Chapter 25

154 5 1
                                    

Chapter 25

Heels-mas Party

December 19, Biyernes, Christmas Party na sa skul. Tuluyan na ngang gumanda ang pakiramdam ko kaya 5:00 am pa lang ya gumising na ako at nagsimula na ako mag-asikaso ng sarili ko.

Pa-easy-easy lang ako na nag-almusal, 'yong tipong 5 minutes yung pagitan ng bawat subo ko na para bang wala akong pupuntahan mamaya, pagkatapos ay dumeretso na agad ako sa banyo at nagbuhos kaagad ng tubig, ang badtrip do'n, di ko namalayan na wala palang sabon! Kaya mula sa loob ng banyo eh sinigawan ko ang mama ko.

“Ma! Walang sabon! May sabon ba jan?”

Walang sumasabot.

“Ma! Pengeng sabon!”

Wala pa ding sumasagot.

“Ma!”

Bwiset mukhang tulog pa din si mama! Ano pa nga ba? Edi naisipan ko magtapis na lang muna at kumuha ng sabon sa may cabinet sa ay kusina, kaya tumingala ako para abutin 'yong tuwalya at magtapis bago lumabas ng banyo, pagka-kapit ko sa tuwalya ay napa-lingon ako sa may orasan sa loob ng banyo namin, nagulat ako na sobrang pag-petiks ko sa pagkain eh inabot na ako ng 6:30, at 7:00 yung Christmas Party namin, nataranta ako at nabitiwan ko yung tuwalya, di ko na alam ang gagawin ko kaya hindi ko na dinampot 'yong tuwalya at nakahubad ako tumakbo sa kusina para kumuha ng sabon.

Pagka-kuha ko ng sabon ay babalik na sana ako sa banyo, pero pagkasarado ko pa lang ng pinto nung cabinet, eh biglang may kumatok sa pinto.

Kung maaalala niyo na nabanggit ko dati na malapit lang ang pinto ng bahay namin sa kusina namin, nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto, harurot ako papasok ng banyo sabay lock ng pinto.

Nakikiramdam ako kung sino ba 'yong kumakatok. Maya-maya ay may narinig akong nagsalita.

“Jek?”

#%$! “$! Si Maxine! Buti na lang nakapasok ako agad sa CR. Nangatog bigla tuhod ko do'n ah! Pero siyempre alangan naman pag-intayin ko siya sa labas, kaya mula sa banyo eh sumigaw ako.

“Max! Pasok ka na lang! Naliligo ako eh!”

“Ah okay sige!” pasigaw niya ding sagot, kaya lang.

“Jek! The door is locked!”

“%$! %&! Badtrip! No Choys!

Dinampot ko 'yung tuwalya sa sahig at nagtapis, may magagawa pa ba ako? Dahan-dahan akong pumunta sa may pinto at dahan-dahan koi tong binuksan.

Bahagyang naka-silip 'yong kanang mata, hanggang tuluyan kong nabuksan 'yong pinto.

Jusko, di ko alam kung paano ko uumpisahang i-describe yung nakita ko! Basta, whooo! Basta! Okay sige ganito.

May nakita akong anghel sa lupa, naka blue na damit, 'yung manipis lang! Di ko kasi alam tawag do'n eh! Basta yung sa isang balikat lang may manggas, di ko alam tawag do'n eh, diba merong off shoulder? Ang pagkakaiba nung suot niya, isa lang 'yung off shoulder kaya siguro tatawagin ko na lang yun na semi-off shoulder kasi isa lang eh! Bukod dun, may bag siyang black, naka short lang siya at naka heels siya na mejo mataas.

Natameme talaga ako, wala na akong paki alam kung naka-tapis lang ako.

Naka lipstick siya na pula at basta! Baka bukas pa ako matapos kung iisa-isahin ko 'yong nakita ko.

“Hi Jek!”

“H-h-hi din?”

“Oh ba't parang nakakita ka ng multo!”

“Hindi ako nakakita ng multo! A-a-anghel ang nakita ko!” nakatulala kong sagot sa kanya.

“Sus! Puro ka kalokohan! Pwede ba akong pumasok?” nanumbalik ako sa ulirat at bahagyang napa-atras.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesWhere stories live. Discover now