chapter 1

938 19 13
                                    

Chapter 1

Okay Na Sana Eh

 “Oy, gising na jan!”

Kunyari wala akong narinig.

“Oy! Ano ba? Male-late ka na skwelahan! Oktubre na at lahat late ka pa din pumasok! Di ka nagsawa sa palakol?  Nakakahiya!”

“Ano ba yan! Ang aga-aga pa eh!” iritable kong sinagot ang nanay ko kasi nga talagang naalimpungatan ako.

“Ay anak ng tatay mo! Di ka ba talaga babangon jan?” sigaw ng nanay ko sakin habang papasok sa kwarto ko. “Bumangon ka na jan! Alas siete ang pasok mo diba? Tignan mo! Tignan mo! Siks portipayb na!” sabay batok sakin.

Tong nanay ko, simpleng English na 6:45 di masabi ng tama, eng-eng amp.

“$#&!(‘ “@! Siks portipayv na nga! Ba't di niyo ko ginising” pareklamo kong sagot.

“Aba tong hinayupak na to! Hindi daw ginising! Kasalanan ko pa ha!” sabay umamba na babatukan nanaman ako.

Pero bago pa man ako madampian ng kamay ng nanay ko eh nakaiwas ako, buti na lang may pagka-ninja ako. $#&! “'! late na nga pala ako!

Tatlong buhos ng tubig, isang pahid ng sabon, isang subo ng itlog at tatlong subo ng kaning lamig, sabay suot ng polo na gusto…”Toothbrush? Bukas na lang!”, sabay dampot ng sapatos at “teka, eto yung mejas na suot ko nung last last week ah…ambahooo!” at dahil male-late na nga ko, “sige na nga ito na lang! No choys!” sabay karipas ng takbo.

Sa kalagitnaan ng pagmamadali ko eh napadaan ako sa harap ng malaking bahay na may nakaparadang  tricycle sa tapat, may naka-sakay na babae na parang may inaantay, naka-palda siya na pang hayskul kagaya ng palda ng mga babae sa skul namin, maputi siya, makinis, matangos ang ilong at talaga mapapa-MAMMA MIYA ka talaga sa ganda.

Tumigil ako saglit, lingon-lingon onti sa likod baka sakali kasing nakasilip pa si nanay. Nang masigurado ko na wala, humakbang ako paatras, at kung di ka naman mas engot sa akin eh malamang eh alam mo na gagawin ko.

“Ah, good morning…” bumati ako ng parang nasa tono ng gusto kong malaman pangalan niya.

“Sino ka?” sagot niya sakin na para bang ngayon lang siya nakakita ng gwapo este tao.

“Ay sorry, di pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Jek-jek.”

“I'm M-m-max-ine…” pakilala niya sakin “Jek-jek?” inulit niya yung sinabi ko na parang may mali sa pangalan ko.

Pagkatapos niyang banggitin yung pangalan ko eh parang natatawa-tawa siya ng konti, “Maxine, tama diba? Maxine? Ba't…ka…tumatawa?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Wala wala, sorry” sagot naman niya na parang nagde-deny.

“Weh? Bakit nga? May ipot ba ko sa pisngi? Amoy ba akong surot na napisa?” tanong ko sa kanya na parang naiinsulto na ko sa tawa niya.

Alam mo yung tunog kapag naiipit yung daga? Ganun eh!

“Sorry ah, yung pangalan mo kasi katunog nung tinitindang food ng mga vendors sa kalsada” lalo siyang natawa.

Anong pinagsasabi nitong babaeng to? Gawin ba naman strit pood 'tong pangalan ko! “Huh? Di kita ma-gets eh!”

“Yung itlog! HAHAHA!” mas lalong lumakas yung tawa niya.

"Itlog? Anlayo naman itlog sa pangalan ko! Di naman ako mukhang balut, “Di talaga kita ma-gets eh”.

“Siret ka na ba?” sabay tawa ulit “Yung kulay orange!”

“Huh? Itlog na orange?”

“Hay nako you're so ewan! Yung kulay orange na egg! Yung tinutusok-tusok!” sabi niya sakin na parang…ay ewan! Di ko din mapaliwanag!

