko kaya napagalitan ulit ako kanina dahil sa pagkalutang. Kung anu-ano rin ang naririnig ko minsan, kahit mga pinakamaliliit namtuno naririnig ko. At ako kang ang nakakapansin niyon! Tapos, nagiging mapili ako sa mga pinakikinggan kong music. Nasampal ko nga kaninang breaktime si Andrea nang hindi sinasadya dahil naiinis ako sa pinatugtog niya! At minsan sa paningin ko, parang minsan faded ang colors, ta's minsan colorful! Feeling ko tuloy mas maraming kulay ang nakikita ko kaysa sa iba. Minsan naman feeling ko color blind ako.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtatakbo ako hanggang sa cafè. Sa sobrang takot ko kahit na nakapasok na ako sa loob sumisigaw at tumitili pa rin ako. Pinagtitinginan ako ng ilang costumers. Mabuti at kaunti na lang sila.

Hinihingal kong isinabit ang shoulder bag ko sa may sabitan (KASI ANO ANG GAMIT NG SABITAN KUNG WALANG ISASABIT?! 'DI BA? 'DI BA?!) at saka nagsuot ng apron.

"Hey, why are you wearing an apron? You are just a cashier today. Our crew mates are present, I thank God for that, in fairness," parang sarcastic na sabi pa ni Friscca na may halong pagtataray dahil nakatutok lang siya ngayon sa computer sa harapan niya,

"E-eh, ha?" Sa sobrang takot ko ata hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Pero nang lumaon ay na-realize ko rin kung ano ang katangahang aking nagawa at dali-dali kong inalis sa katawan ko at ibinalik ang apron sa dati nitong kinalalagyan.

Ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Ate Chelle, isang Mexican na ka-crew ko din. Ang lakas naman ng loob niyang magtaray ngayong ngayon lang ulit siya pumasok after 2 months! Memorize ko pa kung kailan pa siya huling pumasok. Siya nga ang pinakamatagal na absent, e! 'Yung iba, one week lang. 'Lang' kasi ang minimum na days ng pag-absent nila ay 3 weeks. Maximum is 4 months.

Kaya nga sanay na sanay na kami ni Friscca na kami-kami lang ang nagsisilbing cashier at waitress LAGI!

Bakit ba na-bad trip ako bigla. Parang nase-sense ko na hindi masaya ang gabing 'to.

Exspiravitحيث تعيش القصص. اكتشف الآن