“Huh?”

“Oh my G! Kwek-kwek! Diba Jek-jek name mo? Magkatunog diba? Isn't it funny?” at hindi na tawa ang narinig ko, halakhak na!

$#&! “’! (ang corny, ang corny corny corny) ganito ba talaga pag mayaman? Siguro bago ka maging mayaman ehh may requirement na kailangan maging corny ka muna no? Pasalamat ka maganda ka!

Habang iniintindi ko yung ka-cornihan niya eh nalingat ako sa relo ko “Ay $#&! “’! late na ko!” di ko napigilan yung bibig ko.

“What did you just say?” tanong niya sakin na halatang di pa din siya nakaka-get over sa ka-cornihan niya at natatawa-tawa pa din siya.

“Ay, sabi ko late na ko” nagtunog anghel bigla yung boses ko kasi baka maturn-off sakin ang pyutchur wayp ko eh.

“Ah ganun ba?” humina yung boses niya na parang mawawalan na siya ng mapapag-tripan, “Oh! Ayan na pala yung driver ng service ko!...”napalingon siya sa patch ko at “Oh! Ka-schoolmate pala kita eh! Tara sabay ka na!”

Nagsisimula ng pumalakpak ang tenga ko kaya lang…

“Dun ka sa tabi ng driver” nilinaw niya.

Ha! Ayoko! Gusto ko sa tabi niya! Isa pa, sa itsura ni kuya, kapag naupo ako sa tabi niya eh baka di ako makarating ng buhay sa skul o di naman kaya eh baka pagbaba ko ng tricycle eh baka di na gumagana tong ilong ko.

“Di ba ako pwedeng jan na lang ako sa loob” tanong ko sa kanya na umaaasang papayag siya.

“Ayaw mo dun? Okay…”

“YESSS!”

“Simulan mo ng maglakad!” akala ko naka-iskor na ko bwiset!

“Bakit naman ayaw mo? Matapos mong pagtripan pangalan ko!” sabi ko na parang nasa tono ng panunumbat.

“Eh di nga pwede eh!” pasigaw niyang sinabi.

“Eh bakit nga eh!” pasigaw ko ding tinanong

 “Sinisigawan mo ko?” nag-aalboroto niyang sinigaw.

“Hindi naman nagtatanong lang” hininaan ko ang boses ko at nagpakita ng ngiting aso.

“Di pwede kasi dito uupo ang BF ko!”

Ano?! May boyfriend ka na! 

Ang mundo ko'y pinagtakluban ng langit at lupa, at para bang di na muling masisislayan ang bukas pa. Paano ang pagibig kung ang puso'y nag-iisa o aking sinta! Malandi kang sadya, di mo manlang inantay ang gwapo si Jek-jek…

“Yan na pala si PJ eh!” sigaw niya

At ako'y 'yong ipinagpalit sa mukhang pato at natutong na kwek-kwek.

Tae, ano tong pinagii-isip ko, “Wag ka mag-alala, magbe-break din yan” bulong ko sa sarili.

 “Ano sasabay ka ba o ano!?” 

 “Ah oo! Sige…” napalingon ako kay manong drayber “sa-sa-bay na a-ko.”

Wala eh! No Choys! Ano pa nga bang magagawa ko, edi pumanik ako sa likod ng tricycle at pinaplano ko na lang na hindi ko na lang titignan si manong hanggang dumating sa school. Nang pag-upo ko…

“Hellooo!” bati sakin ni manong na parang lahat ng hangin sa baga niya eh nilabas niya.

“Hello din p-p-po!” binati ko na lang din kahit mejo naduduwal ako sa baho ng hininga niya.

“Oh aalis na tayo ah!” di ko alam kung sinabi niya to para sasabihin na aalis na nga kami o kung sinabi niya yun para mag-paalam sa buhay namin eh.

“Kelangan ko ata ng gas mask” bulong ko sa sarili.

 “Ano kamo boy?” 

“Ah wala ho! Sabi ko po tara na”

“Ah…!” inis-tart ang  makina…

Sabay…VROOOOOOOOOOOOOOOOOM

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesWhere stories live. Discover now